Karma SatomiI was frozen from another drop of name. But I was more stunned when I found out that Janea was talking to Mr. Legados, his father. The next thing I knew, I heard a slapping noise and a whimper.
Nasampal si Janea. I need to help her.
Papasok na sana ako pero may biglang humila sa akin at tinakpan ang bibig ko. Nahulog pa ang trashbag dahilan para lumikha ito ng tunog. Mabilis ko naman inapakan ang paa ng pumigil sa akin at kinuha ang trashbag bago bumalik para magtago.
Bigla pa ngang naging tahimik ang paligid na para bang walang nagsisgawan kanina. I even hold my breath dahil baka kahit sa simpleng pahinga ay pakiramdam ko’y matutunton kami.
Nang marinig namin ang pagsarado ng pinto ay hindi na kami nagaksaya ng oras at tumakbo. Hila hila niya pa ang kamay ko habang hawak hawak niya ang trash bag sa kabila niyang kamay.
‘’Akala ko umuwi ka na,’’ sabi ko habang habol ang hininga. It was Zhayed who pulled me. He’s on his knees while also catching his breath.
‘’I’m watching you, remember?’’ Sabi niya at inayos ang pagkatayo.
‘’Wait here,’’ sabi nito at kinuha ang trashbag bago umalis. Wala pang minuto nang bumalik siya. Walang sabing hinila na naman niya ako.
‘’Wait, saan ba tayo pupunta?’’ I tried to pull my wrist from his grip but he didn’t even budge a little. Instead, his grip even got tighter.
‘’We should delete the cctv footage before he finds out,’’ he said calmly as he dragged me inside an unfamiliar room. Sobrang dilim nito at nakaasa lang ako kay Zhayed dahil mukhang siya lang ang may alam sa pasikot sikot dito.
Nang mukhang makapa na niya ang light switch ng room ay napapikit pa ako sa biglang pagliwanag ng paligid. My eyes are blurry but I heard a small groan. Parang nagising sa isang mahabang tulog.
‘’Oh? Tss.’’ When my eyes already got used to the light ay napanganga ako sa kung gaano kakalat ang silid. A girl who’s taller than me stood in front of us. She’s glaring at Zhayed with her puffy eyes. She’s still in her p.e uniform.
When I scanned the whole place ay puro mga basura ang makikita na nakatambak sa gilid. May mahabag sofa naman malapit sa bintana at lamesa kung saan nakapatong ang isang laptop.
‘’I have a job for you,’’ sabi ni Zhayed. Napatingin naman ang babae sa kamay ni Zhayed na nakahawak sa akin. He was not bothered by her stares and did not even let go of my hand.
‘’What can I get in return?’’ Naghahamong sabi ng babae.
‘’You can have this place without any of the student council pestering you,’’ sabi ni Zhayed. Napakunot naman ang noo ko. Ni hindi lang man nila nararamdaman ang presensya ko o kaya ay pinili lang nilang hindi pansinin.
I think their talk should be in private kaya nang sinubukan kong bawiin ang kamay ko ay hinigpitan naman ni Zhayed ang pagkahawak sa akin. He looked at me, as if saying to stay put.
‘’That’s a tempting deal, Zhayed.’’ Inayos ng babae ang buhok ninyang sabog na sabog.
‘’You have my word, Xien.’’
‘’Keep your words, then,’’ sabi nito at pumunta sa harap ng kaniyang laptop.
‘’Delete the footage of us in the main building, any footage of us suspicious that time,’’ sabi ni Zhayed. Napakagat naman ako ng labi because it sounded so wrong.
‘’Yuck? Naglaplapan kayo? At sa main building pa talaga?’’ Napapikit naman ako sa sinabi ni Xien dahil naging tama ang naisip ko. Hindi ko na tinignan ang reaksyon ni Zhayed dahil baka mas maging awkward ang atmosphere.

YOU ARE READING
Hide and Seek (High School Liars series #1)
Fiksi RemajaBehind the elegant architectures and well-built structures are lies that were buried deep within as it serves as a foundation that once will be known will cause the structure to collapse. It takes an Architect to design a structure and Engineer to...