THE SUNSET IS BEAUTIFUL, ISN'T IT?

0 0 0
                                    

THE SUNSET IS BEAUTIFUL, ISN'T IT?
I said while looking at her.

Napatigil siya sa kinakain niyang ice cream at tumayo. "Let's walk," she said and pulled my arm. Tumayo kaagad ako at tinanggal ko ang pagkakapit niya sa braso ko.

Marami-rami rin ang tao ngayon, nagsiuwian na siguro galing sa bakasyon noong holy week. May mga batang nagtatakbuhan, mga magkasintahang nagkakainan at may mga magkakaibigan na nagtatawanan. Ang saya saya ng araw pero bakit parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko?

"I think we should go home," I said.

"I don't want to pa," she looked at me with a pleasing eye.

"But you need to get ready for your wedding tomorrow," a tear suddenly fell down from my eyes. "Napuwing lang," umiwas ako ng tingin at pinunasan ang luha sa aking mukha.

"Sorry..." hinawakan niya ang kamay ko. Agad ko rin namang inalis iyon. "Do you still love me?" she asked softly.

"I don't know," I answered.

"Do you still love me?" she repeated.

Hindi parin siya tinitignan, pinagmamasdan ko lang ang papalubog na araw, ilang minuto siguro ang lumipas bago siya magsalita muli.

"Carlos, look at me! Do you still love me?!" she shouted. Lumingon ako sa kanya, may mga luha sa kanyang mga mata. Pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon dahil sa ginawa niya.

"I still love you, Amanda, I never stop loving you," I answered calmly.

Pinipigilan kong umiyak pero may mga luha talagang kumakawala sa mga mata ko.

"Then why are you doing this to me?" she replied.

Napakunot bigla ang noo ko dahil sasinabi niya. "Bakit biglang napunta sa akin ang sisi. You're the one who had sex with your bestfriend a year ago," lumakas ng bahagya ang boses ko.

"Kaya nga magpapakasal kayo bukas 'di ba? Because of your child," I laughed sarcastically. Nakayuko na siya ngayon, tahimik at hindi alam ang sasabihin.

"Alam mo hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit mo nagawa 'yon, I gave you my trust, but you broke it. Nagsinungaling ka pa, hindi ko pa malalaman kung hindi sasabihin sa akin na may nangyari sa inyo," umiwas ako ng tingin. Kahit ganun ang ginawa niya, hindi ko parin siya nakikitang nasasaktan dahil sa mga sinasabi ko.

"Sorry..." she said, crying.

Nakatingin lang ako sa araw na tuluyan nang lulubog. Nailabas ko na lahat ng hinanakit ko sa kanya pero bakit ganito? Bakit parang mas sumikip puso ko? Kada hikbi niya ay parang mga pana na tumutusok sa katawan ko. Unti-unti akong nanghihina dahil sa mga luha niya.

"I need to go home," I said and start to walk away. Nang makalayo na ako, muli ko siyang nilingon. Nakayuko parin siya, umiiyak. Masakit man sa parte ko ngunit kailangan ko nang kalimutan siya, may pamilya na siya at bukas ay ikakasal na. Ayokong makagulo sa kanila.

"I'm home," parang pagod na pagod ako kahit hindi naman ganun tagal kami naglakad kanina.

"Did she tell you the truth?" my mom asked.

Napakunot ako dahil sa sinabi niya. "Please, not now, mom. I'm exhausted," I said. Binagsak ko lang ang bag sa gilid ng pintuan namin at humiga sa sofa.

"Oh, I think she didn't tell you the truth," she said sit on my side.

Naguguluhan na ako, ano bang totoo? Ano bang dapat kong malaman? Umupo ako at nagtanong, "What are you saying?"

"Troy raped Amanda," she said calmly.

"What?!" muntik na akong mapasigaw dahil sa sinabi ni mama. "How can Troy do that to Amanda? They were bestfriends for almost ten years!" I said.

Napatayo ako at napasabunot sa buhok ko. Nagpabalik-balik din ako sa kinatatayuan ko, pilit pinapakalma ang sarili ko.

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?!" agad-agad kong kinuha ang cellphone ko upang tawagan si Amanda pero hindi siya sumasagot.

"S-Sorry, gusto niya kasi na siya ang magsasabi sayo," mahinang bigkas ni Mama.

Nakailang tawag na ako pero hindi parin niya sinasagot. Nagpabalik-balik ako sa kinatatayuan ko, hindi ako mapakali dahil nalaman ko. Gusto kong kompirmahin kung totoo nga ba ang sinabi ni Mama o hindi.

Ilang minuto ang lumipas ng biglang nag-ring ang cellphone ko, "Tita Amie?" tanong ko nang makita ang pangalan ng mama ni Amanda sa screen ng cellphone ko.

"C-Carlos, A-Amanda, she's d-dead," biglang tumigil ang ikot ng mundo ko ng marinig ko ang mga salita na nanggaling sa kabilang linya. Naririnig ko rin ang hagulgol ni Tita habang nakatulala ako.

Ilang sandali ang lumipas ng magising ako sa reyalidad. "W-What happened, T-Tita?" nangangatog kong sabi.

"N-Nasagasaan siya w-while c-crossing," Tita Amie said crying.

Para akong nabingi sa narinig ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Walang ibang pumapasok sa isip ko kun'di pagkabigla lang. What if hindi ko hinayaan na pangunahan ang emosyon ko kanina? What if hindi ako nagmadaling umuwi kanina? Buhay pa kaya siya ngayon? Nasabi niya siguro yung sasabihin niya sa akin. Napakulong sana namin yung tarantadong bestfriend niya na yun. But I know it's too late, she's already dead.

"Hanggang sa huli mong paghinga, hindi kita napatawad aking sinta."

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon