Thanks for reading this short story. :)
vote and comment. *u*
---
CHAPTER 15
Mga 1 week na after ng sigawan namin ni Patrick. Nakalabas narin from the hospital si Andrea tapos nag sisimula na ulit kaming mag date ni Karl. Inaamin kong namimiss ko talaga si Patrick ng sobra dahil hindi na siya nagpaparamdam. Ilang araw nalang matatapos na yung 30 days. As in 2 days nalang.
Ngayong araw na to, makikipag meet ako sa biological father ko. Hindi ko parin siya matawag na daddy o papa o kahit na ano pa dahil naiilang talaga ko. Hindi ko pa kaya. Hindi ko nga alam kung isang araw makikita ko yung sarili kong tinatawag siyang ‘papa’ eh. Pinapunta ngayon ni mama yung biological father ko dito sa bahay dahil ayun yung request ko. Handa naba ko? I think I should be. It’s now or never.
Nag ayos na ko ng sarili ko, tapos bumaba na. At andun na nga yung ‘bisita’ namin.
“Tine..” sabay tumayo siya mula sa pagkaka upo niya sa sofa. Tumakbo naman papalapit sakin si baby Nathan.
“Ate, tignan mo oh. Nibigyan ako ng toys. Siya paya yung papa natin.” Lumuhod ako para maging kasing tangkad ko lang si baby Nathan. Ngumiti ako at pinisil ko yung magkabila niyang matatabang pisngi. “Wow naman. Ang dami niyan ah. Sige play ka na. Mamaya makikipag play si ate sayo ha?”
“yehey!” tapos tumakbo na si baby Nathan papunta kay mama.
Lumapit ako sa biological father ko tapos umupo ako sa sofa kaya umupo narin siya sa sofa na kaharap nun.
“Tine.. Sorry. Hindi ko gustong gulatin ka nun sa bigla bigla kong pag punta dito. Maniwala ka, matagal ko na kayong hinahanap. Pero lately ko lang nalaman yung address niyo. You grew up as a fine young woman. Sorry kung wala ako sa tabi mo nung mga panahong—“
I cut him off. “Don’t say sorry. I can now understand na you have your first family to prioritize. Kahit naman po ano pang mangyari, hindi na mababago yung mga nangyari na. Pero gusto ko pong tanggapin kayo hindi lang para sakin, para narin po kay Baby Nathan. Kasi alam ko naman pong kahit ano pang nagawa niyo, kayo parin yung papa namin.”
Lumapit siya sakin, and before I knew it.. He’s already hugging me. Eto pala yung pakiramdam na nagpatawad ka, na mayakap ka ng sarili mong ama.
The warmth of his hug.. I can feel that he really is my dad. And even though we are not his first family, at least kahit papano bumalik siya para hanapin kami. How I wish I can say na etong story namin, kami yung first family tapos malalaman naming may 2nd family yung daddy namin like what most story is all about. Pero kami, iba. Kami yung second family. I can’t blame my mom. She loved our biological father, but at least she knows that she was wrong. Yun naman yung mahalaga diba? Yung malaman mo yung pagkakamali mo.
We may never be complete, but at least I've met him. At least I know what he looks like. And suddenly, feeling ko nakompleto narin yung pagka tao ko.
--
Patrick’s POV
Hindi ko na ata kinakaya na isang linggo na wala parin kaming balita tungkol sa isa’t isa. Alam kong nagpapataasan kami ng pride, pero kasi.. baka naman masaya na talaga siya kay Karl? At ako nalang tong sira na nag aakala na may chance pa kami.
Sinusubukan ko namang kalimutan siya eh, sumasama na ulit ako sa mga gala ng tropa. Pero kagabi nung makita ko yung mga pictures namin sa mga pinuntahan namin nung magkasama kami, hindi ko maiwasang isipin siya. Yung sa tapat ng bench, sa loob ng haunted house, at marami pang ibang pictures. Minsan iniisip ko puro kalokohan yung inabot ko nung kasama ko siya eh. Pero sino bang mag aakala na yung mga kalokohan niya at pagiging masungit niya na yun yung mamimiss ko?
BINABASA MO ANG
30 days of summer with him. ❤ (COMPLETED)
Teen FictionWhat will you feel if your boyfriend for a year and a half left you, for your own best friend? All the love, promises, dreams together had shattered. Every thing went blue for Tine. Not until he met this guy named Patrick who did every thing to brin...