(Warning: The following content contains violent scenes which are not suitable for young readers. Read at your own risk.)
TAMARA'S POV
After ni Chuckie ay marami pang sumunod na characters sa mga horror films katulad nina Annabelle, chainsaw man ng movie na Chainsaw Massacre, yung madre dun sa movie na The Nun, yung clown sa The Clown, si Brahms at marami pang iba. Hindi ko yata na-inform si Devour na mahilig ako sa mga horror films kaya sisiw lang sa'kin ang mga bangungot na binigay niya.
Matapos kong tapusin silang lahat ay biglang nagbagong muli ang paligid. Nandito ako ngayon sa isang magarbong kwarto at masasabi kong mayaman ang nakatira dito. Maya-maya pa ay may pumasok na matandang lalaki. Nasa mid 60s ang edad nito. Nakasuot ang matanda ng damit pantulog. Lumaklak muna ito ng alak at nang malasing ay nakatulog. At sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang sumulpot ang asawa ko. Nginisihan niya ang matanda at pinaikutan bago niya saktan ito gamit ang mga bangungot na inilagay niya sa utak ng matanda.
"Devour! Stop!" Mariing napapikit ang matandang lalaki, namamawis ito at nahihirapang huminga, kaya naman nataranta ako.
"H-help!" anas ng matanda. Lalapitan ko na sana ang matanda ngunit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. May pumipigil sa akin na umalis. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko ngunit walang epekto. Paralisado pa rin ako. Nasaksihan ko kung paano nawalan ng hininga ang matanda at kung paano hinigop ni Devour ang kaluluwa nito.
Pagkatapos ng tagpong iyon ay napadpad naman ako sa isang madilim na silid ngunit natatamaan ng liwanag ng buwan. May nakahigang lalaki edad kwarenta pataas ang kasalukuyang nakakaranas ng sleep paralysis. Tirik ang mga mata nito, namamawis, paralisado at hindi makagalaw. Namamaos rin ang boses nito at hirap rin sa paghinga. Gusto kong lapitan ang lalaki ngunit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong paralisado. Habang nahihirapan sa paghinga ang lalaki ay sumampa si Devour sa kama at sinakal ito hanggang sa mamatay ang matandang lalaki.
Matapos ang mga pangyayaring iyon ay bigla akong nakagalaw. Napaupo ako sa sahig. What the hell just happened?! Hindi pa ako nakaka-recover sa mga pangyayaring iyon ng biglang umikot ang paligid. Napapikit ako ng mariin hanggang sa matapos ang nakakaliyong pangyayari na iyon. I opened my eyes. I looked around and examined the whole area.
Then I realized, napunta ako sa kwarto ng parents ko sa mortal world. Bukas ang lampshade sa side ni Mama kaya't malaya kong napagmamasdan ang kaniyang mukha. Katabi niya si Papa na nakayakap sa mula sa likuran ni Mama. Mahimbing silang natutulog ng biglang may narinig kaming dagundong mula sa labas. Naalimpungatan ang parents ko at biglang napabangon. Aalis na sana sila ng kwarto ng unti-unting bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang isang lalaki na nakasuot ng itim na damit at pants. I examined his stance and his face very closely and was beyond shock when I saw him.....
"Devour?" naisatinig ko. He didn't look at me. Masama siyang nakatingin sa mga magulang ko habang hawak ang isang kutsilyo sa kanang kamay niya. "No Devour! Don't!" I screamed at him. Lalapitan ko na sana siya ngunit may pwersang pumigil sa'kin. Katulad kanina ay naestatwa na naman ako sa kinatatayuan ko.
I watched him tried to kill my mom, pero napalo siya ng lampshade ni Papa. Devour growled and diverted his eyes towards my dad. Napaatras si Papa. Mabilis na lumapit si Devour kay Papa at inatake ito. Iniharap niya si Papa sa'kin sabay gilit niya sa leeg nito sa harap ko pa mismo. I cried in pain habang ginagawa niya iyon.
"Rio!" sigaw ni Mama habang nakatingin sa Papa ko na wala ng buhay.
Galit na binato niya si Devour ng mga frames na nakalagay sa ibabaw ng bedside cabinet hanggang sa mahagip niya ang lampshade. Ngunit bago pa man niya ito maibato kay Devour ay napigilan siya ng asawa ko. Marahas na inagaw ni Devour ang lampshade mula kay Mama at mahigpit niya itong sinabunutan. Iniharap ni Devour si Mama sa akin at walang pasabing sinaksak sa likod.
YOU ARE READING
Deep Slumber
FantasyBalobos, a group of dreamer abductors and dream intruders kidnapped a graduating student named Tamara Castillio, in the middle of her lucid dreaming. She was held captive and met other female lucid dreamers who are also abducted like her. Yearning f...