Chapter 01 LOVE AT FIRST SIGHT

203 6 1
                                    

Khallid POV

"umpisa palang ng araw ng mag away tayong dalawa nagustohan na agad kita. Hindi ko alam kong bakit pero bigla nalang tumibok ang puso ko ng makita at makilala ko lalo na ang araw ng mag talo tayong dalawa"

"Baliw kana talaga"

"Hinding-hindi talaga ako magkakagusto sa katulad mo lalo na ang panget ng ugali mo."

"Sa ayaw o gusto mo wala ka ng magagawa kundi ang mahalin rin ako"

"Ako lang ersha. Ako lang."

-----
"Hoy kuya gumigising kana raw sabi ni papa. Ang dami niyo pa raw gagawin saka mag papatulong raw yong bagong lipat dyan sa kabilang bahay. Bumangon kana raw dyan!" Makulit na sabi sakin ng kapatid ko na babae habang panay hampas sa braso ko. Dinilat ko naman ang mga mata ko.

"Ano ba kensha natutulog pa ako. Saka bakit ako ang ginigising mo para tumulong sa bagong lipat don.?" Tanong ko sa kanya.

"Dahil yon po ang utos ni papa. Bahala ko. Isusumbong kita. Sasabihin mo na ayaw mo bumangon dyan." Sagot niya naman. Lumabas naman na agad siya sa kwarto ko kaya bumangon na din ako.

Nag tuloy ako sa banyo para mag hilamos. Dahil kong maliligo na ako ngayon tapos mag bubuhat pa siguradong pag papawisan lang ako kaya mamaya na ako maliligo. Nag hilamos na muna ako at umihi na rin. Tumingin ako sa salamin sabay ngisi ko sa sarili ko. Di naman kase sa pag mamayabang pero magandang lalaki kase ako. Kumbaga may gwapong mukha at malaking katawan at hindi lang yon malaki rin ang karkagada ko sa ibaba kaya hindi na ako mag tataka kong marami talagang nag kakagusto sakin lalo na sa school.

"Hayy.. iba talaga pag gwapo hindi lang babae nag kakagusto pati mga bakla nag hahabol na rin." Nasabi ko naman sa sarili ko.

Lumabas na ako ng kwarto ko kahit naka boxer at sando lang ako. Dyan lang naman ako pupunta sa katabing bahay. Sigurado pag may babae dyan sa bagong lipat malamang sa alamang mag kakagusto nanaman yon sa sakin.

"Kanina kapa hinihintay ng papa mo para tulungan yong bagong lipat dyan sa kabila. Buti nalang nan dyan si Kenji at ang kaibigan mo kaya sila na ang tumulong." Bungad sakin ni mama pag dating ko sa sala.

"So tapos na pala.?" Tanong ko kay mama.

"Oo kakatapos lang." Sagot naman ni naman. Naupo nalang ako sa sofa sabay bukas ng tv. Sakto naman na pumasok si Kenji kasama si jeff.

"Grabe kala ko talaga kanina babae yon eh. Ang puti kase saka ang amo ng mukha niya." Biglang sabi naman ni jeff habang natatawa pa.

"Kala ko rin nga kanina eh. Unang kita mo talaga sa kanya parang babae talaga eh. Saka pambabae naman kase yong mukha niya." Sabi naman ni kenji. Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa.

"Natanong mo ba ang pangalan non.?" Tanong ni jeff kay kenji. Umiling naman si kenji sa kanya.

"Sino ba yang pinaguusapan niyo.?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Naupo naman sila sa tabi ko.

"Yong anak nonv bagong lipat dyan sa katabing bahay natin." Sagot naman ni kenji sakin.

"Nako pre pag nakita mo yon mag tataka ka kong babae ba yon o lalaki." Sabi naman ni jeff.

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.

"Eh mukha kasing babae eh." Sagot naman ni kenji.

"Putik nahiya ako kanina kase napatitig ako sa mukha niya. Di tuloy makatingin satin kanina." Sabi pa ni kenji. Parang sira tong dalawang to.

"Baka bakla yon.?" Tanong ko naman sa kanila.

"Bakla nga. Pero maganda." Sabay naman na sagot naman nilang dalawa. Nagkatinginan pa sila saka tumawa.

"Ewan ko sainyo." Nasabi ko nalang saka ako napaisip sa pinaguusapan nila. Napangisi pa ako dahil sigurado pag nakita ako non baka mag kusa pa yon na lumapit sakin at mag pakilala.

"Ta-da.." masayang sabi naman ni kensha habang may bitbit ito na cake. Naka lagay pa sa maliit na lalagyan.

"San galing yan?" Tanong ni kenji sa kanya.

"Don sa mukhang babae na maputi. Yong bagong lipat dyan sa tabi natin." Masayang sagot niya.

"Bakit ka naman binigyan niyan.?" Tanong ko sa kanya.

"Birthday niya kase ngayon." Sabi niya naman.

"Sigurado may inoman yan mamaya. Baka naman pwede tayo ayain hahaha.?" Sabi naman ni jeff saka sila nag apir pa ni kenji. Loko rin ang mga to eh.

"Sakto yong lipat nila walang pasok ngayon." Sabi pa ni jeff.

"Wag na kayo umasa na ayain kayong dalawa. Hindi nga kayo kilala ng mga yon." Sabi ko naman.

"Malay mo naman ayain kami kase tumulong naman kami sa kanila kanina tapos ikaw hindi kase wala ka don." Sabi naman ni jeff sakin.

"Paki ko naman sa mga yan saka may pupuntahan ako mamaya. Magkikita kami ni Nathalie mamaya." Sabi ko naman sa kanila saka ako tumayo para lumabas. Titingnan ko ang motor ko kong malinis ba.

"San ka naman pupunta?" Tanong naman ni kenji habang naka sunod sila sakin.

"Titingnan ko ang motor ko kong malinis ba." Sagot ko naman.

Nan dito kami sa may garahe malapit sa gate kong san naka parada ang motor ko. Napatingin pa ako sa may kabilang bahay ng may tumigil na motor saka bumaba ang lalaki sabay alis ng helmet nito kaya natawa ako sa kulay ng buhok niya. Kulay blue kase. May dala pa itong bulaklak na kulay blue din. Pinares pa talaga sa buhok niya yong bulaklak. Tss.. ang budoy ng lalaking to.

"Happy birthday" masayang sabi nito sabay bigay ng bulaklak don sa kaharap ng babae. Napatulala naman ako ng makita ko itong ngumiti. Ang puti niya at ang kinis ng mukha niya.

"Thank you." Sabi naman nito don lalaking nag bigay ng bulaklak sa kanya.

Napaiwas naman ako ng sabay sila napatingin sa gawi namin. Tumingin pa ako sa dalawa.

"Punta kayo dito mamaya ah." Pag aaya ng lalaki dito sa dalawang kasama ko. Ngumiti naman tong dalawang loko saka tumango. Nag apir pa.

"Ang ganda niya talaga lalo na pag naka ngiti." Rinig ko na sabi ni jeff. Sinamaan ko naman ito ng tingin.

"Oh bakit?" Tanong ni jeff sakin.

"Pupunta kayo don? Kilala niyo ba yon.?" Balik tanong ko naman sa kanya.

"Hindi. Pero inaya kami eh." Sagot niya naman.

"Uuwi muna ako para maligo." Sabi naman ni jeff saka sumakay sa bike niya. Malapit lang kase ang bahay niya dito samin. Pero pag sa school siya pupunta naka motor niya.

"Ako rin maliligo na muna." Sabi naman ni kenji saka umalis at iniwan ako dito sa labas. Tumingin naman ako don sa dalawa pero wala na pala. Pumasok na rin siguro don sa loob.

Bahala sila basta ako may date ako mamaya at sisiguradohin ko na mag eenjoy ako sa pupuntahan ko.

•••••••
Itutuloy....

LOVE AT FIRST SIGHT (BOYxGAY)Where stories live. Discover now