CHAPTER 11 (Prove Her)

4.2K 99 5
                                    

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap halos hindi malunok ni Yvo ang kanyang laway dahil tila may nakabara sa kanyang dibdib. Alam niyang parang nangingiyak ang dalaga dahil sa kanyang tinugon ngunit iyon lamang ang naisip niya upang mapaalis na ang dalaga sa kanyang buhay at hindi mailagay sa peligro o maging miserable ang kanilang buhay dahil sa kanyang ama.

Sa ilang araw na nawala siya ay iyon din ang araw na siyang kinausap siya ng kanyang ama.

Abala siya sa mga papeles na napupunta sa kanya sa bagong deal na nakuha niya nang biglang tumawag ang kanyang ama.

"We need to talk. Hihintayin kita ngayon sa bahay," salubong niya nang masagot agad ni Yvo ang kanyang tawag.

Hindi siya nito pinasalita dahil agad naman itong pinatay ang tawag. Alam niyang kapag ganoon ay seryosong usapan ang mangyayari sa kanila mamaya.

Agad naman niyang itiniklop ng folder na nasa kanyang harapan at inayos bago tuluyang umalis sa kanyang opisina.

Pinaharurot niya naman ang kanyang sasakyan dahil isang oras din ang byahe patungo sa lugar ng kanyang mga magulang ngunit nagawa niya lamang ito sa halos tatlumpong minuto.

Nang makarating siya agad naman siyang sinalubong ng kanilang mga katiwala at agad siyang iginiya kung saan ang opisina ng kanyang ama. Mukhang malalim nga ang kanilang pag-uusapan.

Tahimik ang buong silid at doon ay kitang-kita niya ang kanyang ama na nakadiritsong tingin sa kanya.

"Ano ba ang pinagkakaabalahan mo ngayon?"diritsang tanong ng kanyang ama na halos hindi niya maintindihan kung ano mismo ang kanyang ipinupunto.

Tila may iniitsa siyang mga larawan sa kanyang mesa dahilan upang maglakad si Yvo papalapit dito.

Doon lumantad sa kanya ang kanyang litrato kasama si Astrid. Napakaraming litrato na halos lahat ng mga kaganapan ay nakuha nito. Napakuyom siya ng kanyang palad at tila ba nanggagalaiti sa galit ngunit hindi niya ito ipinahalata.

LET ME LOVE YOU: Yvo Razon Casanova (PUBLISHED UNDER UKIYOTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon