Karma Satomi
Minsan talaga hindi mo maintindihan kung bakit gusto nilang makipag kaibigan sa'yo. Na papaisip ka nalang kung anong katangian mo ang nagustuhan nila o sadyang gusto ka lang nila gamitin pagkatapos ay itatapon kapag wala ng silbi. Ang daling tumanggap ng pagkakaibigan pero mahirap ibigay ang tiwala. Hindi natin alam kung maganda ba ang kanilang intensyon o masama. Tanging pamilya ko lang aking pinagkakatiwalaan. May mga kaibigan naman ako bago ako napadpad sa paaralang ito pero hindi ako gaanong na-attach sa kanila.
Narito ako ngayon sa aking kwarto habang binabasa ang mga files na pinadala ni Zian. Hindi ko pa nabubuksan ang cctv footage. Binabasa ko pa kasi ang background ni Vhez at hindi ako makapaniwala sa nababasa.
Vhez Arden Cuevas, 16, lives with his grandparents, his parents lives separately and have different family, homeschooled since elementary, was kidnapped by his own father, was accused as a stalker, has suicidal attempts...
Hindi ko na kayang tapusin ang binabasa. I've read enough. All I can think of is that he's a lonely kid. For sure, he doesn't deserve all of it. No one deserves to be in pain. I now understand why he loves to write poems, and I have the slightest idea of what it is all about. He's strong and brave for fighting those silent battles. Pero ayaw kong kaibiganin siya dahil naaawa ako sa kanya. Pero hindi dapat ako makampante sa kung ano ang nabasa at nalaman ko.
Iwinaksi ko nalang kung ano ang nasa aking isipan at binuksan ang file na naglalaman ng cctv footage sa loob ng library. Eksaktong ala sais ay pumasok si Arvie, Ayla at Mr. Legados sa loob ng library at may iniabot na long brown envelop at sa harap pa sila ng larawan ni Kael. Nag-usap pa sila ng ilang minuto bago sila iniwan ni Mr. Legados. Sabay naman umalis si Arvie at Aisla ngunit bumalik si Aisla eksaktong ala syete imedya habang pinagmamasdan ang larawan ni Kael. Sumunod naman ang pagkikita namin at natigil na ang video.
Kinakabahan ako dahil alam kong matalino si Mr. Legados at hindi siya basta bastang gagawa ng kahinahinala. Nakapagtataka pa nga at madaling ma hack ang mga security system nila. Masyado ba silang kampante dahil hindi na mainit sa publiko ang nangyari? O baka ako ang masyadong kampante? Kung sabagay ay dalawang taon na ang lumipas matapos ang krimen. Pero kailangan kong malaman kung ano man 'yong binigay ni Mr. Legados. Maaaring importante ito at maaaring hindi naman.
"Hi, Kami," bungad sa akin ni Zian matapos ko siyang tawagan.
"Did you watch the clip?" I asked.
"Yup! Don't worry, ako na ang bahala maghanap," sabi niya saka ibinaba ang telepono. Nag log out naman ako kaagad sa isa kong gmail account at pagod na tumingin sa litrato namin ni Kael.
We have a separate life even though we are siblings. Dito siya ipinaaral ni mama at papa, kasama si kuya. Habang ako naman at si Kamille ay ipinaaral sa isang pampublikong paaralan. Ayaw kasi ni lolo na mapalayo kaming mga apo niyang babae sa kanya, wala kasi siyang naging babaeng anak at puro pa lalake ang mga pinsan namin sa father side habang kabaliktaran naman sa mga Del Luna dahil puro rin namang mga babae ang mga pinsan ko at isa lamang ang lalake.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari ng gabing iyon sa paaralang ito at natagpuan nalamang nila si Kael na walang buhay sa harap ng building. Walang cctv footage sa taas mismo ng rooftop pero nahagip nga siya sa camera paakyat ng hagdang papuntang rooftop at hindi na kailanman nakitang bumaba. Grade 8 kami ng mga panahong iyon at sa murang edad ay namulat na ang aking munting isip.
Maaga akong pumunta sa paaralan at duman sa bulletin board. Wala namang nag bago sa mga papel na idinikit doon kaya dumeretso na ako sa room. Sakto namang nakasabay ko si Vhez.

YOU ARE READING
Hide and Seek (High School Liars series #1)
Подростковая литератураBehind the elegant architectures and well-built structures are lies that were buried deep within as it serves as a foundation that once will be known will cause the structure to collapse. It takes an Architect to design a structure and Engineer to...