Karma Satomi
Nandito ako sa cafeteria, kasama si Fae at Janea. Inimbitahan kasi ako ni Fae na sumama sa kanila kumain kaya tinanggap ko nalang. Nag text pa nga si Zian sa 'kin na sabay na daw kami pero sabi ko may kasama na ako. Nakakaumay din kapag siya nalang palagi ang makakasabay ko.
"Nga pala, you said earlier na marunong ka mag acting?" Tanong ni Fae. Same same lang ang binili namin, sopas. Umuulan rin kasi kaya masarap humigop ng mainit na sabaw.
"Oo, kasali kasi ako sa theatre club dati, nag ro-role play kami tuwing may mga events," lies. Hindi naman ako sumasali sa mga clubs lalong lalo na sa acting, pero kasama ako sa campus journalism, ako kasi ang nag do-document ng mga events.
"Galing! Hindi halata ah! Mukha ka kasing mataray eh, usually kasi 'yung mga mahilig sa acting ay 'yung mga approchable ang aura."
"Extra extra lang naman ako, hindi talaga sa 'kin binibigay ang mga main roles, kontrabida pwede pa," natatawang sabi ko, nakitawa rin naman si Fae. If telling lies make me rich, then I could've been a billionaire.
"Janea, uso mag salita," sabi ni Fae. Ang tahimik masyado ni Janea pero kita mo rin namang nakikinig siya sa pag-uusap namin.
"What?" Walang ganang sagot nito.
"Siya nga pala, dito ka rin ba grumaduate ng junior high?" Tanong ko kay Fae. Nakita kong lumingon si Janea sa 'kin.
"Hinde, si Janea lang, pero mag kaibigan na talaga kami simula grade 4," napa'wow' naman ako dahil mukhang solid ang samahan nila. Samantalang ako hindi ko na matanadaan ang mga mukhang ng mga kaklase ko noong elementarya.
"Why did you choose to study here?" Tanong sa 'kin ni Janea. Mistulang hindi ko mahagilap ang tamang salita para sagutin ang tanong niya.
"Sa totoo lang, hindi ko alam. Hindi kayo maininiwala 'pag sinabi kong sa tacenda lang ako naka pasa," 'yun nalang ang sinabi ko. Hindi naman makapaniwala si Fae at hindi nakatakas sa akin ang mga mapanuring tingin ni Janea.
"Weh?"
"Totoo," sabi ko saka hinalungat sa gmail ko ang mga reply ng mga school na pinag examan ko at pinakita sa kanila. Mapa-public or private.
"Wow, destiny siguro 'to," sabi ni Fae saka binalik sa 'kin ang cellphone ko.
Pagkatapos kumain ay hinintay pa naming humina ang ulan bago bumalik sa classroom, wala kaming dalang payong at ayaw rin naming magkasakit. Sinagutan ko na ang binigay ni sir at makikita kong personal ang mga tanong. Para siguro sa record na hindi ko alam saan gagamitn. Pagkatapos ay ibinigay kay Sharinel. Siya kasi ang nananalo bilang class president.
"Guys, kung tapos na ninyong sagutan ang 'yung paper, p'wede niyo nang ibigay sa 'kin," sabi ni Sharinel sala kinuha ang papel sa kamay ko. Sinagutan na rin ng iba ang papel. Sinimula na ring sagutan ng ilan ang papel.
Tapos na ang lunch pero wala paring guro ang pumapasok saamin. Dapat Oral com kami ngayon kaso wala namang teacher ang pumasok. Napatingin nalang tuloy ako sa labas ng bintana. Sa hindi malamang dahilan ay natagpuan ko ang aking sarili habang iniisip si Arvie. Hindi ko pa siya ngayon nakikita, ano kayang strand ang kinuha niya?
Pinili ko nalang mag selpon at mag post sa socal media. Pagbukas ko palang ng messenger ay sangkatutak na notification ang biglang sumulpot dahilan para dali dali kong minute ang cellphone. Si kuya lang pala ang nag message. Wala siguro 'tong load kaya dito nalang nag message.
YOU ARE READING
Hide and Seek (High School Liars series #1)
Подростковая литератураBehind the elegant architectures and well-built structures are lies that were buried deep within as it serves as a foundation that once will be known will cause the structure to collapse. It takes an Architect to design a structure and Engineer to...