THIRD PERSON POV"Where's mom?! Where is she?!" hiyaw ni Devour nang makarating sa kaharian ng Nitres.
Gabi na at kagagaling niya lang sa kaniyang mansiyon. Noong minsang iwan niya ang asawa ay maayos pa ito. Ngunit nang umilaw ang kaniyang marka ay doon na siya kinutuban. Mula sa palasyo ay bumalik siya sa mansiyon at naratnan niya si Tamara na natutulog. Ginising niya ang asawa ngunit hindi ito magising.
Nasa sala siya ngayon ng palasyo at nagwawala. Nilapitan at inawat siya ng mga kawal at tagasilbi ng palasyo ngunit bigo sila na mapakalma ang prinsipe.
"Kuya?! What's happening?!" bungad ni Suffer na humahangos bumaba ng hagdan.
"Where is Mom, Suffer?! Where is that witch?!" Marahas na niyugyog ni Devour ang mga braso ng kapatid.
"Kuya, you're hurting me." sabay iyak ni Suffer na ikitigil ng prinsipe. Lumayo ang prinsipe sa kapatid at binasag ang nakitang vase sa sala. "Kuya stop! Stop!" Niyakap ni Suffer ang kuya niya para pakalmahin ito na nagawa naman niya. "Ano bang nangyayari kuya?" Pinaupo niya ang prinsipe sa sofa at niyakap ito.
"It's my wife... she's unconscious."
"What do you mean?"
"She's in a deep sleep." sabay hagulgol ni Devour sa mga braso ng kapatid. "I tried to wake her up but it's no use."
"How did you know that she's in danger?"
"The mark." Hindi maiwasang makaramdam ni Suffer ng awa sa kuya niya.
"Mom is not here, kuya. And I don't where she is."
"Where is Night?!"
"He's busy, kuya. And just like me, he didn't know where is Mom either."
"That woman! She planned all of this!"
"Kuya, are you sure about that? Sigurado ka bang si Mama ang dahilan kung bakit unconscious ngayon si ate Tamara?"
"Sino pa ba ang may galit sa asawa ko bukod kay Seducia?! Ha?! Suffer?!" Hindi nakaimik si Suffer dahil batid nito na may posibilidad na ang ina nga nila ang nasa likod ng nangyayari ngayon kay Tamara. "I will find that woman! I will find her!" Wala ng sinayang na oras si Devour at umalis na ng palasyo na iyon.
Nagtungo siya sa mga lugar na pwedeng puntahan ng reyna. Maging sa Wetream ay nagtanong rin siya sa kinaroroonan ng ina ngunit maging sila ay hindi alam kung nasaan ang reyna ng Nitres.
"Pasensiya ka na iho ngunit maging kami ay hindi namin alam kung nasaan si Nyxa." paumanhin ni Queen Flirta. "Teka, ano bang nangyayari?"
Hindi na ginawang sagutin ni Devour ang katanungan ng reyna at naglaho na ito sa paningin nito. Dala ng galit ay pumunta siya sa isang bar na naroroon sa Wetream at nakipagbugbugan sa mga lalaking naroroon. Nang mapatumba lahat ang lahat ng mga ito ay naupo siya sa isang stool. Humingi siya ng isang bote ng alak na kaagad namang ibinigay ng bartender at saka umalis na sa lugar na iyon.
Bitbit ang isang bote ng alak ay bumalik siya sa mansiyon. Tinungo niya ang kinaroroonan ng asawa at naupo sa tabi nito. Pinagmasdan niya ang nakahigang si Tamara. Malaya niyang napagmamasdan ang kagandahan ng asawa mula sa mga mata nitong mapang-akit hanggang sa mapupulang labi nito. Napatigil ang prinsipe ng dumako ang tingin nito. Lumanlam ang mga mata niya at unti-unting inilapit ang labi sa mga labi ng asawa hanggang sa magdikit ang mga ito. Masuyo niyang hinalikan ang mga labi ni Tamara at nahiga sa tabi nito.
Meanwhile.....
"How's the plan going so far, Mommy Nyxa?" tanong ng kadadating lang na si Seducia sa secret hideout nila ng reyna ng Nitres. Tumingin ito sa dream well kung saan naroroon si Tamara at nakikipaglaban sa isang multo na halimaw. "Malakas siya ah." komento ng dalaga ng makitang nasasaktan ni Tamara ang kalaban.
Matapos manipulahin ng reyna si Tamara ay sinubukan nitong bangungutin ang babae ngunit nabigo siya dahil may mas nakatataas na nagpoprotekta dito. Dahil dito, nabatid ng reyna na hindi niya masasaktan si Tamara, kaya naman naisip niyang humingi ng tulong sa mga bathalang sina Draco, Rivas at Warion. Hindi naman siya nabigo. Tinulungan siya ng mga ito sa binabalak niyang gawin.
"Her strength is nothing compared to my powers." Mas lalong pinalakas ng reyna ang multong nasa bangungot ni Tamara ngunit hindi ito nagtagumpay. Sa huli, natalo pa rin ni Tamara ang halimaw na kalaban niya.
"It's not effective, Mommy Nyxa."
"Not so fast, Seducia." Mapagbiro itong ngumisi sa prinsesa. "Marami akong baon."
Matapos ang unang bangungot na ibinigay niya ay may pumalit na ulit na bago. Pero lingid sa kaalaman niya ay isa pala sa paboritong character ni Tamara ang makakalaban niya. Madali niyang napatumba ang sumunod na kalaban. Galit na galit na ibinato ng reyna ang nakita niyang babasagin malapit sa dream well. Kasunod ng dalawang iyon ay naglagay pa siya ng mga bangungot. Mga bangungot na sa tingin niya ay magpapabagsak kay Tamara subalit bigo ang reyna. Bigo siyang patayin si Tamara.
"Die b*tch! Just die already!" galit na sigaw ni Seducia sa imahe ni Tamara na nasa dream well. Marami ng mga bangungot ang ibinigay ng reyna ngunit lahat ng mga ito ay palpak.
"Bwisit na babae! Hindi umeepekto sa kaniya ang mga bangungot ko!"
Kinalma ni Seducia ang sarili at umisip ng paraan kung paano mababawian si Tamara. "Don't worry, Mommy Nyxa. I have a plan at sisiguraduhin kong mato-trauma ang babaeng 'yon! Hahaha!" Nagngisihan ang dalawa.
Lumayo mula sa dream well ang reyna. Pumalit sa kaniya si Seducia. Confident na humarap ang prinsesa sa dream well at nag-concentrate.
'Ito na ang katapusan mo, Tamara! Sisiguraduhin kong hindi ka na magigising! Hahaha!'
YOU ARE READING
Deep Slumber
FantasyBalobos, a group of dreamer abductors and dream intruders kidnapped a graduating student named Tamara Castillio, in the middle of her lucid dreaming. She was held captive and met other female lucid dreamers who are also abducted like her. Yearning f...