CHAPTER 01: the proposal [2.2]

527 24 0
                                    


"THAT bitch! Bakit ba hindi niya maamin na malapit na siyang mamatay sa inggit kay Devon? In denial queen!" Inis na bulalas ni Missy.

"Don't move your face now, Missy. Maglalagay na ako ng fillers on your lips. Are you sure, hindi mo na kailangan ng numbing cream?" tanong ni Doktora Becky.

"Doc, this is my..." Binilang niya sa utak kung ilang beses na siyang nagpalagay ng filler sa kaniyang lips. "I lost count! Wait, nakaka-memory loss ba ang fillers, doktora?"

"No, Missy. Wala sa bunganga ang utak mo."

Huminga nang malalim si Missy. "Iturok niyo na lang kasi iyan, doktora. Sanay na akong masaktan..."

Biglang nakaramdam ng lungkot si Missy sa sinabi niya. Totoo. Sanay na siyang masaktan. Bata pa lamang siya ay puro pananakit na lamang ang natatanggap niya. Pananakit na may kasamang panlalait. But everything changes when she met Devon...


-----ooo-----


12 YEARS EARLIER...

Chaka.

Pinaglihi sa sama ng loob.

Mula ulo mukhang paa.

Disney Princess pero si Fiona.

Ilang lang iyan sa mga panlalait na natatanggap ni Missy. Mga salitang binibitawan ng mga kaklase niya na para bang hindi alam ng mga ito na nasasaktan siya. Akala niya, sapat na ang mayaman siya para makuha ang respeto na gusto niya. Ngunit, sadyang malupit ang mundo. Sa panlabas na anyo pa rin tumitingin ang mga karamihan.

Elementary pa lang ay nabu-bully na si Missy dahil sa kapangitan niya. She dark-skinned. Chubby. Mayaman pero mukha raw siyang amoy patis. Malaki ang ilong niya. Kahit mommy niya, hindi siya nasabihan na maganda siya.

Wala. Hindi siya pumasa sa standard ng kagandahan. Dapat daw maputi. Payat. May curves. Matangos ang ilong. Lahat dapat ay maganda sa iyo.

Hanggang high school ay bullying ang breakfast, lunch, snack at dinner niya. Wala siyang nagagawa kundi ang umiyak kapag nilalait siya. Truth really hurts, 'ika nga.

Nagbago ang lahat nang dumating si Devon sa buhay niya. Umiiyak siya sa cubicle kasi pinagtulungan siyang i-bully ng mga lalaki niyang kaklase. Halloween Party iyon ng school nila at kailangan nila na magsuot ng costume. Ang napili niya ay maging isang prinsesa ng gabing iyon kaya princess ang naging atake niya. Pinagtawanan siya. Dapat daw ay hindi na siya nag-abalang mag-costume kasi enough na ang normal na mukha niya para matakot ang lahat.

Habang tigam sa luha at uhog si Missy ay may kumatok sa pinto ng cubicle na kinaroroonan niya. Nakaupo siya sa toilet bowl.

"May tao..." aniya sa pagitan nang paghagulhol.

Nasundan ang pagkatok. Mas malakas.

"May tao, sabi..."

Kahit malakas na ang pagkakasabi niya ay nagpatuloy ang pagkatok.

"Hindi ka ba makaintindi? May tao rito!"

Kumatok ulit. Sunud-sunod na.

Napuno na siya. Mukhang pinagti-tripan na naman siya. Tumayo siya at binuksan ang pinto. "Sinabi nang may tao—" Natigilan siya nang makita si Devon kasama ang dalawa sa mga kaklase nila na sina Jackie at Judas.

"Tao ba talaga o tae?" ani Judas sabay hagikhik.

Siniko ni Devon si Judas sa braso. "Don't mind him—"

The Bridal ShowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon