CHAPTER 4
May 4
Nagising ako ng mugto yung mata. Hindi kasi ako makatulog kagabi sa kakaiyak eh. 2 years! EXACTLY 2 years. Ilang araw narin siyang hindi nagpaparamdam sakin. Hindi ko rin siya macontact. Nasan kaya siya? Eto na ata yung pinaka matagal na panahon na hindi kami nag uusap. Naaalala niya pa kaya ko? Namimiss niya pa kaya ko? Ni minsan kaya, sumagi pa ko sa isip niya?
Date: May 4, 10:32 am.
From: Patrick
GOOODMOORNIINGGG! Pag basa mo nito, lumabas ka agad sa bahay nyo. Yumuko ka, at may makikita ka dun kumander! :D
Tumakbo agad ako papalabas ng bahay ng mabasa ko yung text na yun. Pag bukas ko ng pinto, yumuko agad ako at may nakita akong puppy na sobrang liit at fluffy. Napangiti talaga ko ng abot tenga nung makita ko yun. Binuhat ko agad siya at may nakasabit sa collar niya.
“Wala akong mahanap na biik na pwedeng ibigay sayo eh, kaya sana etong aso nalang. Cola ipangalan mo sakanya ha. Aantayin kita sa bridge kung saan tayo unang nagkita. – PAT”
Medyo natawa naman ako sa note na yun dahil ang panget ng lettering, pero ayos lang. At least nag effort siya kahit papano. Nalaman niya kung saan ako nakatira dahil hinatid niya ko sa labas ng bahay pag tapos namin mag Star City.
Nag bihis na ko nung mga 5 pm na. Magdamag kong nilaro si Cola ng dahil sa sobrang cute at fluffy niya. Mahilig talaga ako sa puppy eh. Hindi ko nga alam kung bakit alam ni Patrick.
“Colaaaaa! Yuhuooo! Lalabas lang muna yung mommy mo ah. Babalik din ako.” Lumapit sakin yung puppy tapos parang nag sad face na parang nagmamaka awa na isama ko siya.
“Ma. May pupuntahan lang po ako sandali.” Pag papaalam ko kay mama na nasa kusina.
“Oh anak, magkikita ba kayo ni Karl? 4 ngayon ha. Happy Anniversary sainyo.” Buong siglang sabi ni mama sakin. Halos manlumo naman ako nung marinig ko yun. Napa upo nalang ako sa dining chair at natulala sakanya. Pinipigilan kong pumatak yung luha ko, pero talagang ayaw tumigil eh. T_T
“Tine, may problema ba?”
“M-maa.. B-break na po kami ni K-kaarl..” habang umiiyak ako, sumampa sa lap ko yung puppy tapos tumayo para i-lick yung pisngi ko. Para bang kinocomfort niya ko.
“Ha? Nak, sorry. Sorry talaga kasi hindi ko alam.” Tapos lumapit sakin si mama at niyakap ako ng mahigpit. “Sorry talaga. Akala ko kasi—pero kasi—ah, ano, kanino galing yung aso?”
Alam kong hinahanap ni mama yung mga tamang salita para hindi ako masaktan, pero bakit ganun? Kahit anong pilit kong hindi umiyak, yun lang yung nangyayari. Pag hindi talaga naging maayos yung break up niyo, hindi din madaling makapag move on.
“Sa kaibigan ko po. Patrick po pangalan niya, tinutulungan niya po akong makalimutan si Karl. Mabait po siya sakin, at iniintindi niya yung sitwasyon ko kahit kaka kilala ko lang sakanya kelan lang.”
Napa buntong hininga naman si mama. “Hindi dapat ginagamit yung ibang tao para makalimot Tine. Kasi darating yung araw na, kung hindi ikaw yung masasaktan, baka siya. Alam mo naman yung feeling ng masaktan diba? Hahayaan mo bang ikaw yung maging dahilan para din masaktan yung ibang tao?"
“Hindi po.” Then I continued crying while my mom is hugging me tight at habang hawak ko din yung puppy sa lap ko. “Pano po ba makalimot? Ma, pano niyo po ba nagawang kalimutan yung daddy namin?”
BINABASA MO ANG
30 days of summer with him. ❤ (COMPLETED)
Novela JuvenilWhat will you feel if your boyfriend for a year and a half left you, for your own best friend? All the love, promises, dreams together had shattered. Every thing went blue for Tine. Not until he met this guy named Patrick who did every thing to brin...