"HAPPY MOTHER'S DAY!" bati sa akin ng kaibigan kong si Anna.
Isang taon na ang nakakalipas nang simulang maging ina ako sa anak kong babaeng si Crystal. Fourth year college ako nung mabuntis ako, dumating ang graduation namin nang hindi ko namamalayan na nagdadalang tao pala ako. One week after our graduation, dinugo ako habang nasa outing kami ng pamilya ko. Nag iisang anak lang ako,namatay ang papa ko noong 5 years old palang ako kaya si mama at ang tito ko na kapatid ni papa ang nag alaga sa aming dalawa ni mama. Noong dinala na nila ako sa may hospital, doon ko lang nalaman na 5 months na palang nasa sinapupunan ko ang anak ko. Nagtanong si mama kung sino ang ama ng dinadala ko pero dahil sa gulat ko, hindi ko nasagot yung tanong niya.
"Bes, mag iilang buwan na nga ba ulit ang inaanak ko?" tanong ni Anna na nagpatigil sa pag iisip ko ng malalim.
"7 months na siya sa darating na May 27," sagot ko na agad agad namang kinuha ang pagkain na inorder namin.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami sa isa't isa para umuwi na. Ginabi na ako sa pag uwi dahil sa traffic kaya hindi ko na naabutang gising ang anak ko at si mama. Nagpalit ako ng damit at pumasok na sa kwarto ko upang matulog na. Madaling araw na siguro ng naalimpungatan ako na para bang may kamay na humahawak sa pagitan ng mga hita ko. Idinilat ko ang mga mata ko upang makita kung sino ang tao na nasa aking paanan.
"T-tito?!" naluluha kong sambit.
"Shhh, 'wag kang maingay. Magigising ang mama mo baka pati siya isama ko," pagbabanta niya habang unti unti niyang tinatanggal ang aking saplot.
Pinagpatuloy niya lang ang kanyang ginagawa tila ba'y sayang saya siya sa mga bagay na ginagawa niya. Naluluha na ako, bumabalik na naman ang mga masasamang alaala sa utak ko. Hindi ito ang una o pangalawa, maraming beses na niya 'tong ginagawa. Simula noong mamatay si papa, nagsimula na ang pambababoy niya sa katawan ko. Hindi ko siya magawang isumbong noon kay mama dahil natatakot ako, natatakot ako sa magagawa niya kaya itinago ko ang bagay na yun ng maraming taon. Noong nagkolehiyo na ako, natakasan ko na ang napakademonyo kong tito dahil lumuwas ako sa Manila para doon mag aral. Maraming taon kong itinago at kinimkim ang sakit at pambababoy ng tito ko sa akin,nihindi ko magawang ikwento sa ibang tao dahil natatakot ako na baka malaman niya at patayin ang mama ko.Sinubukan kong bisitahinn si mama noong December habang fourth year college palang ako at nagbabakasakaling nagbago na ang mala-demonyo kong tito pero mali, mali ako sa inaakala ko.
Isang linggo ako namalagi sa piling ni mama at isang linggong gabi niya rin akong pinagsamantalahan habang nakatakip ang bibig ng tela. Iyak ako ng iyak dahil wala akong magawa para tumakas sa mala-impyernong buhay na 'to.
"M-mama! T-tulungan n-niyo p-po a-ako!" sigaw ko na kinabigla naman ni tito. Maya maya pa'y narinig ko ang mabibilis na yabag ng mga paa na nanggagaling sa labas ng aking kwarto.
"Tarantado ka!" sigaw ni mama na agad kinuha ang flower vase at inihampas kay tito. Nawalan ng malay ang demonyong tao na matagal ng pinagsasamantalahan ang katawan ko, agad agad namang tumawag ng pulis si mama at pinahuli ang walang hiya kong tito.
"Bakit hindi mo naman kaagad ikinuwento ang bagay na ito?" tanong ni mama ngunit pinagpatuloy ko lang ang pag iyak.
"Huwag mong sabihin na si Crystal ay ana-," hindi na naituloy ni mama ang kanyang sasambitin dahil parang alam na niya ang sagot sa kanyang katanungan.
Oo, anak ni tito si Crystal. Nagbunga ang pang dedemonyo niya sa akin noong bumisita ako ng isang linggo kay mama. Sinubukan kong ipalaglag ang bata na nasa sinapupunan ko ngunit naisip ko na walang kasalanan ang bata sa mga nangyari sa akin. Hindi naman naging maganda ang unang taon ko sa pagiging ina pero masaya ako dahil wala na ang taong bumaboy at sumira sa buhay ko at masaya ako dahil may bagong pag asang dumating sa akin at yun ang anak kong si Crystal.
"I love you and I will take care of you, my princess."
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryCompilation of my one shot stories. I just want to share my works here in wattpad. Enjoy reading!!