CHAPTER 19 (Insecure)

3.6K 84 5
                                    

Hindi halos maintindihan ni Yvo kung ano ang kanyang maaaring gawin noong mga oras na nakatanggap siya ng mensahe galing kay Xenon patungkol kay Celestine na umano ay bumalik na ito. Malakas lang talaga ang kutob niya na baka pupunta ito agad sa kung nasaan si Astrid.

Kahit na may importante siyang gagawin ay agad niya itong ipinakansela sa kanyang sekretarya. Pinaharurot niya ang kanyang sasakyan na para bang hindi takot madisgrasya.

"Bakit ka pa bumalik?" bulong niya na ngumingitngit ang kanyang mga ngipin sa galit.

Mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa manubela na parang bang liliparin niya na lamang patungo kay Astrid. Napakasama ng kanyang pakiramdam sa pagbabalik ni Celestine at alam niya kung ano ang kaya nitong gawin.

Naging bulag siya sa pag-ibig niya kay Celestine na hindi na niya mismo nakikita ang mga ugaling hindi nagustuhan ng kanyang ina.

Inaamin niya minahal niya ng husto si Celestine kaya inaya niya pa itong magpakasal ngunit mabuti na lang din at hindi ito natuloy dahil na rin sa kanyang ama.

Akala niya noon ay mismong mga magulang niya mismo ang kontrabida sa kanilang relasyon ngunit doon pala siya nagkakamali.

Ilang minuto na lang ay malapit na siya sa kanyang paroroonan.

"Kung kasalanan man na manuntok ng isang babae ay gagawin ko pa rin kahit ano pa mang sabihin sa akin kapagka sinaktan niya si Astrid," bulong niya saka kinabig papaliko ang manubela at dali-daling lumabas at agad na tumakbo papasok ng bahay.

Nang makapasok siya ay huli na nang makita niyang nakadapa si Astrid at tila nakahawak sa kanyang pisngi. Ni hindi niya makita ang mukha nito dahil natatabunan mismo ni Celestine.

Tama nga ang kanyang hinala nandirito nga si Celestine.

Nagkukumahog sa gigil si Yvo nang dali-dali siyang naglakad patungo sa kanilang direksyon.

Dahan-dahan niyang nasilayan ang mukha ni Astrid na para bang ang putlang-putla at pawis na pawis ang kanyang noo.

"Celestine!" Sigaw ni Yvo saka pwersahang hinawakan ito sa pulso at itinaboy.

"Yvo! Iyan? Iyan ba ang ipapalit mo sa akin? Ganoon na ba aka ka cheap ha? Ang pangit naman niyan!" Sigaw niya na para bang halos sabunutan niya ang kanyang sarili sa inis ngunit pilit na lumalapit sa binata at tinatangkang halikan ito.

Bubuhatin na sana ni Yvo si Astrid nang pigilan siya ulit ni Celestine at tangkaing hagkan at halikan nang walang ano-ano ay itinulak niya ito. Dahil sa lakas ng kanyang pagkakatulak ay napasudsod ito sa lupa. Para namang mangiyak-ngiyak si Celestine dahil sa hindi siya makapaniwalang nagawa iyon ni Yvo sa kanya.

"Huwag mong ikumpara ang isang tao lalong-lalo na sa isang tulad mo. Wala kang binatbat kay Astrid. Hindi ko gusto na umabot ako sa puntong sisinghalan kita dahil abot langit ang pagkamuhi ko sa 'yo. Umalis ka na Celestine, bago kita kaladkarin sa pamamahay na ito," wika niya na halos walang emosyong pagkaawa sa dalaga kahit umiiyak na ito sa kanyang harapan.

GABI NA NANG magising si Astrid at sa kanyang paggising ay nagulat siya nang may makapa siyang kamay. Dahan-dahan naman niya itong tiningnan at halos mahulog ang kanyang puso nang malamang si Yvo pala ito.

Tulog na tulog habang binabantayan siya.

Isinuklay niya ang kanyang mga daliri sa buhok ng binata. Hindi siya magsasawang gawin iyon dahil napakalambot ng buhok nito kumpara sa kanya.

Tila naalimpungatan naman si Yvo at dali-daling napatingin kay Astrid.

"You're awake. Anong gusto mo? May masakit pa ba sa iyo? Gusto mo ba ng tubig? Sabihin mo lang," tanong niya na para bang aligaga at sobrang nag-aalala.

Hinaplos ni Astrid ang pisngi ng binata at ngumiti. "Ayos lang ako. Nalipasan lang ako ng gutom kanina kaya siguro ako nawalan ng malay," sagot niya saka dinampian ng halik ang kanyang noo.

Hindi niya alam kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob upang gawin iyon ngunit para bang katawan na niya mismo ang gumawa ng aksyon.

Tila nagulat naman si Yvo sa kanyang ginawa at hindi niya napigilang hindi mapangiti. Para siyang dinuduyan sa kilig na hindi niya halos maipaliwanag.

"You made me worried about you. Astrid, I can hire someone to handle those tasks for you," ani nito na siyang ikinailing naman ng dalaga.

Hindi naman kasi nito gusto na gumastos pa ito sa kanilang dalawa dahil nanunuluyan lamang sila.

"Alam mong nanunuluyan lamang kami rito ni Ericka at kayang-kaya ko ang mga ginagawa ng mga katulong dahil naranasan ko na rin ang mga trabahong iyan. Nawalan lang ako ng malay dahil nga nalipasan lang ako ng gutom. Kasalanan ko rin naman kasi inuna ko ang mga trabaho kaysa sa pagkain," mahabang lintanya niya na ikinaismid ni Yvo.

Hindi niya kasi alam kung papaano patulan ang dalaga dahil hindi niya ito kayang gawin. Naging ganito rin naman siya noon kay Celestine ngunit noon ay kaya niya pang hadlangan ito sa kanyang mga sagot ngunit iba si Astrid.

Ibang-iba kay Celestine.

He had dated some celebrities and laid with women, but there were no sensations that he could sense or see. Ngunit noong gabing iyon nang magkita sila ni Astrid at may nangyari ay kakaibang sensasyon ang kanyang naramdaman ngunit hindi niya pa alam na siya ang babaeng napupusuan na niya noon pa man.

Hindi niya kasi alam ang pangalan niya nito noon at ilang taon na rin ang lumipas kaya hindi niya agad ito nakilala.

"Kaya mo bang tumayo? Nakapagluto na ako kanina pa. Doon tayo sa labas para kumain at makalanghap ka ng sariwang hangin kahit gabi na. Iinitin ko lang saglit ang mga niluto ko," wika niya saka inalalayan ang dalaga sa pagtayo.

Hindi halos maiwasan ng dalaga na pamulahan siya ngunit agad din itong nawala at napalitan ng ibang emosyon. Doon niya na lang ulit napagtanto ang babaeng nagngangalang Celestine.

Napabuntong-hininga naman si Yvo nang makitang tila umiba ang reaksyon ng dalaga. "Alam ko ang tumatakbo ngayon sa isip mo. Huwag mo na siyang isipin dahil hindi ka na niya gagambalain pang muli," wika niya at tumango naman ang dalaga.

Napakarami niyang katanungan na gusto niyang marinig mismo sa binata ang mga kasagutan. May alam naman siya kahit papaano sa kanilang dalawa dahil naisawalat niya naman noong isang araw ngunit nang makita niya si Celestine ay tila nilamon siya ng hiya.

Para bang nainggit siya sa dalaga dahil tulad naman talaga niya ang bagay para sa isang Yvo Razon.

Hindi tulad niya na parang basahan.

LET ME LOVE YOU: Yvo Razon Casanova (PUBLISHED UNDER UKIYOTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon