Liar 1:13

1 0 0
                                    

Karma Satomi

"One, two, three, four, five, six, seven, eight. Eight, seven, six, five, four, three, two, and one." We're currently in the court, practising our performance in physical education by group. Sharinel is the one leading us, and we are tasked to perform warm-up exercises for two minutes.

Masaya pa nga ako dahil warm-up exercises 'yung sa amin dahil madali lang. Gusto pa ngang makipagpalitan ng group si Vhez dahil kailan nilang mag perform ng aerobic exercise. Masyado kasi siyang pabida kanina sa opening exercise namin bago mag start ang class kaya i-grinupo tuloy siya ng guro namin kasama ang mga may malalakas na stamina.

"Pagkatapos ng arm circle ay hip circle naman," sabi ni Sharinel at tahimik naman namin siyang sinunod.

"Bakit kasi five hours p.e natin tapos every friday pa, nakaka drained naman," reklamo ni Xena. She's beside me while doing the routine. I had to make sure first whether she's talking to me or not. Nakakahiya kaya ang sumagot tapos hindi naman pala ikaw ang kausap.

"At least half day lang," sabi ko. Every friday kasi ay half day lang kami pero mamayag hapon ay may seminar pa akong pupuntahan. Sa gym mangyayari ang seminar kaya nandito kami sa labas sa court nagkaklase dahil gagamitin mamaya ang gym at inaayos pa ito ngayon.

"Pero ang bagal ng oras, inip na ako," sabi nito ay halata sa mukha ang pagka disgusto sa ginagawa namin. We are lucky that we were able to reserve the place, specifically for our strand only kaya lahat ng grade eleven stem ay nasa basketball court ngayon.

"Bakit kasi may ibang section. Parang makasalanan tuloy ang humataw," dagdag nito na ikinailing ko. I've done this a lot of times back when I was still into gymnastics kaya it's no sweat for me.

Our exercises are not that complicated kaya madali kaming natapos at lumabas muna para bumili. But, since I'm saving my allowance ay humiram na lamang ako ng tumbler kay Zian at ipinuno 'yon ng tubig. Good thing ay libre ang tubig kaya wala akong perang nagastos.

"Ba't naman inubos lahat?" Reklamo ni Zian ng ibinalik ko sa kanya ang tumbler niyang walang laman.

"Hindi ka naman humingi," sabi ko. She rolled her eyes on me at padabog na pumunta sa canteen para kumuha ng tubig. I smiled dahil tagumpay ko siyang nainis.

Nang lumingon ako ay nakita kong nakatingin si Aisla sa akin kaya kinawayan ko siya. Lalapitan ko sana siya kaso marahas akong hinila ni Vhez.

"Tomi! Tapos na kami, tara gala," sabi nito habang hindi pa binibitawan ang braso ko. To my surprised ay may humila sa kabila kong kamay.

"Pinagsasabi mo? Mag popogi hunting kami ni karma," sabi ni Fae at hinila ako papunta sa kanya. Hinila naman ako ulit ni Vhez at medyo napalakas ito kaya muntik na kaming mag-untugan.

"'Wag mong idamay si Tomi! She's innocent, mabuti nga si Janea ay hindi nahawa sa'yo," sabi nito. I'm finding my perfect timing para sumabat sa kanila dahil nasasaktan na ako sa panghihila nila. Halos mapamura naman ako ng hilain ulit ako ni Fae papunta sa kanya. She's has the strength that I did not expect.

"Hindi siya sasama sa'yo kasi baduy ka," pagtataray nito. She flipped her hair and raised her brows to Vhez. Babanat pa sana si Vhez, but the presence of someone made me stop. A warm hand wrap on my arm and gently pulled me as Fae and Vhez let go. His familiar manly perfume lingers kaya hindi ko na kailangang lumingon. It's been days since I last saw him. Out last interaction did not end well, and thankfully hindi naman ako ipinatawag sa prefect of discipline.

"Ms. Santos was asking me about your latest project. She's requesting your presence in her office," he said in a formal tone while talking to Fae. Napasimangot naman siya sa narinig at walang pasabing umalis. It must be something about the new painting she's currently working on.

Hide and Seek (High School Liars series #1) Where stories live. Discover now