CHAPTER 01: the proposal [1.2]

1.1K 36 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"WILL you marry me, Devon?"

"Yes, Dominick! I will marry you!"

Inilahad ng napakagandang si Devon kay Dominick ang daliri niya na akala mo ay mamahaling kandila at isinuot na roon ng lalaki ang isang diamond ring. Hinila ni Devon patayo si Dominick at sinibasib nito ng halik ang nobyo na akala mo ay iyon na ang huling beses na mahahalikan nito ang lalaki.

Umaktong nasusuka si Jackie habang pinapanood ang viral na proposal video na iyon. Nasuka siya sa paraan ng paghalik ni Devon kay Dominick. Hindi na niya tinapos ang panonood ng proposal video dahil hindi na niya maatim na makita sa screen ng cellphone niya ang pagmumukha ni Devon.

Kasalukuyang nakahiga si Jackie sa beach towel malapit sa dagat. Nasa Bali, Indonesia siya ng umagang iyon. She's celebrating her birthday alone. Maiba naman. Lahat ng birthdays niya ay palagi siyang nagpapa-party sa kaniyang mansion. Every year, iba't ibang theme. May team siya na nag-iisip ng mga pasabog niya tuwing birthday niya.

Kagaya ng birthday niya last year. Ang akala ng lahat ay wala siya sa sarili niyang birthday party. Walang kaalam-alam ang mga guest niya na nasa ere siya sakay ng airplane. Nag-skydiving siya wearing two-piece swimsuit na puno ng diamonds. Bumagsak siya sa harapan ng kaniyang mga bisita. Palakpakan naman ang mga ito.

Jackie loves attention. Gusto niya ay siya ang pinag-uusapan ng lahat. She's a clout chaser. Her TickTock account has three million followers at nagagamit niya ang video sharing platform na iyon para makakuha ng mas maraming attention.

Naniniwala si Jackie na deserved niya ang atensiyon ng nakakarami dahil sa yaman at kagandahan niyang taglay. She's an heiress. Ang nag-iisang tagapagmana ng mag-asawang Mr. and Mrs. Zabel na nagmamay-ari ng company na gumagawa ng bags and shoes na kilala internationally.

Ipinanganak siyang may gintong kutsara sa bibig. Hindi nga lang yata gintong kutsara kundi lahat ng untensils ay nasa bunganga niya.

Feeling ni Jackie ay kinaiinggitan siya ng lahat dahil sa buhay na meron siya. She's a natural beauty. Maipagmamalaki niya na walang "Salamat, 'dok!" sa kaniyang katawan. Ang magandang hubog ng katawan niya ay dahil workout at pagiging vegetarian niya. May viral video pa nga siya na umiiyak siya habang nagmamakaawa sa mga tao na tigilan na ang pagkain ng pork, beef at seafoods. Sinabi niya sa TickTock video niyang iyon na may buhay din ang mga ito kagaya ng mga tao.

Inilapag ni Jackie ang cellphone sa tabi niya at umayos ng pagkakahiga. Gusto niya na magpaka-tan for a change. Nagsasawa na siya sa pagiging mestisa. Full Spanish kasi ang nanay niya at dito niya namana ang kaniyang kutis at ang malaki niyang hinaharap.

Pilit niyang inalis sa utak niya si Devon. Ang totoo, sa lahat ng tao ay ito ang pinaka huling gusto niyang makita. Kaya lang, masyadong nag-viral ang TickTock video ng wedding proposal na iyon kaya nadaanan niya sa kaniyang "for me page" nang nag-i-scroll siya sa naturang app. Na-curious siya kaya pinanood na rin niya. Pero hindi naman niya tinapos.

The Bridal ShowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon