CHAPTER 8: MEETING HIM

9 1 0
                                    


THIRD PERSON POV

"Faye, you don't have to do this!"

"What choice do I have? Huh? Akala mo ba hindi ako naiinggit sa'yo at sa mga kaklase nating mapepera ha?! Four years! Four years akong nagtiis, Tam! Four years akong nagtiis na kasama ka! Lagi na lang ikaw ang bida! Ikaw ang matalino! Ikaw ang maganda! Ikaw ang may pera! Samantalang ako, wala! Heto't hanggang pangarap na lang!"

"Faye, hindi totoo 'yan! Never ko namang pinaramdam na mas angat ako sa iyo ah!"

"Oo nga pero kahit na! Pantay man ang pagtrato mo sa'kin... para sa'kin, hindi pa rin tayo magka-level!" Then she cried in pain. "Good thing I have the ability of lucid dreaming. Nagagawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin, nabibili ko ang mga gusto ko at higit sa lahat, nagagawa kong maging masaya mag-isa ng hindi nakikipagplastikan sa'yo!"

"So all this time... from the very start, nakikipagplastikan ka lang sa'min? Peke lang lahat yung mga pinakita mo? Wala lang sa'yo yung four years na pinagsamahan natin?"

"Oo! At ngayong nandito ako sa mundong 'to, sisiguraduhin kong hindi na ako babalik sa tunay na mundo! Pagod na akong maging mahirap! Sawang-sawa na ako sa mga problema! At lalong sawa na akong ipagpilitan ang sarili ko sa mga taong katulad mo!" Then she aimed to drop the portal again.

"Faye, don't!"

She smirked wickedly. "No one is going home Tamara."

"Nooooo!" A loud scream of the unconscious woman made the siren jolted on her spot. Mabilis na napabangon ang dalaga para maghabol ng hininga, samantalang mabilis na gumapang pabalik sa karagatan ang sirenang tumulong sa kaniya.

"Wait! Saglit lang! Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa'yo!" hinihingal na sigaw ng dalaga ngunit hindi na nagpakitang muli ang sirena. "Salamat." naibulong na lamang nito sa sarili.

Pinagmasdan niya ang paligid at masukal na kagubatan ang sumalubong sa kaniyang mga mata. She groaned with dismay. 'Not again' she complained to herself. Matapos makapagbawi ng lakas at hininga ay pumasok siya sa loob ng kagubatan na iyon. Lakad lang siya ng lakad, unsure where she's heading. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kaniyang mga paa.

Dahil na rin sa pagod ay natumba siya. Imbes na ibangon ang sarili ay hinayaan na lamang niya ang katawan na malugmok sa lupa. Dala na rin ng lamig at pagod ay tuluyan na siyang nawalan ng malay.



TAMARA'S POV

I woke up with a heavy feeling. It feels like I'm having a fever or something. I got up from a cold floor and realized na same dress pa rin ang suot ko mula kanina or kahapon... I don't know. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na tulog o kung paano ako napunta dito. Ang tanging natatandaan ko lang may isang sirena ang tumulong sa'kin at dinala ako sa pangpang. Pagkatapos nun ay pumasok ako sa kagubatan at nawalan ng malay.

I hugged my wet body tightly as I felt the coldness of the surrounding. Inilibot ko ang tingin sa paligid at napagtanto kong nasa loob ako ng isang kulungan. Kulay abo ang paligid kaya naman visible pa sa akin ang mga bagay sa paligid ko. Inilibot kong muli ang tingin hanggang sa lumanding ang aking mga mata sa mga rehas na bakal, dalawang kalansay ng tao na nasa sulok ng bilangguan, maagiw na dingding at maalikabok na sahig na mukhang pinabayaan ng napakaraming taon.

"Grrrrrr!" Nabaling ang tingin ko sa pinagmulan ng ingay. Sumalubong sa akin ang isang matangkad na halimaw na papalapit sa selda ko. Instead of fearing him, I gave him a death glare but the monster just ignored it and begun to unlocked the lock. He went inside the cell and placed his sword in his shoulder, then kept on staring at me.

I raised a brow. "May kailangan ka?" mataray kong tanong sa kaniya. He grabbed my arm and dragged me out of the cell.

We passed several cells of this underground prison. All of them are empty with prisoners but occupied with skeletons. Sunod na ginawa namin ay umakyat kami ng hagdan pataas hanggang sa nakarating kami sa parang basement ng palasyo. Matapos makalabas ay binagtas namin ang pasikot-sikot ng palasyong 'to. Sa aming paglalakad, walang oras na hindi ako nakakarinig ng mga kakaibang tunog na parang nanggagaling sa bawat kwarto ng palasyo.

There were sobs, cries, screams, evil laughs, scraping of knives and scratching of chains and other creepy noises. I shook my head and ignored the sounds. Throughout the walk, nakatingin lang ako sa unahan. I felt very dizzy pero nilabanan ko iyon. Hinayaan ko ang sarili na dalhin ako ng halimaw sa kung saan mang lupalop ng palasyo niya ako dalhin.

Matapos ang prusisyon, mahabang lakaran I mean, napatigil kami sa isang malaki at maitim na pintuan na nahahati sa gitna. May pilak na pigura ng lobo sa doorknob nito at maliban doon ay wala ng mga design na makikita sa kabuuan ng pinto. Automatic itong bumukas at isang madilim na kwarto ang sumalubong sa'min. Pinuwersa ako ng halimaw na pumasok sa loob. He pushed me slightly, tama lang para makapasok ako sa loob ng kwarto.

A calm command but with a hint of authority echoed in the entire room. "Leave us." the voice said. Nagpugay muna ang halimaw bago tuluyang nawala sa paningin ko. Pagkaalis niya ay sinaraduhan kaagad niya ang pinto.

I tried to looked for the man but it's no use. Sobrang dilim ng paligid to the point na halos hindi ko na makita ang sarili ko. The light coming from the outside was gone when the door closed.

I felt dizzy again so I closed my eyes and focused in feeling my surrounding. "Who are you?" I asked coldly, not making myself sounds weak.

"You trespassed in my territory." he spoke calmly.

"I didn't mean to." I respond, blankly. My eyes remained closed. "I was lost." Then I felt his icy breath on my face.

He moved his face to my jaw down to my neck and shoulder. "You're cold." he said while resting his face on my neck. I felt him tear down my dress, made me whimpered a little. Good thing I'm wearing my undies. Then I felt him wrapped a warm cloth around my shivering body, covering me from cold. "Look at me." he ordered.

Nanghihina man ngunit pinilit kong imulat ang aking mga mata. I came eye to eye with the man who's eyes are ten times much darker compared to my future. I looked at him weakly. He stared into my eyes and just a snap of a finger, he unexpectedly kissed me. My body is too weak to protest. I let him removed the cloak around my body and lifted me up from the cold floor. I felt the soft mattress against my back. I tightened my grip on the man's shirt while he slowly caressed my leg up to my exposed thigh.

The kiss went on and on until I fell asleep.

Deep SlumberWhere stories live. Discover now