CHAPTER 4 (Here You Are Again)

6.2K 149 19
                                    

Nagpasya si Yvo na hindi na muna gambalain ang dalaga bagkus kinausap niya si Dr. Velasco na siya na ang bahala sa mga gastuhin. Tamang-tama rin na hindi siya pag-isipan ng iba dahil para na rin itong eskandalo sa nasabing program kanina.

Nang makauwi siya ay napagpasyahan niyang bumalik ulit sa hospital mamayang gabi. Alam na rin naman niya kung anong numero ng kwarto sila naka-admit. 

Bagkus sa mga nangyari ay hindi maalis-alis ang mga ngiti sa mga labi ni Yvo. Kahit siya ay naiinis dahil nagmumukha siyang baliw na nakangiti sa hindi makitang rason ngunit wala namang nakakakita nito. 

Kumuha siya ng baso at nagsalin ng inumin at nilagok itong lahat. Kailangan niyang mahimasmasan. Isang buwan din ang nakalipas bago niya ulit natagpuan ang dalaga kaya hindi na lamang siya makapaniwala sa mga  nangyayari ngayon. 

"I'm not going to let you go this time," bulong niya sa hangin at pumanhik sa kayang kwarto upang maligo na muna saka aalis ulit. 

Pagkatapos niyang maligo ay dali-dali na rin siyang nagpalit ng damit. Habang nag-aayos ng kanyang buhok ay ang siya namang pag-ring ng kanyang selpon. Hindi na niya ito huhulaan kung sino dahil alam niyang si Zyer ulit ito. 

Sa ilang ring ay agad niya rin naman itong sinagot. "Why did it take you so long to respond?" salubong niya sa kabilang linya na ikinairap naman ni Yvo.

"What do you want?" sagot niya habang abala pa rin sa pagsusuklay. 

"Regarding the resort I mentioned to you, I would like to go there right now," ani nito at bakas sa boses niya na para bang may nangyayaring hindi maganda ngunit walang oras si Yvo na isipin pa ito. Ibibigay na lamang niya ang kanyang gusto kung iyon ang makakapagpatahimik sa kanya.

"It's all set up already. If you would like assistance there immediately, please speak with my secretary. I apologize if I can't speak with you for longer, but I have things to run right now. I hope your trip there is pleasant, " sagot ko at dinig ko naman ang kanyang pagbuntong hininga.

"Sorry for the trouble, but thank you, bro. I'll give her a call now."

Pagkatapos nilang magpaalam sa isa't-isa ay napabga si Yvo ng hininga dahil mukha itong may tinatakbuhan o iniiwasang problema. Bibisitahin na lamang niya ito sa resort sa mga susunod na araw kapagka may bakanteng oras na siya ngayon pa na nakita na niya ang dalaga.

NANG makarating siya sa hospital ay agad siyang dinala ng kanyang mga paa kung saan ang kwarto ng nasabing kapatid ng dalaga. Hindi niya alam kung ano ang gagawin pagkatapos basta ang alam niya lang ay hindi na niya palalagpasin ang araw na ito.

Nasa harapan na siya ngayon ng kwarto at tiningnan niya ang pangalan na nakalagay sa isang maliit na lagayan. Ericka Sandoval ang nakasulat doon at kung hindi siya nagkakamali ay ito mismo ang nasambit ng nars sa kanya kanina.

May naririnig din siyang nag-uusap sa loob at sigurado siyang silang dalawa lamang ang naroroon.

Walang pagdadalawang-isip ay pinihit niya ang busol at itinulak ng marahan ang pinto dahilan upang matigilan ang pag-uusap nila. 

Nang tuluyan na siyang makapasok ay kita niya ang babaeng nakahiga sa kama at maputla ngunit bakas pa rin ang kagandahan nito. Naniniwala siyang ang pangalan nito ay si Ericka. 

Dahan-dahang lumipat ang kanyang mga tingin sa katabi nito na sigurado siyang nakatingin na rin ito sa kanya. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay halos kumabog nang husto ang kanyang dibdib na para siyang mabibingi. Halata sa mga mata nito ang pagod at puyat ngunit hindi nito ikinubli ang angkin niyang kagandahan.

Agad na tumayo ang dalaga mula sa kanyang kinauupuan na hindi inaalis ang kanyang mga tingin sa kanya. "Ericka diyan ka na muna ha. May kakausapin lang ako," wika niya at hindi na hinintay pa ang sagot ng kanyang kapatid at agad na naglakad ito sa direksyon ni Yvo.

Parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang balat nang hawakan ng dalaga ang kanyang braso papalabas ng kwarto.

Nang tuluyan na silang makalabas ay ang siya namang pagbitaw ng dalaga sa pagkakahawak sa kanya. Bahagya siyang napangisi dahil sa mga titig ng dalaga sa kanya. 

"Ikaw ba si Razon na sinasabi nila?" ani nito na siyang ikinatango lamang niya na parang timang. "Ikaw na rin ang nagbayad ng mga babayarin ng aking kapatid," dagdag pa nito saka ulit din siyang tumango.

"You left without even saying goodbye, so why did you do that?" wika niya na hindi pinansin ang mga una niyang sinambit kanina. 

Napayuko ang dalaga at tila nilalaro ang kanyang mga kamay. "Iba't-ibang klaseng mga trabaho ang pinapasok ko at noong gabing iyon ay isa ako sa mga babaeng kinuha ninyo para sa isang bachelors party. At doon ay may nangyari nga sa atin at nang magising ako ay nakita ko na lamang ang sarili ko na dali-daling nag-impake papaalis dahil alam ko naman kung ano ang maaari mong sabihin o itrato sa akin at ayokong maranasan ulit iyon," mahabang lintanya niya at hindi maiwasan ni Yvo na mabighani ulit sa kanya. 

Alam niyang ginagawa lamang niya ang mga lahat ng iyon dahil na rin sa kalagayan ng kanyang kapatid. Kita niya rin kaninang umaga ang dati nilang mga bayarin sa hospital maging outpatient o inpatient ang kanyang kapatid at malaking halaga ito para sa kanilang dalawa. Sa mga tulad nilang hikaos sa buhay at walang masandalan na mga magulang ay tiyak siyang hirap din ang mga ito. Hindi niya lubos maisip kung papaano niya naigagapang ang buhay nilang dalawa sa pang araw-araw.

Nalaman niyang wala na silang magulang kay Dr. Velasco kaninang umaga habang inaayos ang kanilang mga posibilidad na mga bayarin. Isang pribadong hospital din kasi sila naka-admit dahil na rin sa mas maasikaso ng husto ang kanyang kapatid. 

Iniisip pa lang ni Yvo kung ano-anong mga trabaho ang pinapasok niya ay siya na mismo ang nahihirapan para sa kanilang dalawa. 

"What makes you think that I would treat you that way?" ani niya at dahan-dahang tumingala ang dalaga at nagsalubong ulit ang kanilang mga mata.

"I asked you about your name that night, and perhaps I now have the right to know it," direktang saad niya kita niya ang paglunok nito.

Namutawi ang katahimikan sa kanilang dalawa ng halos ilang segundo.


"Astrid, Astrid Sandoval . . . Mr. Razon."



PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING

You can now order the book po maaaring mag-comment lang po rito o pumunta sa aking facebook page @Heitcleff upang malaman kung papaano umorder 💜 Maraming salamat po sa suporta! May freebies giveaway po tayo 💜💜💜

LET ME LOVE YOU: Yvo Razon Casanova (PUBLISHED UNDER UKIYOTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon