CHAPTER 10 (Dati Pa Man)

4.3K 98 9
                                    

Nangingilid at nagbabadyang kumawala ang mga luha ng dalaga ngunit pilit niya itong ikinukubli sa pamamagitan ng pagngiti na hindi naman halos abot sa kanyang mga mata.

Lihim siyang nasasaktan sa mga katagang binitawan ng binata sa kanya. Pagkatapos niyang ipaghanda ang binata ay agad din itong umalis. Mabuti na lang din at umalis ito kaagad dahil baka umiyak lamang siya sa harapan nito.

Hindi rin tumagal ay dumating ang kanyang kapatid na halatang bagong gising lamang ito. Hindi siya makatingin ng diritso dahil baka maya't-maya ay maluluha na lamang siya sa sama ng loob.

Hindi naman ito napansin ng kanyang kapatif kaya nakita niya ito bilang isang magandang senyales upang magkunwari na magbabanyo lamang siya dahil masakit ang kanyang tiyan.

"Kumain ka na muna riyan at ubusin mo 'yang ginawa kong spring roll ha," wika niya at tila kumislap naman mismo ang mga mata ng kanyang kapatid at tuluyan niya na itong iniwan.

Habang papalit siya nang papalapit sa kanyang kwarto at pabigat din nang pabigat ang kanyang mga hakbang. Masyadong masakit at napakabigat ng kanyang pakiramdam. Tama nga naman ang binata at siya lang naman ang nagbibigay ng kahulugan sa lahat.

Dalawang beses pa lang naman, dalawang beses ngunit napakasakit na. Bakit? Dahil noon pa man ang may gusto na siya sa binata. Kolehiyo pa lamang sila ay may pagtingin na siya rito. Kahit nasaan ang grupo nila na kung tawagin ay WXYZ ay naroroon siya.

Hindi naman kasi siya kapansin-pansin dati dahil sa kanyang mala-lolang pananamit. Ngunit pagkatapos ng isang taon sa pagiging kolehiyala niya ay agad din siyang huminto dahil kahit iskolar siya ay hindi niya pa rin kinakaya ang mga pagsubok na dumarating sa buhay nilang magkapatid. Sa huli ay tumigil siya at naghanap ng iba't-ibang klaseng trabaho.

Ngunit kahit na ganoon ay lagi niyang nakikita si Yvo sa malayuan dahil lagi itong nasa isang bar kung saan kasama niya ang kanyang mga kaibigan. Isa rin kasi siyang waitress doon kaya hindi natigil ang kanyang pagkagusto sa kanya.

Nang sila ay nagkita noong gabing iyon ay hindi na siya nagdalawang isip pa nang may nangyari sa kanila. Isa pa siyang birhen noon ngunit hindi niya ito ipinahalata sa binata. Masakit at nakakagalit ang sakit ngunit itinago niya iyon.

Kinaya niya ang lahat upang hindi lang sila tumigil. Nanginginig ang kanyang mga tuhod pati na rin ang kanyang mga kamay dahil sa sakit na sensasyong dinanas niya. Hindi rin nakita ng binata ang tagos ng dugo niya sa puting kumot. Bago pa siya umalis noon sat iniwang ang binata ay pinalitan niya ang kumot na hindi ito nagigising.

Bakit nga ba siya umalis? Kahit siya ay hindi niya rin alam ang rason. Kung hindi ba siya umalis sa araw na iyon ay may magbabago ba?

Sa tingin niya ay wala.

Nang makapasok na siya sa kanyang silid ay agad siyang pumanhik sa banyo at doon na nagsimulang umagos ang kanyang mga luha.

Hinayaan niya itong umagos nang umagos hanggang sa wala na siyang mailuha. Pulang-pula ang kanyang mga mata dahil sa pagpipigil niya kanina. Sobrang sakit ng kanyang dibdib na para bang binabara pati ang kanyang lalamunan. Simpleng mga salita lang naman ang binitawan ni Yvo da kanya kanina ngunit bakit parang nawawaksi pati kaluluwa niya.

Marahil ay minahal na nga niya ito noon pa man. Papaano nga ba siya nagkaroon ng pagtingin sa binata?

Malapit nang matapos ang recess kaya dali-daling kinuha ni Astrid ang kanyang mga gamit sa mesa. Isinubo na lamang niya ang sandwich at kinarga ang kanyang mga gamit. Ayaw na ayaw niya sa lahat ay ang nahuhuli sa kanyang mga klase.

Papaakyat na sana siya ng hagdan nang bigla siyang binangga ng mga babaeng papababa.

"Tumingin ka sa dinadaanan mo!" singhal nung tila lider ng grupo nila at kaagad ding umalis.

Nagkalat sa sahig ang kanyang mga gamit gayun din ang kagat-kagat niyang tinapay ay natapon.

Napabuntong-hininga na lamang siya kung tutuusin ay kayang-kaya niyang pabagsakin sa sahig ang mga babaeng iyon ngunit pinili niya na lamang na manahimik. Wala rin naman siyang makukuha kapag papalag pa siya. Tiyak ay guidance lamang ang kanyang aabutin at sa kasamang palad pa nun ay siya pa rin sa huli ang pagdidiskitahan dahil na rin kilala mayayaman ang mga ito at kilala sa paaralan. Mas pinili niyang maging isang pader kaysa maging isang bayani para sa kanyang sarili.

Nagulat na lamang siya nang may mga kamay na tila tumutulong sa kanya sa pagliligpit ng kanyang mga gamit. Nang tingnan niya ito upang magpasalamat ay natigilan siya kumabog ng husto ang kanyang dibdib.

"Yvo," bulong niya at hindi niya alam kung narinig niya ba ito dahil agad namang nagtama ang kanilang mga mata.

"Mag-iingat ka sa susunod sayang ang ganda mo kung tatanga-tanga ka," ani nito sa tila malamig niyang boses saka iniabot sa kanya ang kanyang mga gamit.

Natutulala naman siyang tinanggap ito at kahit na sinabihan siya ng hindi maganda ay tila ba nangungusap ang kanilang mga mata sa mga oras na iyon. Doon nagsimulang nahulog si Astrid kay Yvo.

Napangita naman ng mapakla si Astrid habang tinititigan ang kanyang sarili mula sa salamin. "Ano bang inaakala mo? Na magugustuhan ka rin niya pagkatapos may mangyari sa inyo? Na magkakandarapa rin siya na tulad mo?" asik niya sabay tulo muli na kanyang mga luha.

Naaawa siya sa kanyang sarili dahil tila ba naghahanap siya ng pagmamahal kaya ang dali-dali niyang masaktan. Naghahanap siguro siya ng kalinga dahil hindi niya ito naranasan kailanman dahil siya mismo ang tumayong ina at ama sa murang edad para sa kanyang kapatid.

Napakatapang niyang babae kung tutuusin ngunit sa huli ang makadudurog lang pala sa kanya ay si Yvo.

Ilang minuto rin siyang namalagi sa loob ng banyo bago siya kumuha ng eyedrops na makakapagpakuha ng kanyang namumulang mga mata at nagtagal pa ulit ng mga ilang minuto. Sigurado siyang tatanungin siya ng kanyang kapatid kung bakit masyado siyang natagalan.

"Mabuti na rin siguro ito na at isa na rin siguro itong pagpapala sa aming dalawa. Hindi na rin ako mabubuntis at patuloy na rin ang buhay naming dalawa. Makakapag-aral nang muli si Ericka at makakapagtrabaho na rin ako ng matiwasay kahit papaano. Ituturing ko na lamang ito bilang isang swerte ika nga niya," ani niya saka lumabas ng banyo na may lakas ng loob.

LET ME LOVE YOU: Yvo Razon Casanova (PUBLISHED UNDER UKIYOTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon