CHAPTER 09: found her-dead!

401 27 5
                                    





SINUNDAN ng tingin ni Annika si Jackie. Malalaki ang hakbang nito na nagpunta sa kitchen. Meron talaga siyang masamang hinala sa pagpigil nito na isubo ni Devon ang talong.

Tumayo siya at sinundan si Jackie. Naabutan niya itong nakaharap sa sink at nakapatong ang dalawang kamay sa gilid niyon. Nasa tabi ng kaliwang kamay nito ang talong. Tahimik niya itong nilapitan at kinuha ang talong.

Napapitlag si Jackie nang makita siya sa tabi nito. "What are you doing here?" Iritadong tanong ni Jackie.

"Alam mo, ang mysterious ng talong na ito para sa akin. Lahat kami, hinayaan mong ma-choke sa mga talong na ikaw ang nag-prepare except kay Devon. Ano bang meron sa talong na ito, ha?"

"Shut up! Give that to me!"

Kukunin sana nito ang talong pero mabilis niya iyong inilayo. "Oops. Hindi mo ba sinasagot ang tanong ko, Jackie..."

"Why don't you answer my question, Annika? Rich girl ka ba talaga or you're just a fake, social climber bitch? I know your secret! Devon told me! So stop messing with me or else your hidden secret won't just stay on this island!"

Hindi siya nagpakita ng takot. "Talaga ba? Hindi ako natatakot kasi hindi naman 'yon totoo—"

"Sa sobrang pagpapanggap mo, naging pathological liar ka na. Pinapaniwalaan mo na ang sarili mong kasinungalingan!"

"'Wag mong ilipat sa akin ang spotlight. Balik tayo dito..." Tinapik ni Annika ang dulo ng talong. "Ano kaya kung... ako ang sumubo nito?"

Tumiim ang bagay ni Jackie. "If I were you, I wouldn't do that."

"Curious lang kasi ako ano bang meron sa talong na binigay mo kay Devon. Nakakapagtaka kung bakit siya lang ang pinigilan mo."

Tinitigan siya ni Jackie nang malalim. Para bang gusto siya nitong sindakin sa pamamagitan ng tingin pero hindi pa rin siya nagpakabog. Mas lalo pa niya itong hinamon. Dahan-dahan niyang inilapit ang talong sa bibig niyang nakanganga. Hindi niya inaalis ang tingin kay Jackie upang makita niya ang reaksiyon nito.

Malamig ang buong bahay pero butil-butil ang pawis nito.

Isang pulgada na lamang ang layo ng talong at maisusubo na iyon ni Annika nang bigla iyong hablutin ni Jackie. Itinapon nito iyon sa sink at binuksan ang gripo. Naligo sa tubig ang kawawang talong.

"Do you want to know the truth? Yes! I put poison on Devon's eggplant. But, I changed my mind kaya hindi ko na pinasubo sa kaniya. Masaya ka na ba kasi sinagot ko na ang tanong mo?"

Hindi iyon ang sagot na inaasahan ni Annika kaya na-shock siya ng sobra. "Papatayin mo si Devon?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Para saan ba ang poison, Annika? Nahawaan ka na ba ni Missy ng kabobohan?" Huminga ito nang malalim. "I thought it might be better if I just kill her to get revenge for what she did to us. Para kasing hindi ako masa-satisfied kung basta lang natin siyang kokonsensiyahin. Magandang klase ng lason iyon. Hindi iyon mate-trace once na magkaroon ng autopsy. Lalabas na alcohol intoxication ang ikinamatay ni Devon, if ever."

"You're a killer."

"I am not! May nakita ka bang pinatay ko? Kaya nga nagbago ang isip ko, 'di ba? I actually can't bring myself to kill her, even though she's a bitch!"

Lihim na napangiti si Annika sa sarili. Mabilis na gumana ang utak niya sa naging confession ni Jackie. Maari niya kasing gamitin ang nalaman niya rito para gatasan ito ng pera. Sigurado siya na hindi papayag si Jackie na lumabas ang sikreto nito.

The Bridal ShowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon