Everyone went silent, lalo na yung mga kawal na ngayon ay hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Pabalik-balik ang tingin nila sa'kin at sa wala nang buhay nilang pinuno."Hindi kami nagpunta rito para saktan ni isa man sa inyo. Nais lang namin makiraan at makaalis sa teritoryo niyo ng tahimik. Ngunit dahil matigas ang ulo ng pinuno niyo... hayan siya ngayon... naliligo sa sarili niyang dugo." I took a quick glimpse at the lifeless body and stared at the people in here, again. "At kung may isa man sa inyo na gusto akong kalabanin... mangyari lang na pumunta dito sa gitna at magtutuos tayo." I waited for anyone to come in front but it didn't happened. Not a single person tried to come and fight me. Baka nagpro-process pa sa mga utak nila ang nangyari. Oh well! Wala na akong pakialam dun. I turned my sight to Kalissa and signaled her to ready the girls. "Yaman din lang na wala sa inyo ang gustong kumalaban sa'kin... makakaalis na kami." Dinala ni Kalissa ang mga babae sa tabi ko. Akmang aalis na kami ng pigilan ako ng isa sa mga kawal.
"Sandali." sigaw niya. Nababatid kong siya yung kinausap na kawal kanina.
"Bakit? Lalaban ka?!" matapang na hamon ko.
"Wala na kaming pinuno." sabi niya.
"Eh ano ngayon? Problema niyo na 'yon!"
"Hindi ka pwedeng umalis binibini! Kailangan mo kaming pamunuan."
"Oo nga!" second the motion ng mga taong naririto. Ako? Mamumuno sa kanila? No way!
"Bakit hindi ikaw? Tutal ay kanang kamay ka naman yata ng pinuno niyo?"
"Marami na ang nagtangkang agawin ang trono ngunit walang nagwagi ni isa sa kanila. At dahil ikaw ang nakapatay sa pinuno namin, ikaw ang sunod na tatanghalin na pinuno ng pangkat na ito."
Biglang nagpantig ang tenga ko. "Hoy lalaki! Makinig ka! Wala akong pakialam sa'yo, sa pinuno niyo at lalo na sa tribo na ito. Kung gusto niyo, magpatayan na lang kayo para sa trono."
"Tama!" sabat ng isa sa mga kawal sabay punta sa gitna. Malaki ang katawan nito na mukhang hindi papatalo sa digmaan. "Ang sinumang gustong makipagpatayan sa'kin para sa trono ay lumapit dito sa unahan! At dito tayo magtutuos!" kaniyang sigaw sabay taas ng kaniyang espada at angil ng malakas.
Biglang nag-ingay ang paligid. Nabuhayan ng loob ang mga kalalakihan lalo na yung mga lalaking malalaki ang mga katawan. Maging mga babae ay nakilahok din sa gagawing pagtutuos. Unti-unting kumasa sa hamon ang karamihan sa mga kalalakihan hanggang sa nagtuos na yung challenger at yung tumanggap ng challenge sa unahan.
"Akhira! Ano ka ba?! Tara na!" I whacked Akhira's shoulder, causing her to jolt.
"Pwede bang mamaya na lang? Tapusin muna natin ang laban nila?"
"Mamili ka, manonood ka sa kanila o ako ang tatapos sa'yo?"
"Eto na nga, kikilos na." Padabog na naunang naglakad si Akhira. Napailing na lang kami ni Kalissa saka sumunod kay Akhira na ngayon ay malayo na ang distansiya niya sa amin.
Nakaisip ako ng kalokohan. I pulled Kalissa and whispered my plan. She smiled wickedly. I told my plan to the rest of the girls. Hindi naman sila nagprotesta sa gagawin namin. Unti-unti kaming umurong at dahan-dahang pumihit sa ibang direksiyon. Nagtago kami sa kakahuyan at matataas na mga damo. Hinintay namin si Akhira na balikan kami. Hindi naman kami pumalya, aligaga si Akhira na bumalik at hinanap kaming lahat.
"Guys! Asan kayo?! Walang ganyanan! Ang daya niyo!"
"Magpakita na tayo Tamara." suhestiyon ni Kalissa. "Magpatuloy na tayong muli sa ating paglalakbay." dagdag niya pa. Wala na akong nagawa kundi ang magpakita kay Akhira na ngayon ay nagtatampo sa amin. Nagsimula na kaming maglakbay ulit at nilisan na ang lugar na iyon.
YOU ARE READING
Deep Slumber
FantasyBalobos, a group of dreamer abductors and dream intruders kidnapped a graduating student named Tamara Castillio, in the middle of her lucid dreaming. She was held captive and met other female lucid dreamers who are also abducted like her. Yearning f...