I THOUGHT IT'S A PARADISE

0 0 0
                                    

Nitong mga nakaraang araw, magkakatulad ang mga napapanaginipan ko. Napakatahimik na paligid, malawak na damuhan,malakas na ihip ng hangin at isang babae na naka-upo sa aking tabi. Hindi ko pa lubusang nakikita ang kanyang mukha ngunit masasabi kong maganda siya. Maputi at sobrang kinis ng kanyang kutis. Dyosa, oo, maihahalintulad ko siya sa isang dyosa dahil sa kanyang ganda at samahan pa ng puting damit na suot-suot niya.

Parati akong nabibigong makita ang kanyang mukha dahil sa hindi ko alam na kadahilan ay nagigising ako bago pa siyang humarap sa akin.

"Kuya!" malakas na sigaw galing sa labas ng aking kwarto.

"Ano 'yon?!" inis kong tugon.

"Bumaba ka na daw! Baka daw mahuli ka pa sa klase sabi ni Mama!" hindi na niya hinintay na lumabas ako at umalis na.

"It's just a dream, Tyrant. It's just a dream," sinapok ko ang aking ulo at lumabas na ng kwarto.

"You dreamed the same dream?" tanong ni Mama habang nagliligpit ng aming pinagkainan.

"Yes, Ma," maiksi kong sagot.

"I have to go, bye, Ma," dugtong ko at humalik sa kanya.
---
"Please stay by my side, forever."

"Mr. Guevarra!" nagising ako dahil sa malakas na sigaw at dali-daling umayos ng pagkakaupo. Nagsitawanan naman ang aking mga kaklase dahil sa aking ginawa.

"You're dreaming, ah?" tanong ng aming guro.

"I love you and I'll love you, forever," biro ng isa naming kaklase at dahil doon ay mas lalong lumakas ang tawanan.

Kinuha ko ang aking gamit at mabilis na tumakbo papalabas ng silid. Maluha-luha akong naglakad pauwi sa aming bahay.

"Oh, honey. What happened?" tanong sa akin ni Mama.

"Nothing," sagot ko at umakyat na sa aking kwarto.

Pagkaakyat ko sa kwarto, binuksan ko ang radyo at nakinig sa mga kanta. Napangiti ako ng mapait nang biglag pumasok sa isipan ko ang mga bagay na nangyari sa akin.

Humiga ako sa aking kama at sinabayan ang kasalukuyan na tumutugtog na kanta sa radyo.

🎵Sa'n darating ang mga salita,
Na nanggagaling sa aming dalawa?🎵
Unti-unting pumipikit ang aking mga mata ngunit alam kong gising pa ang aking diwa. Patuloy parin ang aking pagsabay sa kanta.
🎵Kung lumisan ka, 'wag naman sana🎵

"Don't worry. I'm here for you, always."

Napadilat ako nang may marinig akong malamig na boses. Nilibot ko ang aking mata upang hanapin kung saan nanggaling ang boses pero mukhang naisip ko lang din 'yon kasi wala namang ibang tao dito sa kwarto. Ipinikit ko muli ang aking mga mata at tinuloy ang pagkanta.

🎵Ika'y kumapit na, nang 'di makawala🎵

May malamig at malambot na kamay ang humawak sa akin. Binuksan ko muli ang aking mga mata dahil sa takot ngunit sa pagkakataong ito wala na ako sa kwarto ko, nandito na ako sa loob ng panaginip ko pero patuloy ko paring naririnig ang kanta na nanggagaling sa aking radyo.

"Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo," malambing at mahinang kanta ng babae na nasa aking harapan. Sa unang pagkakataon ay nakita ko na ang kanyang mukha at hindi ako nagkakamali, maganda nga talaga siya. Nakangiti siya habang hawak hawak ang aking kamay.

"Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo. Mundo'y magiging ikaw," sinabayan ko ang kanta habang nakatulala parin sa mukha niya. Niyakap niya ako ng mahigpit at ganon din ang aking ginawa.

🎵'Wag mag-alala kung nahihirapan ka🎵

May luhang kumawala sa aking mga mata ng marinig ko ang sumunod na liriko ng kanta. Naalala ko ang nangyari kanina, akala ko'y wala akong kakampi sa bawat problemang kinakaharap ko ngunit mali ako dahil nandito ka ngayon sa piling ko upang damayan ako.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon