Chapter 2. *A day with Mr. Stranger*

2.7K 65 10
                                    

Dedicated to: 'Trey09' thank you. Ikaw first ever na nag vote sa story na to. >:D< *HUGGSS*

-----------

CHAPTER 2

Nung nakilala ko si Mr. Stanger kagabi, nalaman ko na Patrick pala yung pangalan niya. Nagpalitan kami ng number para macontact namin yung isa’t isa. Siguro naman kahit anong ipagawa ko sakanya, gagawin niya dahil sa naguguilty siya sa muntik niyang pag patay sakin! Pero kahit muntik na kong mahulog kagabi, medyo hiniling ko na sana nga nahulog nalang ako para namatay na ko at hindi ko na nararamdaman tong gumising ng umaga na narerealize kong break na kami. Hindi parin nag sisink in sa utak ko, na tuluyan niya na kong iniwan.

Tinignan ko yung phone ko, at walang text galing kay Karl. Tinawagan ko rin siya, pero hindi macontact yung number niya. Hindi kaya nagpalit na siya para hindi ko na siya makulit? Ganun naba siya kaseryoso na lumayo sakin?

Binasa basa ko pa yung mga messages namin dati. Sobrang sweet niya na akala mo araw araw niya kong nililigawan.

Message 1

Date:  December 18, 2012

From: Karl <3

Baby, Good Morning. Bangon na at baka malate ka na naman sa date natin. :D I love you ganda. :*

Message 2

Date: December 23, 2012

From: Karl <3

Hey Baby. Matulog kana kasi maaga akong pupunta diyan bukas para makita ka. Namimiss na kita agad kahit kaka kita lang natin kanina. Sana palagi nalang kitang katabi para hindi na kita namimiss. =(

Message 3

Date: December 25, 2012

From: Karl <3

Sobrang saya ko ngayon dahil pang ilang pasko na natin to magkasama. Merry Christmas Baby! Salamat sa gift, sana magustuhan mo yung gift ko sayo. :D HEHE. Love you! :* :*

Message 4

Date: January 4, 2013

From: Karl <3

HAPPY MONTHSARY! 1 year and 9 months na tayo. Konting konti nalang, mag 2 years na tayo. Hindi ko na ata nakikita yung sarili ko ng wala ka. I LOVE YOUUUU! Date mamaya ha? :D

Message 5

Date: January 26, 2013

From: Karl <3

Sorry ha. Hindi kita mahahatid later, medyo busy kasi talaga eh. Pero sana mag ingat ka.

Message 6

Date: February 2, 2013

From: Karl <3

Bakit ka ba nagagalit sakin? Hindi lang naman ako nakakapag text kasi busy ako eh. Mahirap bang intindihin yun? Bakit pag ikaw yung busy, pinipilit kong intindihin. Bakit pag ako, hindi mo maintindihan?! Mamaya kana nga kasi tumawag.

Message 7

Date: February 4, 2013

From: Karl <3

Sorry ha. Na late ako kanina sa date natin, pero happy monthsary. Sana nag enjoy ka sa araw nato.

After nung text niya na yun, lahat na ng text niya cold na. April 4, 1 year and 11 months na kami, pero hindi siya nakapunta sa bahay dahil magka away kami. April  22, kahapon, dun siya nakipag break sakin. Ang sakit diba? Konting araw nalang, malapit na kaming mag 2 years, pero wala eh. Wala na siya.

30 days of summer with him. ❤ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon