CHAPTER 8 (Lihim na Nasasaktan)

5.3K 115 15
                                    

Makalipas ang dalawang linggo . . .

Dalawang linggo ng nanunuluyan sina Astrid gayun din ang kanyang kapatid sa kanilang bagong tahanan.

Pagkatapos nung araw na iyon ay hindi na muling nagkita si Astrid at Yvo. Sa hindi malamang kadahilanan ay para bang nasasaktan ang dalaga ngunit pilit niya itong binabalewala. Kahit na lahat ng mga kailangan nila ay nabibigay ay hindi pa rin tumigil si Astrid sa pagtatrabaho sa isa niya pang part-time job sa isang fast food chain.

Kasalukuyan siyang nagtitimpla ng gatas dahil hindi siya makatulog sa mga araw na nakalipas. Tulog na rin ang kanyang kapatid at lubos ang kasiyahan niya dahil nakikita niya itong nasa maayos na kondisyon.

May donor na rin ang kanyang kapatid ngunit sa susunod pa na buwan gagawin ang operasyon sa kanya. Gabi-gabi ay lagi niyang pinagdarasal na maging maayos ang lahat para sa kanyang kapatid.

Humila siya ng bangko at pinagmasdan ang mainit na usok na galing sa tasa ng kanyang tinimplang gatas. Pagkatapos ng gabing iyon na kanilang pinagsalohan ay nagising na lamang siya na wala na ang binata sa kanyang tabi. Nakita niya lamang ang kanyang sarili na sinusundo at nakasakay na sa isang sasakyan patungo kung nasaan ang kanyang kapatid.

Para bang pinalasap sa kanya ang ginawa niya noon sa binata. Napapikit siya ng mariin at napabuntong-hininga. Naguguluhan siya sa kanyang sarili kung bakit niya iniisip ang binata.

"Maghunos-dili ka nga, Astrid," bulong niya sa kanyang sarili saka lumagok ng gatas.

Noong araw ding iyon ay ipinasok lahat ng binata sa kanya ang lahat ng kanyang likido na para bang atat na atat na itong bigyan ng supling at ngayon ay ni anino ay hindi niya mahagilap. Ngunit bakit pa ba? Bakit niya nga ba ito hinahanap kung gayong isang kontrata lang naman ang nakapulupot sa kanilang dalawa.

Sa oras na magdalang-tao at manganak siya ang lahat ng nasa kanyang paligid ay mawawala rin. Babalik din ang lahat sa normal kung ano ang buhay nilang magkapatid. Kaya nga hindi siya tumitigol sa pagtatrabaho dahil iniipon niya ito sakaling dumating na ang panahong iyon.

Ramdam niyang isa nga siyang bayarang babae at doon siya nasasaktan. Ilang beses pa lang naman silang nagkita at nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap ni Yvo ngunit tila ba nakakaramdam siya sa tuwing nasa tabi niya ang binata ng kaligtasan. Kung maaari lang ay gusto niyang nasa tabi niya lagi ito o natatanaw niya man lang sa malayuan. Hindi niya rin mapigilang isipin kung gaano kaswerte ang nobya nito na siyang minsan hiniling niya ay siya na lamang ito.

Bahagyang ipinilig niya ang kanyang ulo dahil sa kanyang mga iniisip. Tila isang suntok sa buwan iyon kung mangyayari dahil kung susumahin at titingnan ay isa lamang siyang mahirap na nilalang at hindi man lang nakapagtapos ng pag-aaral. Sa madaling salita ay isa lamang siyang simpleng tao na walang binatbat pagdating sa mga gaya nila Yvo.

"Tama na ang kaiisip," bulong niya at inubos ang natitira sa kanyang tasa at tumayo na mula sa kanyang kinauupuan.

Hinugasan niya ang kanyang tasa saka nagpunas ng kanyang kamay. Napatingin siya sa malaking orasan na nakasabit na nagsasabing alas-otso pa lang ng gabi.

Napatanaw siya sa balkonahe at dahil sa patay na nga ang mga ilaw sa loob ay tanaw niya ang maliwanag na buwan na siyang nagpapaliwanag lamang sa loob.

Napagdesisyonan niyang lumanghap na muna ng sariwang hangin at nang makalabas siya ay hindi niya mapigilang hindi mapanhanga sa mga bituin na kumikislap sa kalangitan.

Nagpasya siyang maupo na muna at pagmasdan ang kagandahan ng kalangitan.

"Saan kaya tayp pupulutin pagkatapos nito?" bulalas niya at kahit na anong pigil niya sa kanyang sarili na huwag na muna itong isipin ay hindi niya pa rin mapigilan ang kanyang sarili.

SA KABILANG dako ay nasa balkonahe ng kanyang penthouse si Yvo at tinatanaw ang mga bituin. Mag-isa lamang siya kasama ang kanyang isang boteng alak na kanina niya pa nilalagok.

Maski siya ay hindi makatulog dahil sa kaiisip sa dalaga. Tama nga ba ang kanyang ginawa? Tama nga ba na ipinagpatuloy niya pa na mapalapit sa dalaga?

Noong gabi ding iyon nang may nangyari ulit sa kanila ay nakita niya na lamang ang kanyang sarili na iniwan ang dalagang himbing sa pagtulog.

He admits to himself that he has feelings for her. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay isa itong pagmamahal. He barely knew her and yet he offered her a contract to be his surrogate.

Muli siyang nagsalin ng inumin sa kanyang baso at agad itong nilagok. Kailangan niya ito upang agad siyang makatulog.

"It's been two weeks," bulong niya saka napahilot sa kanyang sentido.

Sinadya niyang ibuhos lahat sa dalaga ang kanyang likido dahil baka sakaling makabuo na agad silang dalawa.

At kapag nangyari iyon wala na siyang dahilan upang isipin pa siguro ang dalaga. Kailangan na nitong magdalang-tao upang maibigay na ng kanyang mga magulang kung ano ang nararapat na para sa kanya.

Iyon naman talaga ang misyon niya at hindi kasali sa kanyang misyon ang salitang pag-ibig. Hindi siya kailanman magiging isang baliw pagdating sa pag-ibig dahil nakita niya na ito sa kanyang mga kaibigan na sina Xenon, Zyer, at Warn. Hindi siya magiging kagaya nila na para bang pinagsakluban ng mundo dahil lamang sa babae.

At hindi si Astrid ang makakapagpabagsak sa kanya sa ngalan ng pag-ibig.

"Astrid," bulong niya sa hangin na tila ba sa tuwing binibigkas niya ito ay parang nalalasap niya ang bawat sulok ng katawan ng dalaga.

Bahagya siyang natawa dahil sa kanyang naisip. Libog nga lang ba ang nararamdaman niya sa dalaga? O dahil kakaiba siya sa mga nakilala niya?

Marahil nga sa dalawang iyon ay lahat ay tama. O pinipilit niya lamang na kumbinsihin ang kanyang sarili sa mga bagay-bagay na ayaw niyang malagay sa sitwasyon na ikinatatakot niya?

Pakiramdam niya ay nasa bingit na siya mismo ng kamatayan. Kailangan na niyang bilisan upang maalis niya na sa buhay niya ang dalaga bago pa maging kritikal ang lahat para sa kanya.

He needs to get rid of her.

"I need to stay away from you."

LET ME LOVE YOU: Yvo Razon Casanova (PUBLISHED UNDER UKIYOTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon