CHAPTER 23

82 3 0
                                    


(CHAPTER 23)

[MORNING]

(AMANDA PO'V)

Gaya ng napag usapan namin ng kambal ko ay sa kwarto nya ako natulog at sa kwarto ko din naman sya natulog

Mamayang gabi pa naman sila mag kikita kaya makaka pag ready pa sya, kaya lang may gagawin daw sya ngayong araw Kaya baka ako muna ang mag substitute na bilang sya sa office

Diko naman to tinaggihan dahil baka nga maka halata sila, kaya naman gumising ako ng maaga para mag asikaso

Pag katapos ay bumaba nako, nakita ko naman na nandun si Tita hazel at Dad, pero ang ipinag tataka ko wala pa si Samantha

Mga ganitong oras kase ay gising nako, sumasabay nako sa kanila sa pag kain, siguro naman ay hindi sya late magigising

Hindi nga muna ako bumaba dahil baka mabisto nila kami, ilang sandali lang ay nakita ko g bumukas ang pinto ng kwarto ko at lumabas si Samantha

" Muntik nako malate ng gising"- sabe nya ng makalapit saken " Late kana ng 5 minutes"- sabe ko dito na natatawa

" ay ganun ba, ang aga mo naman kase nagigising"- naka simangot na sabe nya saken

" sige na mauuna nako sa baba, then maya maya kana sumunod okay"- sabe nya na sinang ayunan ko

Bumaba na nga sya kaya naman nag antay muna ako ng ilang minuto bago tuluyang bumaba

" Amanda,wag mo kaming ipapahiya mamayang gabi"- sabi ni dad kay sam

" o- opo dad"- sagot naman ng kambal ko " Good, don't worry hindi ka naman mag sisisi, galante at gwapo ang nag iisang anak ni Mr.Villamonte "- sabe neto na tumatawa tawa pa

" Kapag naikasal na kayo, wag mong kakalimutang dumalaw dito ah"- naka ngiting sabe ni tita hazel kay Samantha

Hindi naman to pinansin ng kambal ko at nag patuloy lang sa pag kain

" Dad, isasama ko si Amanda sa Office"-lakas loob kong sabe, nagulat naman sila sa sinabi ko

" And why? Hindi pwede may lakad kami mamayang gabi"- pag tanggi neto

" don't worry, ihahatid ko din sya sa tamang oras"- sabe ko dito, yun kase ang napag usapan namin kagabi ng kambal ko

" Fine, but make sure around 7pm ay naka uwi na ang kambal mo"- sabe neto kaya napangiti ako, pero diko pinahalata

Nang matapos nga kaming kumain ay umalis na kami ni Samantha, sumakay kami ng Car at sya ang nag drive

" Ihahatid na kita sa companya "- nakangiting sabe neto " Nga pala twin, saan kaba pupunta?"- tanong ko dito pero nag iba lang ang reaksyon nya

" Nothing"- sabe nya at tyaka pilit na ngumiti, hindi kona nga to tinanong pa ulit dahil nahalata kong ayaw nyang sabihin sa aken

Nang maka rating nga kami sa companya ay bumaba nako, bumaba din naman sya para mag paalam " Take care twin, basta kapag iniinis ka ni Charles gantihan mo lang sya okay"- sabe pa nya

Alam ko naman na asot pusa sila kaya alam kona kung ano ang gagawin, nag karon din ako ng lakas ng loob, hindi naman nila malalaman na ako to

Nang maka pag paalam ako dito ay bumalik na sya sa Kotche at tyaka nag drive paalis

Kaya naman pumasok nako sa companya at pumunta ng office ko, pag punta ko sa office ay nakita ko si Charles na naka upo sa Chair

Hindi ko alam kung kakayanin ko to dahil minsan ko naren tong minahal pero syempre ngayon ay hindi na, si Gabriel lang ang nag mamay are ng puso ko

THE REVENGE OF TWIN SISTERWhere stories live. Discover now