Hindi ako mapakali nang magsimula na ang paborito nating tugtog. Maya maya pa'y bumukas na ang pinto na mas lalong nagpakabog ng aking puso. Nakatayo ka sa gitna ng pinto at dahan-dahang naglalakad papunta sa direksyon ko.
Napatingin ako sa damit na aking suot. Bahagya kong inayos ang aking kurbata ng nakita ko itong nakatabingin. Muli akong lumingon sa iyo.
Napakaganda mo, saktong sakto sayo ang puting bistida na suot mo. Para kang anghel na bumaba dito sa lupa.
Tila ba'y biglang bumagal ang ikot ng mundo nang makalapit ka na sa harapan ko. Huminto ka at nginitian ako.
Maya maya pa'y nagsalita ka.
"Thank you," hinalikan niya ako sa pisngi at ipinagpatuloy na ang kanyang paglalakad. Dahil dito'y biglang dumausdos ang mga luha galing sa mga mata ko.
Naalala ko, hindi pala natin kasal ito kun'di kasal mo at ng kaibigan ko. Ako ang naging tulay para sa inyo ngunit bandang huli ay ako ang nagkagusto sayo. Itinago ko ang nararamdaman ko ng matagal na panahon at noong balak ko nang sabihin sayo, huli na ako dahil nakaayos na pala ang pagpapakasal ninyo.
Wala akong ibang nagawa kun 'di ang maging masaya na lang para inyong dalawa kahit alam ko sa sarili kong ayaw kitang mapunta sa iba.
Kaya kung nais niyong sabihin ang inyong nararamdaman, sabihin niyo nang maaga baka kung kailan balak niyo nang sabihin ay huli na.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Storie breviCompilation of my one shot stories. I just want to share my works here in wattpad. Enjoy reading!!