CHAPTER 05: life's a b(each)itch

463 25 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





HINDI na rin nagtagal ang mga helper at matapos na mailagay ng mga iyon ang gamit nila sa kani-kanilang kwarto ay umalis na ang mga ito gamit ang yacht na sinakyan nina Devon papunta sa isla. Kaya silang lima na lamang ang naroon. Nagkasundo ang mga kaibigan niya na magtig-iisa ng kwarto para raw merong privacy ang bawat isa.

May ngiti sa labi na pinagmamasdan ni Devon ang picture niya kasama ang mga kaibigan sa kaniyang cellphone.

To be honest, hindi na niya nakita pa na magkakasama ulit silang magkakaibigan makalipas ang mahabang taon.

Kahit naman siya, nang mag-mature at binalikan niya ang ginawa niya sa mga kaibigan niya ay nagalit din siya sa kaniyang sarili. Sina Jackie, Missy, Annika, Bree at Judas ang tumanggap sa kaniya noong inalis siya ni Jezebel sa grupo nito. Nakahanap siya ng bagong mga kaibigan pero sa huli ay inilaglag niya rin ang lima.

"I am so sorry, girls. I hope ay napatawad niyo na talaga ako..." Ang naluluhang wika ni Devon.

Kanina kasi ay naisip niya na baka galit pa rin sa kaniya ang mga kaibigan nang dahil sa tila pagpaparinig ni Missy tungkol sa pag-iwan sa ere. May laman ang mga salita ni Annika. Ganoon kasi ang ginawa niya sa mga ito noong high school sila.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Devon. Kailangan na niyang lumabas ng kaniyang kwarto upang makapaghanda na sila para sa first night ng bridal shower.

Pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya nang makita si Jackie na akmang kakatok.

"Hey!" anito.

"Hey!" ganti niya. "Do you need something?"

"Nothing. But, I want to tell you something. Iyong sinabi kanina ni Missy... huwag mong isipin iyon. Don't mind her. Kilala mo naman ang babaeng iyon, right? Since high school, she's not using her brain. Until now!" Lumaki ang mata ni Jackie sabay tawa nang mahina.

"It's okay. Siguro nga mahirap kalimutan ang ginawa ko sa inyo before and I understand kung until now ay galit pa rin kayo sa akin."

"Hindi na kami galit sa iyo. I swear!" Itinaas pa ni Jackie ang kanang kamay. Humakbang pa ito palapit para kunin ang magkabila niyang kamay. "This is your bridal shower, Dev. There's no room for bad vibes during our two days here on the island. All we're going to do is enjoy ourselves! Okay?"

Nagawa na niyang ngumit sa narinig. "Thank you, Jackie! And again, I am so sorry..." Niyakap pa niya ito nang mahigpit.


-----ooo-----


12 YEARS EARLIER...

"Devon!"

Muntik nang mabitiwan ni Devon ang hawak na make up brush nang biglang pumasok sa ladies' restroom si Jezebel. Kasalukuyan siyang nagre-retouch ng make up at nakaharap siya sa malaking salamin. Magkakape kasi sila nina Jackie at ng iba pa niyang kaibigan para sa celebration sa pagpapabagsak nila kay Jezebel. Napakadali lang palang pabagsakin ng babaeng iyon. Pero nagawa niya iyon sa tulong ng mga new found friends niya. Without them, duda siya na magagawa niya ang bagay na iyon.

The Bridal ShowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon