CHAPTER 5: BE HIS QUEEN

7 1 0
                                    


Nagising ako na parang may kumakalabit sa bewang ko. I opened my eyes and the darkness of the night welcomed me. I saw a woman, probably in her 30s, holding a torch, glaring at me. I sat down and roamed my eyes. I saw the others, throwing their hands in the air habang nakatutok sa kanila ang mga sibat ng mga kalalakihan at kababaihan na galing sa isang pangkat o grupo.

"Sino kayo?" tanong ng babae sa akin. "Base sa mga suot niyo, nababatid kong hindi kayo taga dito."

"Tama ka." aking sagot. "Hindi kami taga dito. Binihag kami ng mga Balobos kaya kami nakarating dito."

"Mga Balobos? Ang mga mandaranggit?"

"Oo. Kailangan namin ng tulong mo. Naliligaw kami. Maaari mo ba kaming tulungang makabalik sa aming mundo?"

"Hindi ko kayo matutulungan." Bigla akong napasimangot. "Ngunit si ama... si ama lamang ang makakatulong sa inyo." Napangiti ako sa narinig. Totoo kaya 'to? Baka naman inilalapit niya lang kami sa patibong?

"Gaano ako nakakasiguro na tutulungan mo talaga kaming makaalis dito sa mundo niyo?" I challenged her. Mahirap na't baka mabudol lang kami. Ayaw ko namang ipahamak ang buhay ng mga kasama ko.

"May isa akong salita, babae." matapang na sabi niya. "At isa pa, bihag namin kayo kaya wala kayong magagawa kundi ang sumama sa'min." Napairap ako. Tama siya. Wala kaming ibang choice kung hindi ang sumama.

Hindi na ako nanlaban pa. Dinala nila kami sa isang kampo kung saan naroroon ang mga kalahi nila. Habang naglalakad ay hindi maiwasang pagtinginan kami ng mga taong naroroon. Hindi na nakakapagtaka, dayo lang kasi kami sa mundo nila.

Sa dulo ng kampo ay sinalubong kami ng pinuno ng tribo. Yumuko ang babaeng bumihag sa'kin bilang paggalang. "Ama." sambit nito.

"Prinsesa, sino sila?"

Tumingin ang babae sa'min at nilingon niya ulit ang kaniyang ama. "Nakita namin sila sa kakahuyan, ama. Binihag raw sila ng mga Balobos at nanghihingi sila ng tulong sa'tin na makauwi sa tunay nilang mundo."

"Ang hari at reyna lamang ng Dreamas ang makakatulong sa kanila." Napaismid ako sa narinig. Ang ayaw ko talaga sa lahat ay yung pinagpapasa-pasahan kami.

"Ngunit ama."

"Husto na anak!" pagpapatigil nito sa anak niya. Sandaling huminga ng malalim ang pinuno bago nagsalita. "Gustuhin ko mang sila'y tulungan ngunit wala akong alam pa na paraan kung paano sila makakabalik sa kanilang mundo na wala ang tulong ng mga kaharian."

"Meron ama." Nabuhayan kami ng pag-asa sa sinabi nung babae.

"Sino?" takang usisa ng pinuno.

"Ang bathalumang si Dasuria ama. Ang diyosa ng kulam, mahika, mga multo at mga nabubuhay."

"Ngunit anak, mahirap hanapin ang bathaluman. Hindi siya basta-basta nagpapakita kanino man."

"Tutulungan ko sila ama."

"Hindi ka aalis, prinsesa." banta ng kaniyang ama. "Mapapahamak ka lang." dagdag pa nito.

"Huwag kang mag-alala, ama. Mag-iingat kami."

"Hindi kita hahayaang umalis!"

"Paumanhin ama ngunit nais ko silang tulungan." pagsuway nito sa utos ng kaniyang ama. "At ama, kailangan natin silang tulungan. Anong alam nila sa mundo natin? Kapag hinayaan ko sila ay baka lalo lamang silang hindi makabalik sa kanilang mundo."

Napahilot sa kaniyang sintido ang pinuno. "Pumapayag na ako." Napangiti kaming lahat. "Ngunit sa isang kondisyon." Hayan naman tayo. "Uuwi ka dito ng buhay at ligtas." Nakahinga ako ng maluwag. Phew! Akala ko kung ano na. "Nagkakaintindihan ba tayo anak?"

Deep SlumberWhere stories live. Discover now