Karma Satomi
I let my hair dance as I stare the beauty of the moon, reigning the darkness. Even the stars can't stand to its brightness. But just like that, my eyes witness how the thick clouds covered the moon and darkness overcoming the whole place. It reminds me of how our family lost its joy—our light. Just like how fast the cloud covers the moon is the same fast on how they killed my brother. I still can't get over it.
Dahil sa nangyari, lahat ay nagkagulo gulo na. Kinuha ni mama ang nakababata kong kapatid na babae at umuwi sila ng Japan dahil nalulong si papa sa sugal dahilan kung bakit unti unting nalugi ang kompanya. Bago pa man ito tuluyang naisara ay nag desisyon si tito na siya muna ang hahawak sa kompanya hanggang sa maka recover si papa. Kinupkop naman kaming dalawa ni kuya ng pamilya Del Luna dahil ito daw ang gusto ni ina.
Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin matanggap ang naging resulta ng kaso. They said that my twin brother killed himself because of depression. Aamin kong may sakit ang kambal ko pero hinding hindi niya gagawin iyon. Hindi ako naniniwala. Hindi ako tanga para maniwala sa sinasabi nila. Hindi tanga ang pamilya ko para paniwalaan ang kanilang kasinungalingan. Naghihintay lang kami ng pagkakataon para buksan ulit ang kaso ngunit ngayon ay masisiguro kong may sapat na kaming ebidensya.
I won't let my mother be drowned from sadness. I won't let my father be imprisoned from the past. Even though what they show contradicts to what they feel. I know that they're still mourning up until now. Sa aming lahat, siya at ang nakababata kong kapatid na babae ang mabait—sobrang bait at napaka malambing. Kaya natakot na ata si mama na baka si Kamille ay madamay kaya inilayo niya ito.
Bumalik ang aking diwa ng may presensya akong naramdaman mula sa aking likod. Hindi ko na kailangan lumingon dahil kilala ko na kung sino ito. Bukod sa akin ay mayroon din siyang kopya ng susi sa aking silid.
"I brought the file, Kami. Nakalimutan kong ibigay kay Zian, that's why I just personally deliver it to you," sabi nito gamit ang malambing na boses. Akala niya ata ay magagalit ako.
"Paano ka nakapuslit dito? Baka may nakakita sa'yo," sabi ko ng hindi siya nililingon. Narinig ko pa ang pagtunog ng kama.
"Wala ka bang tiwala saakin, Kami?" Napabuntong hininga nalang ako. Ayaw ko ng pahabain ang usapan.
"Salamat, maari ka ng umalis. Maaga pa ang pasok natin bukas," sabi ko. Sa aking pagharap ay nagtama ang mga mata namin. Hindi ko maaninag ang kaniyang buong mukha dahil madilim ang kwarto at nakaharang ang aking katawan mula sa liwanag. Tanging ang mga mata niyang nagniningning ang aking nakikita.
"Right, may klase pa tayo bukas," tumayo na siya sa pagkakaupo sa aking kama at dumeretso sa pintuan.
"Good night, Kami."
"Good night."
KINABUKASAN ay pinapunta kami sa library dahil doon daw kami magkaklase sa unang subject. May ibinigay saaming ibat ibang maninipis na libro na naglalaman ng mga kwento at pagkatapos ay paghambingin daw namin ang pangunahing tauhan sa aming sarili. Ang naibigay na libro sa 'kin ay pinamagatang Beauty and the Beast.
"Ihh, exchange nalang tayo Janea. Akin nalang 'yang Cinderella," pagpupumilit ni Fae. Napailing naman si Janea.
"Bakit, masipag ka ba?" Pagbabara nito kay Fae. Sumama naman ang mukha ni Fae nang tumawa si Sharinel.

YOU ARE READING
Hide and Seek (High School Liars series #1)
Novela JuvenilBehind the elegant architectures and well-built structures are lies that were buried deep within as it serves as a foundation that once will be known will cause the structure to collapse. It takes an Architect to design a structure and Engineer to...