CHAPTER 24 (Torn Between The Two)

3.7K 83 4
                                    

Masayang nag-uusap habang umiinom ng kape si Astrid at Angelo habang binabalikan ang kanilang mga nakaraan noong kolehiyo pa lamang sila. Kasalukuyan silang nasa isang branch ng pagmamay-ari ni Angelo na Espresso at hindi mapigiling hindi mapahanga ni Astrid sa loob ng coffee shop dahil talagang nakakarelaks ito mismo kaya hindi siya magtataka kung dadayuhin talaga ang kanyang pwesto.

"Oh maiba naman ako. Sa estado mo ngayon kasal ka na ba?" diritsang tanong ni Angelo sa kanya at kahit punong-puno siya ng kumpyansa sa kanyang sarili ay kinakabahan siya sa magiging sagot ng dalaga. 

"Hindi pa ako kasal. Masyadong komplikado ang buhay may relasyon ko ngayon," ani niya at napatingin sa kanyang tasa na halos kalahati na lamang ang kape. 

Nasiyahan naman si Angelo roon ngunit may balakid pa rin dahil sa may karelasyon umano ang dalaga at lihim siyang nasaktan doon. Pansin niya rin na hindi ito masaya nang itanong niya ang tungkol doon. Hindi niya halos maisip sa kung sino man ang mapangahas na lalaking iyon ay hindi niya pinapahalagahan ng husto ang babaeng tinatamasa niya. 

Iniisip niyang sobrang swerte nung lalaking iyon dahil nobya niya ang dalaga ngunit tila hindi naman ito  masaya. Tila nabuhayan naman ng loob ang binata dahil hindi nga rin ito kasal kaya pwede pa siyang gumawa ng aksyon.

"Bakit? Care to tell me? Just like the old times," wika niya at bahagyang napangiti naman ang dalaga dahil komportable naman siyang talaga kay Angelo noon pa man. 

Sa kanya niya sinasabi ang lahat ng kanuang mga hinaing sa buhay noon pa man. 

Ikinuwento nga ni Astrid ang lahat sa kanya at wala siyang inilihim dito. Nagulat naman si Angelo dahil kiala niya mismo ang kalaguyo nito. Kilalang-kiaa niya si Yvo dahil magkaklase sila sa isang subject noong kolehiyo. 

Kilala niya rin ang mga barkada nito na sina, Xenon, Zyer at Warn na tinaguriang mga WXYZ Casanova. Kilala niya ang mga ito dahil sikat sila mismo sa campus at puros mga babaero. 

Iba't-ibang babae na rin ang mga dumaan sa kanila at lahat ng mga iyon ay umuwing luhaan. Kaya hindi hiya lubos maisio na pati si Astrid ay maukuha ng isa sa mga iyon. At iyon nga ay si Yvo, matalino, tahimik, wais, at matinik si Yvo, isa rin sa mga kilalang pamilya sa industriya. Ngayon isa na si Yvo sa mga kilala at mataas na business man. Sa katunayan ay sa kanya siya kumuha ng mga iilang building para sa kanyang condominium.

Mahirap kalaban ang isang Yvo Razon ngunit kung para ito sa dalaga ay gagawin niya lahat ng kanyang makakaya mapasakanya lang ang dalaga total naman ay mukhang hindi naman ito masaya sa piling ng binata. 

"Kung hindi ka na pala masaya bakit nagtitiis ka pa?" tanong niya dahilan upang magtama ang kanilang mga mata at kita niya ang mga lungkot sa mga mata nito.

"Malaki ang utang na loob ko sa kanya at pati na rin sa kanyang pamilya. Sila rin ang nagdugtong ng buhay para sa kapatid ko. Minahal ko na rin siya Angelo, noon pa man ay gusto ko na siya ngunit heto ako ngayon tila pilit na nag-aabot ng bituin sa kalangitan," wika niya bago lumagok ng kape. 

"Matagal na taon din ang lumipas totoo bang mahal mo pa siya kahit hindi ka na masaya sa piling niya o sadyang tumatanaw ka lamang ng utang ng loob sa kanila? Hindi ibig sabihin na may utang na loob ka na ay pati ang maging kasiyahan mo ay itataya mo? Base nga sa kwento mo ay halos naibigay mo na nga sa kanya ang lahat," wika niya at tila mmay pagkapakla ang kanyang tono sa mga huling salitang kanyang sinambit. 

Naiintindihan niya ang dalaga dahil nasa isang gipit siya na sitwasyon at ang lahat ng iyon ay para naman sa kanyang kapatid. Noon pa man ay masipag na ang dalaga at saksi roon si Angelo, dahil kahit anong raket ay kanyang pinapasok. 

"Minsan ay hindi ko na rin alam ang kasagutang sa mga iyan, Angelo. Tiyaka nga pala-," hindi na naituloy ni Astrid ang kanyang nais sabihin nang may biglang nagsalita mula sa kanyang likuran at pamilyar sa kanya ang boses na iyon. 

"Looks like you're enjoying someone else's company," isang malamig na boses ang kanyang narining na agad niyang tiningnan ko tama nga ba ang kanyang hinala. 

Nakatayo si Yvo sa likuran lamang ni Astrid at tila galit ang awra nito. Malalim ang tingin niya mismo kay Angelo na animo ay arang kakainin niya na itong buhay. 

"Man, it's good to see you here," wika ni Angelo saka tumayo at nakipagkamay ngunit hindi tinanggap ni Yvo kundi pinagkatitigan niya lamang ito. 

"For me it's not," tipid niyang sagot na ikinabawi naman ng kamay ni Angelo at tumango na lamang. 

Tila kinahan naman si Astrid sa naging pakikitungo ni Yvo sa binata kaya agad siyang tumayo at kinuha ang kanyang bag. 

"Sorry Angelo, pero mukhang kailangan ko nang umalis," wika niya at dali-dali namang naglakad patungo sa pinto at agad na lumabas hindi na hinintay ang sagot ni Angelo o ang tapunan man lang ng tingin si Yvo. 

Agad-agad namang sinundan ni Yvo ang dalaga. Hindi niya alam ngunit naiirita siya ngayong araw imbes na maganda dapat ang magiging salubong niya sa dalaga. 

Ito ba ang naging resulta sa kanyang pagkawala? Sa kanyang hindi pagpaparamdam? Hindi niya lubos maisip na sa isang buwan ay maiaalis na siya ng dalaga sa kanyang buhay. 

"I didn't know that you are that easy to get. May nangyari na rin ba sa inyo? Ano? Ilang araw na? Masarap ba?" sunod-sunod niyang tanong habang sinusundan si Astrid na patungo ito sa kanyang sasakyan. 

Hindi sumagot si Astrid bagkus atuloy pa rin ito sa kanyang paglalajt at galit na galit siya ngunit ayaw niya sumabog sa lugar na iyon.

Papasok na sana siya sa kanyang sasakyan nang bigla siyang buhatin ni Yvo na parang isang sako ng bigas. Agad siyang luiko ng daan at pinalo ang puwet ng dalaga. 

Nagulat naman ang dalaga sa kanyang ginawa kaya pinaghahampas niya ang likuran ng binata. 

"Ibaba mo ako ngayon din, Yvo! Nakakahiya ang ginagawa mo!" sigaw niya ngunit pinagtitinginan na sila ng mga tao at gayun na rin si Angelo na may galit sa kanyang mga mata. 

"We're going talk. A deep talk, Astrid."







LET ME LOVE YOU: Yvo Razon Casanova (PUBLISHED UNDER UKIYOTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon