CONGRATS, GRADUATES!

0 0 0
                                    

Isang masigabong palakpakan ang pinakawalan ng mga estudyante matapos na magsalita ang MC ng program. May nag iiyakan, may nagsisigawan, may mga umaakyat upang puntahan ang kani-kanilang mga magulang at mayroon ding mga estudyante na lumapit sa kani-kanilang mga guro upang magpasalamat.

Lahat ay masaya dahil nakapagtapos na sila. Hindi matutumbasan ang mga ngiti at saya na nakikita mo sa kanilang mga mukha. Tila ba'y nabunutan na sila ng tinik dahil graduate na sila.

Bilang isang ina na nagsumikap para mapag-aral ang aking anak at makapagtapos, lubos din ang saya ko para sa anak ko dahil sa ilang taong paghihirap niya, makakaalis na siya sa paaralan at tatahak na sa tunay na pagsubok ng mundo.

Inilibot ko ang aking paningin. Hinihintay at hinahanap ang tao na dahilan ng pagpunta ko rito. Hindi na ako mapakali na siya'y ipagmalaki.

Maya maya pa'y may isang pamilyar na mukha na akong nakita. Paakyat siya ng hagdan at patungo sa aking kinatatayuan. Napakalaki ng ngiti niya, sobra sobra ang kanyang saya.

Napaluha ako nang makalapit na siya sa akin nang tuluyan, "Graduate ka na, anak!" Tuluyan nang bumagsak ang aking mga luha.

"N-Natupad na ang i-iyong pangarap, a-anak! M-Makakapagpahinga ka na nang t-tuluyan," hagulgol kong sambit habang kinukuha ang kanyang litrato guro.

"Congrats for your son, Mrs. Villanueva. Here's his medals and diploma. Condolences," binigyan niya ako ng mapait na ngiti at pinagmasdan akong umiiyak habang hawak hawak ang litrato ng aking anak.

Biglang tumahimik ang paligid, tanging paghagulgol ko lamang ang aking naririnig. Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa mga luhang dumarausdos sa mga mata ko. Nanghihina na ako, nanlalambot na ang mga tuhod ko, nararamdaman ko na ano mang oras ay babagsak na ako.

Magdadalawang araw pa lamang noong namatay ang aking anak. Nagkayayaan silang magkakaklase na mag inuman bago ang nalalapit nilang graduation. Pinayagan ko kaagad siya dahil may tiwala ako na iingatan niya ang sarili niya ngunit nagkamali ako, nagsisisi na ako na pinayagan ko siya noong araw na iyon.

Pauwi na raw sila noon nang magkaasaran silang magkakaklase. Valedictorian ang aking anak at inaasar nila ang isang kaklase nila na siya namang salutatorian ng batch nila.

Matagal na sila nagkukumpitensiya ng aking anak at hindi niya ito mausadan kahit isang beses. Napikon at naasar siya sa mga pinagsasasabi ng mga kaklase nila kaya kumuha siya bote ng alak at inihampas ito sa ulo ng aking anak at pinagsasasaksak ang nabasag na bote sa iba't ibang parte ng katawan.

Nagulat silang lahat nung mga oras na iyon. Natulala sila sa mga nangyari, hindi na nila namalayan ay nakatakbo na ang kaklase nila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makita ng mga pulisya ang kaklase ng anak ko, hindi parin nakukuha niya nakukuha ang hustisya na kinakailangan niya.

"Aanhin mo ang mataas na karangalan kung ika'y malamig nang bangkay sa iyong libingan."

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon