Chapter 7. *Flowers*

1.8K 57 17
                                    

 Dedicated to: Angelicapunzalee21 thank you for reading this and for being as supportive as ever. :'') 

--------------

CHAPTER 7

May 9, 2013

Okay na ulit kami ni Patrick. Lumalabas na ulit kami. Pinatawad ko na siya sa pag tawag niya sakin ng baby. Ni hindi ko nga alam kung bakit andito parin to at hindi parin nag gigive up sa ugali ko eh.

Dalawang linggo ng nakakalipas after ng break up namin ni Karl. Nilagay ko na yung mga teddy bears, pictures, letters na galing sakanya sa isang box at nilagay ko na sa attic. Siguro pag ganun, makalimutan ko na siya. Hindi narin ako masyadong umiiyak bago matulog dahil tinetext ako ni Patrick ng kung ano anong jokes pag gabi.

Napag isipan naming mag mall ngayon ni Patrick dahil sobrang boring sa bahay. Ganito talaga pag summer eno? Kesa naman magbabad kami magdamag sa tv or computer, eh tatambay nalang kami. Naglalakad kami dito sa mall ng may makita akong flower boutique.

“Thank you, honey.” Sabi nung babaeng kakalabas lang ng boutique. Binigyan siya ng boyfriend niya ng bouquet. Naka ngiti sila parehas at parehong masaya. Naalala ko na naman si Karl. Binibilhan niya ko lagi dati ng bulaklak pag birthday ko o kaya Valentine’s eh.

Napansin naman ni Patrick na nakatulala ako kaya siniko niya ko.

“Uy Tine. Tara na! Kain tayo. Nagugutom na ko.” Sabi ni Patrick sa tabi ko. Tinignan ko naman siya ng masama.

“kakakain mo lang eh!”

“Hehe! Wala lang. Gusto mo mag ice cream? Diba favorite mo yun?”

“Ayoko!”

“Eh anong gusto mo?”

“Gusto ko nung roses! Isang bouquet! Uupo ako dun ah.” Sabay turo sa benches na nasa gilid ng mall.

“Iaabot mo sakin dun. Pero kailangan mong lumuhod habang binibigay mo sakin! Naiintindihan mo? Dalian mo. Kundi patay ka sakin!”

Hindi ko na inantay yung reaksyon niya at umupo nalang dun sa benches. Nakita kong pumasok siya dun sa boutique. Medyo natetense ako habang inaantay ko siya. Sana yung favorite flower ko yung bilhin niya. Pink roses. Favorite color ko. Katulad nung pink cotton candy na binigay sakin ni Karl dati.

Eto na naman eh. Hinahanap ko na naman si Karl kay Patrick na alam kong mali.

Tumitingin tingin ako sa paligid habang inaantay ko si Patrick. Hangga’t sa may makita akong di kanais nais at talagang nagpa init ng dugo ko.

Yung ex ko....

Kasama yung ex-bestfriend ko.

 Pero alam mo yung mas masakit?

Yung makita ko silang magkasama at magka holding hands.

Bigla bigla nalang tumulo yung luha ko at parang may tumutusok sa puso ko ng dahil sa sakit. Nakita nila kong nakatingin sakanila, kaya dahan dahang lumapit tong traydor kong dating kaibigan sakin.

Nakita kong gulat din yung mukha niya pero dahan dahan siyang lumapit tapos hinawakan pa ko sa braso, “Bessst…” mahina niyang sabi. Ano daw? Anong tinawag niya sakin? BEST? May bestfriend bang tatraydurin yung sarili niyang kaibigan?

Tumayo ako mula sa pagkaka upo ko tapos sinampal ko siya ng buong lakas ko. Rinig na rinig ko kung gano kalakas yung sampal na yun at nakita ko ring namula yung pisngi niya.

30 days of summer with him. ❤ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon