Liar 1:11

1 0 0
                                    

Karma Satomi

"Ito nalang kaya?" Sabi ni Zian at ipinakita ang puting school bag. Mabilis naman akong umiling dahil madudumihan agad 'yon.

"Ano ba 'yan, puro ka naman iling eh," reklamo niya.

"Ang mahal mahal naman kasi tapos light colours ang pinipili mo kahit alam mong mabilis na madumihan," sabi ko sa kaniya. Umirap naman siya sa akin bagay na ginagawa niya kapag naiinis na. Palibhasa lasi ay kinakaya pa ng allowance niya habang ako nagtitipid.

"At least, aesthetic," bulong niya na hindi ko nalang pinansin. Sa huli ay itim na simpleng bag lang ang binili ko. Kung saan saang boutique na kami napadpad pero wala naman siyang nabili. Napadako naman kasi sa isang flower shop at mas mabilis pa sa daga ang pagtawid niya. Mabuti nalang ay walang gaanong sasakyan sa lugar na ito.

Hinintay ko nalang siya sa labas dahil kapagsinamahan ko pa siya ay baka mas lalo siyang tatagal dahil hihingiin niya pa ang opinyon ko.

Paglabas niya ay may bitbit siyang isang pakete na mukhang isang binhi. Mabuti nalang ay hindi halaman mismo ang binitbit niya.

"What's that?"

"Okra seeds," masaya niyang sabi. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay kaya tumango tango nalang ako.

"You should alteast pick the pink one, kahit kailan ang pangit talaga ng taste mo," komento niya.

"Oa," pabulong kong sabi. Mukhang narinig naman niya 'yon dahil nanlaki ang kaniyang mata. Ngumisi naman ako bago tumakbo at hinabol na naman niya ako. Pero dahil mas mabilis ako ay nauna ako sa gate at madaling pinagsaraduhan siya.

"How dare you! This is my house!" Sabi niya habang kinakalampag ang gate. Wala naman akong nagawa kun'di ang tumawa.

"Isa!"

"Dalawa!" Panggagaya ko.

"Arghhh!" Mas lalo akong natawa dahil sa sigaw niya.

"Anong gingawa mo?" Napatigil naman ako dahil sa narinig. Paglingon ko ay nakita ko si Aisla na mukhang bagong gising dahil magulong magulo ang kanyang buhok at namamaga pa ang mata niya. Bigla naman akong tinubuan ng hiya at dahan dahang binuksan ang gate.

"Oh my god! Thank goodness," bungad ni Zian pagpasok at makikita ang pawis na pawis niyang mukha at humihinhal pa siya.

"Anong nangyari sa inyo? A-ayos lang ba kayo?" Tanong ni Aisla. Kinusot kusot pa niya ang kanyang mata. Mukhang bagong gising.

"Oo, ayos lang," sagot ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Zian. Tumango tango nalang si Aisla at mas binuksan ang awang ng pinto para papasukin kami. Pinauna ko na si Zian pumasok.

"Where's Arvie?" Tanong ni Zian. Pikit matang naglakad si Aisla habang sinusundan kami.

"I don't know," nilampasan kami ni Aisla nung nasa sala na kami at dumeretso papuntang kusina. Sa tingin ko ay maliligo na siya.

Sumunod naman ako kay Zian nang pumunta siya sa kusina. Kumuha siya ng mga rekados kaya napataas naman ang kilay ko.

"So, marunong ka na pala ngayon magluto?" I said, teasing her. She looked at me, pissed.

"Sinabi ko bang ako magluluto?" Napailing nalang ako sa sinabi niya at naupo sa sofa.

"Hoy! Don't you just sit there! Tawagin mo si Arvie sa taas dahil siya ang magluluto!" Sigaw nito sa akin. Sinong hindi magigising sa lakas ng boses niya?

Hide and Seek (High School Liars series #1) Where stories live. Discover now