FIRST DAY OF SCHOOL

1 0 0
                                    

"Good evening class!" our instructor greeted.

"Good evening din po, Sir!" we responded.

"Okay, I'll be your instructor in mathematics in the modern world for the rest of this semester. I hope hindi kayo antukin lalo na't 6pm-7:30pm ang schedule ng meeting natin," he said. Ngumuso siya na amin namang kinatawa. "Hindi naman ganun kahirap yung lesson na 'to, more in discussion lang and kakaunti lang ang computations," dugtong niya.

Nakatitig lang kami sa kanya. Napakalamig at napakalalim ng boses niya. Hindi ko maiwasang mapapikit habang pinakikinggan ko siya.

"Oww, I failed to introduce myself, I'm Engr. Marco Fuentes. Halos kakagraduate ko lang kaya hindi malayo ang mga edad natin. Pwede niyo kong tawaging Sir Marc, Sir Fuentes or Sir Cram, 'yan madalas itawag sa akin ng mga estudyante ko last year," sabi niya.

Nag-orient pa siya ng ilang minuto at nagpaintroduce yourself para makilala namin ang isa't isa. Nagkwento siya ng iba pa niyang mga napagdaanan before siya maging tunay na engineer.

Napakipikit na ang iba naming kaklase dahil sa lamig ng boses niya, sabayan pa ng lakas ng buhos ng ulan. Ilang minutong walang nagsalita, malakas na hangin at paghampas lamang ng mga dahon sa isa't isa ang maririnig sa paligid. Nakatitig lang kami sa isa't isa ng instructor namin, walang may naglalakas loob na magsalita.

"Okay, class, I'm gonna dismiss you early this evening. Tomorrow I'll discuss the chapter one of our lesson. See you!" nakangiti niyang sabi at mabilis nang umalis.

Nagsiuwian na rin kami pagkaalis niya. Siya kasi ang last class namin sa schedule namin.

Kinagabihan, mahigit 30 minutes na, hindi parin dumarating si Sir Marco. Napatingin kami lahat sa pintuan nang may pumasok na isang babae at diri-diretsong pumunta sa gitna ng room namin.

"I'm sorry to say this to you but Sir Fuentes will never come to your class. He died at 5 p.m. yesterday. Someone stabbed him and grabbed his bag. The department head will update you kung sino ang papalit sa kanya. That's all, students, thank you!" she said and left the room.

Lahat kami ay nagulat, nagkatinginan at napatulala sa sinabi ng babae sa amin. Naguguluhan kami dahil nakausap at nakasama pa namin si Sir Marco ng mahigit dalawang oras pero namatay siya bago mangyari lahat ng yun kagabi.

Nanlamig ang katawan ko, hindi ko alam kung totoo ba ang mga narinig ko. Lahat kami nanigas sa kinauupuan at walang sinuman ang makayanan na magsalita.

Matapos ang ilang minuto ay nagsiuwian na rin kami. Agad agad din akong nagtransfer sa ibang eskuwelahan dahil hindi ko kaya na maalala pa yung pangyayaring iyon.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon