CHAPTER 7 (Init sa Magdamag)

5.8K 124 16
                                    

Ilang oras na silang nasa byahe at hindi pa rin sila humihinto. Nagtatakang tiningnan ni Astrid si Yvo na nakatuon lamang ang atensyon nito sa daan na kanilang tinatahak. Nakakapagtaka lang dahil sa mga oras na iyon ay dapat na siya kabahan ngunit wala siyang nararamdamang takot kapagka kasama niya ang binata.

"Do you want something to eat? We're nearly there," ani nito na hindi man lang nag-abalang tingnan siya.

Umiling naman ang dalaga dahil hindi pa naman siya gaanong nakakaramdam ng gutom. "Hindi pa naman. Saan ba talaga tayo pupunta? Baka gabihin tayo at mag-aalala ang kapatid ko sa akin," wika niya habang tinatanaw ang mga luntiang puno na kanilang nadadaanan.

Malapit na rin naman kasing magdilim sa mga oras na iyon at hindi niya alam kung anong oras sila uuwi.

Para tuloy gusto niyang lumabas sa bintana ng sasakyan ang lasapin ang napakasariwang hangin sa labas. Batid niyang malayong-malayo na sila sa syudad at hindi niya maitatanggi na gusto niyang manirahan sa ganitong lugar.

Hindi naman maitago ng binata na medyo nasisiyahan siya na kasama niya ang dalaga. Napasulyap siya ng mabilis sa dalaga at kita niya rito ang pagkawili sa labas at wala man lamang halong bakas na takot dahil kanina pa sila na nasa byahe. Hindi naman nito masabing mahal niya ang dalaga dahil kakikilala lamang nila marahil ang tamang mga salita para sa kanilang dalawa ay kailangan nia ang isa't-isa.

"Yvo, marahil ay nalilimutan mo na ang kompromiso mo sa amin. Tandaan mo ang lahat ng mga ipinundar at pinagtrabauan mo ay hindi mo makukuha kapag hindi mo natupad ang iyong ipinangako," wika ni Don Sebastian ang ama ni Yvo habang sumisipsip ng kanyang mainit na kape.

Naikuyom niya ang kanyang palad dahil sa walang humpay na pagpapaalala sa kanya ng kanyang ama at ina sa mga katagang iyon. Wala rin naman siyang mapagpipilian dahil sa ayaw at gusto niya man ay doon din ang punta. Ayaw niyang mawala sa lahat ang kanyang mga ipinundar. Oras, dugo, at pawis na ang ibinigay niya roon mapalago lamang ang kanilang mga negosyo.

Magre-retiro na rin naman kasi ang kanyang ama bilang chairman at CEO ng International Container Terminal. Masyado kasi itong nalulong sa trabaho pati na rin ang kanyang ina kung kaya't tila nalimutan nila ang mga oras at araw na nagdaan at hindi namalayang malaki at may isip na ang kanilang anak. Kung kaya't ngayon ay siya ang pinagdidiskitahan at iniipit sa kanilang kagustuhan na magkaroon ng apo dahil iyon ang kanilang huling hiling sa kanya.

Sa huli ay sumang-ayon naman ang binata dahil sa kanilang kagustuhan at unang-una ay ayaw niyang makuha sa kanya ang lahat.

"Here we are," wika niya dahilan upang matutop ng dalaga ang kanyang bibig.

Napakalaking bahay ang nasa kanilang harapan na animo ay aakalain mong isa itong hacienda. Hindi mapigilan ni Astrid na ilibot ang mga mata nito habang papasok ang sasakyan sa loob. Para siyang nasa isang teleserye at hindi niya lubos maisip kung gaano kayaman ang binata.

"My parents' residence, but they gave it to me as a gift. They are currently on vacation outside," wika niya sabay parada ng sasakyan sa gilid.

Dahil sa pagkalula ay hindi niya na namalayan na pinagbuksan na siya ni Yvo ng pinto at dali-dali naman siyang lumabas na nahihiya.

"Sindikato ba kayo? Ba't ang yaman ninyo?" bulalas ni Astrid na walang preno-preno sa kanyang pananalita habang sinusundan ang binata papasok sa loob.

Bahagya namang natawa si Yvo sa kanyang tinuran at umiling-iling. Nang makapasok na sila sa loob ay agad naman silang sinalubong ng isang matandang babaeng naka-uniporme at batid ng dalaga na isa itong kasambahay.

Ngumiti ng pagkatamis-tamis ang matanda sa kanya kaya sinuklian niya rin ito. Tiyak siyang makakasundo niya ang matanda.

"Ipaghain mo muna kami Nanang at may pag-uusapan lang kami sa opisina ko. Maaari kang kumatok doon kapagka nakahanda ka na," wika ni Yvo at tumango naman ito sa kanya.

LET ME LOVE YOU: Yvo Razon Casanova (PUBLISHED UNDER UKIYOTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon