I woke up with a heavy feeling. Sinapo ko ang ulo na nananakit ng kaunti at inilibot ang tingin sa buong paligid. Tumambad sa akin ang makulimlim at nangangalit na kalangitan, kulay abong kapaligiran, mga itim at naglalakihang mga patay na puno at itim na mga tinik sa kakahuyan. Napansin ko rin ang mga nangingitim na baging sa paligid. Umaalingawngaw rin ang ingay ng mga uwak at huni ng mga insekto na naririto.'What is this place?' naitanong ko sa sarili. Bigla akong gininaw ng humangin ng malamig na parang umuulan ng snow ngayon. I got up freezing at the sudden change of temperature and decided to explore this creepy and spooky forest.
Naalala ko pa, madalas kong makita ang ganitong klase ng kagubatan sa mga horror films kaya naman nakakatuwa ngunit nakakatakot na makita ang mga ganitong bagay sa personal. I wonder, ano kayang mayroon sa kagubatang ito? Multo? Halimaw? O baka naman mga bampira na animo'y patay sa sobrang putla? Whatever it is, malalaman ko rin 'yan.
Nagsimula na akong maglakad-lakad, hindi alintana ang nakakatakot na atmosphere ng kagubatan. To be honest, hindi naman ako matatakutin. Marami na rin akong horror movies na napanood, samahan pa ng mga paranormal documentaries and stories na napapanood ko sa tv. Hindi lang iyon, nakapunta na rin ako sa mga historical sites na sinasabi nilang pinamamahayan raw ng mga multo at masasamang espirito. Maging mga haunted houses ay napuntahan ko na rin.
Marami ngang nagtataka kung bakit hindi ako takot sa mga paranormal na bagay. At marami rin ang nagtatanong regarding doon na hindi ko naman masagot. Hindi kaya may amulet sa loob ng katawan ko or cross perhaps? O baka naman sadyang ganito lang mag-react ang katawan ko? Either way, hindi ko pa rin maalis ang misteryo sa buo kong pagkatao.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at napatigil rin ng may mahihinang kaluskos akong narinig. Nagkibit-balikat na lamang ako na parang walang pakialam at itinuon muli ang tingin sa daan na aking binabagtas. Pero ang totoo niyan, pinapakiramdaman ko ang buong paligid at nagkukunwari lamang ako na parang walang pakialam at walang naririnig.
Sa paglalakad, bigla akong napatigil ng may sumulpot na babae limang metro ang layo sa akin. Maputla ang balat nito, nakasuot ng puti na bestida na abot hanggang binti, mahaba ang itim nitong buhok na tinatabunan ang mukha nito at tapak rin ang babae. Matapos ang pagpapakita niya ay kagyat na umulan ng malakas.
Pamilyar sa'kin ang scene na ito ah! Parang ito yung isa sa mga scene sa movie ng Evil Dead. I tried to remember the scenes and dahil sa pagka-occupied ng isip ko, hindi ko namalayan ang mabilis na paglapit sa akin ng white lady at ang pagsakal nito sa akin. Unti-unting nahawi sa gitna ang buhok niya at sumilay sa kaniyang mga labi ang not-so-scary nitong ngisi.
Sa inasta niya ay napangisi rin ako. Akala ba niya matatakot niya ako gamit ang pangisi-ngisi niya, mga ngiping maiitim na animo'y hindi nag-toothbrush sa buong buhay niya at ang hininga niyang amok panis na tahong? Ackkk! Halos nga isuka ko na lahat ng mga kinain ko pero kinimkim ko na lamang ang pandidiri na nararamdaman ko ngayon.
Mabilis na napawi ang ngisi sa labi ng multo at napalitan ng pagkagalit. Ano ka ngayon? Sa pagkakaalam ko kasi, lalong ginaganahan na manakot at gumawa ng mga masasamang bagay ang mga multo kapag nakikita nilang natatakot sa kanila ang mga tao. Lalo rin silang lumalakas, at ang lakas na mayroon sila ay galing sa negative emotions ng mga tao katulad ng pagkatakot, pagkabalisa, nerbiyos, lungkot, pagdadalamhati, pagkapoot, pagkasuklam, pagkamuhi, pagkainggit at marami pang iba.
Ngunit hindi lamang sila ang sumisipsip ng kakaibang enerhiya mula sa tao, maging ang mga evil spirits rin at mga demons na nagkalat sa diyan sa tabi-tabi ay katulad rin ng mga evil ghosts. Mas lalo silang lumalakas sa tulong rin nating mga tao. In other words, para silang mga bampira at linta. Ang kaibahan nga lang, blood suckers ang mga bampira at linta samantalang energy suckers naman ang mga evil ghosts at demons.
YOU ARE READING
Deep Slumber
خيال (فانتازيا)Balobos, a group of dreamer abductors and dream intruders kidnapped a graduating student named Tamara Castillio, in the middle of her lucid dreaming. She was held captive and met other female lucid dreamers who are also abducted like her. Yearning f...