Chapter 5. *Baby*

2.2K 62 11
                                    

Chapter 5

 

 Buong mag damag kaming nag lalaro dito sa time zone ni Patrick. Wala ata kaming balak umuwi. Nag basket ball kami, baril barilan, car racing at kung ano ano pa na halos lahat ng laro dito, eh nalaro na namin.

“Waaa! Nakaka bored! Lahat ata dito nalaro na natin!”

“Edi mag basket ball nalang tayo ulit! Masaya yun!” aya niya pa sakin.

“Ayaw ko na. Nagsasawa na ko!”

 

“Gusto mo bang kumain muna?!”

“Ayoko din. Hindi ako gutom.”

 

“Hmm, anong gusto mong gawin?” kalmadong tanong niya sakin kahit alam kong nakakainis na ko.

“Gusto kong mag karaoke!” sabay tumingin ako sakanya at tumango naman siya sakin.

 

“Okay. Hindi mo na maitatanong, magaling akong kumanta!” Sinamahan niya ko papasok sa isang booth ng karaoke. Kinuha ko yung song book tapos namili ako ng kakantahin. Hangga’t sa makita ko yung theme song namin ni Karl. Baby girl by inner voices. Pinindot ko yung buttons and nag play na yung kanta. Inabot ko naman kay Patrick yung microphone.

“Kantahin mo yan.”

“Yes kumander!” tapos kinuha niya yung microphone at nag simula ng kumanta. Naka titig lang ako sakanya habang naka titig lang din siya sakin.

“There are times when I look in your eyes

I see the love that we share, I see the joy inside.

But I didn't see the feelings you hide

and now you’re saying goodbye cause your love has died..

And all I can think about is you.

The way you say you love me too.

And everytime I close my eyes, I see your face.

My love can never be erased and you, can never be replaced.. Baby. Baby girl.. Why don’t you come back to me?”

Habang kinakanta niya yun, naramdaman kong bigla bigla nalang tumulo yung mga luha ko. Naalala ko si Karl na kinakanta yun tuwing malungkot ako o tuwing nag aaway kami. Kelan niya kaya ako matatawag na baby girl ulit? Kelan kaya siya babalik sakin? Sabi niya sa kanta niya, ‘My love can never be erased, and you, can never be replaced.’ Kung ganun, Nasan siya ngayon?

Bumalik lang ako sa senses ko ng i-stop ni Patrick yung kanta.

“Wag na yun. Hindi maganda yung kanta. Pwede bang ako nalang yung pumili ng kakantahin ko?”

 

30 days of summer with him. ❤ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon