"MAG-ARAL ka nang mabuti, ha?" Nakangiting inabot ni Devon ang isang school bag sa lalaking Grade One student.
Ito na ang huli sa mga bibigyan nila ng school supplies sa public elementary school na iyon.
Sumama siya kay Dominick sa pamimigay nito ng school supplies sa mga Grade One student. Nais niyang maramdaman ng kaniyang boyfriend na talagang all out ang support niya sa pagiging charitable nito.
"Ano'ng laman nitong bag?" tanong ng bata matapos tanggapin ang bag.
"School supplies. Ten notebooks, pad papers, colors and pencil."
"Walang gaming phone?"
"Gaming what?" Nawala sandali ang ngiti niya pero agad niyang ibinalik. "Wala. Sige na. Bumalik ka na sa classroom ninyo."
"Bad trip! May gamit pa naman ako sa school..." Reklamo ng bata habang naglalakad palayo.
Ungrateful little devil! Inis na turan ng utak ni Devon.
"We're done here, babe!"
Mas lalong lumaki ang ngiti ni Devon nang lumapit si Dominick sa kaniya at hapitin siya nito sa beywang. Tinitigan siya nito sa mata. Kahit wala itong sinasabi ay parang sinisigaw ng magaganda nitong mata na siya ang pinaka magandang babae sa buong universe.
"Yeah. Naibigay ko na iyong bag sa huling student."
"Thank you sa pagsama mo sa akin dito, babe. I really appreciate it!"
"Dapat nga dati ko pa ito ginawa. Ang sarap sa pakiramdam na nakakapagbigay tayo ng tulong sa mahihirap. By the way, maaga pa. Abot pa tayo sa lunch. May gusto ka bang puntahan para kumain. My treat!"
"Really? How about..." Umakto itong nag-iisip. "Bulalo sa Tagaytay? Gusto kong humigop ng mainit na sabaw today. Medyo malamig ang panahon, e."
"Kulang pa ba ang init ng sabaw ko para sa iyo?"
"Ha?"
"Ah, e... Nothing! Iyon talaga ang gusto mo? Bulalo?" Naiiling at natatawang turan ni Devon.
"Why? May mali ba sa mag-crave sa bulalo?"
"Ang ini-expect ko kasi ay pagkain sa isang fine dining restaurant ang sasabihin mo. You're totally different talaga, babe. You have everything, yet you choose to remain humble and simple."
Magsasalita pa sana si Dominick nang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa handbag at nang tingnan niya ay nakita niya ang pangalan ni Annika. Nagpaalam siya sa nobyo na sasagutin muna niya ang call. Hindi na siya umalis sa kinatatayuan niya at hinayaan niya.
"Hello, Annika! How are you?" bungad niya.
"Hello, Devon! Good news! Nahanap ko na lahat ng friends natin noong high school. I mean, hindi pala lahat. Wala si Judas. Nasa Africa siya. Ang galing ko nga kasi nahanap ko ang address ng house nila then nakuha ko sa maid nila ang phone number niya. Sabi kasi no'ng maid ni Judas, naka-social media detox si Judas kaya pala hindi ko siya mahanap sa kahit na anong social media app! Nakakaloka, 'no!"
BINABASA MO ANG
The Bridal Shower
Tajemnica / ThrillerThe b*tches reunited for a two-night bridal shower on an island! Before Devon's wedding, she invited her high school "friends," Jackie, Missy, Bree, Annika, and Jade for her bridal shower. However, on the very first night, something terrible happene...