CHAPTER 22: IN THE NAME OF LOVE

7 1 0
                                    


THIRD PERSON POV

Hindi pa man nage-eclipse ay nasa labas na ng templo si Seducia upang abangan ang bathalumang si Affedyce. Nais niyang hingin ang tulong ng diyosa upang mapawalang bisa ang mate bond ni Devour at Tamara nang mapasakanya si Devour. Matagal ng may pagtingin si Seducia sa prinsipe ngunit wala namang nararamdaman para sa kaniya ang prinsipeng kaniyang iniibig dahil nakatadhana ito sa iba... kay Tamara. Ngayong nalaman niya ang tungkol sa mate bond ni Devour at Tamara, mas naging pursigido siyang makuha at mabawi si Devour.

Pagkarating ng templo ay marami na ring naghihintay sa labas nito. Mga nilalang na nais ring hingin ang tulong ng diyosa. At dahil wala sa bokabularyo niya ang maghintay at pumila, naisip niyang mauna sa pila.

Ilang saglit pa'y nag-eclipse na rin. Biglang dumilim ang buong paligid. Unti-unting bumukas ang pinto ng templo. Iniluwa nito ang dalawang matatangkad na mga kawal nasa seven feet ang tangkad. Dali-dali pumunta sa unahan si Seducia at itinaboy ang iba pang mga nilalang na nakaharang sa dinaraan niya. Dahil dito, hindi siya pinapasok ng mga kawal. Mabilis na iniharang ng mga ito ang kanilang mga espada upang harangang makapasok ang prinsesa.

"Prinsesa ako ng Wetream! Papasukin niyo ako!"

"Nasa templo ka ng diyosa. Matuto kang gumalang at lumugar, prinsesa." sabay sulpot ng isang magandang babae na waring mensahera ng diyosa. "Lahat dito ay pantay-pantay. Walang nakatataas at walang nakabababa."

"Kahit na! Isa pa rin akong prinsesa! Ako dapat ang mauna at hindi sila!"

"Wala ka sa kaharian mo, binibini." kalmado ngunit mataray na wika ng mensahera. "Kung kailangan mo talaga ang tulong ng mahal na bathaluman, matuto kang pumila ng maayos."

Bago umalis ay mataray na inirapan ni Seducia ang babae saka padabog na pumunta sa dulo ng pila. Matapos iyon ay umusad na ang pila. Pinapasok na ng mga kawal ang nasa unahan. Tinatayang nasa dalawampu ang naroroon. Dalawang minuto na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin lumalabas ang nasa loob. Nauubusan na siya ng pasensiya pero kinimkim niya iyon. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.

Pagkalabas ng nauna ay sumunod naman ang pangalawa. Sa bagal ng pag-usad ng pila ay sa pagtaas naman ng kagustuhan ni Seducia na makapasok sa loob. Ngunit iisa lang ang pinto which is yung front door lang. Wala rin namang mga bintana na maaari niyang lusutan. Dahil sa inis at pagkainip ay nag-isip na lamang siya ng iba pang mga bathala na makakatulong sa kaniya. Naisip niyang puntahan si Hypnos, the deity of hypnotism. Dala ang kaniyang portal ay nilisan niya ang templo ni Affedyce at pinuntahan ang kinaroroonan ng templo ni Hypnos.

Pagkarating sa bukana ng templo ay tumambad sa kaniya ang iba pang mga nilalang na nasa labas ng templo, naghihintay sa kanilang oras na makapasok sa loob. Inis na inis siyang nagdabog. Katulad ng sa templo ni Affedyce, may kawal rin sa dalawang side ng pinto ang templo ni Hypnos. Sinubukan niyang mauna. Nagpakilala siyang prinsesa ng Wetream at pinatunayan niya ito. Hindi naman siya nabigo at pinapasok kaagad siya ng mga kawal.

Pagkapasok sa loob ay naratnan niya ang madilim na paligid na tanging mga torches lang na nakasabit sa mga dingding ang nagsisilbing ilaw sa loob. Sa dulo ng templo ay ang isang mataas na trono kung saan naroroo't nakaupo si Hypnos. Mabilis siyang lumapit doon at nagbigay galang sa bathala.

"Mahal na bathaluman."

"Anong maipaglilingkod ko sa'yo prinsesa?"

"Nais ko pong hingin ang inyong tulong na mapasaakin ang lalaking gusto ko."

"Tanging hipnotismo lamang ang maibibigay kong tulong sa'yo."

"Wala pong problema sa akin iyon bathaluman. Ang mahalaga ay makuha ko siya sa babaeng iyon!" pagalit na anas ni Seducia.

Deep SlumberWhere stories live. Discover now