(CHAPTER 54)(SAMANTHA PO'V)
" Ano ba san nyo ba ako dadalhin"- inis na sabe ko sa kanila..
Pero hindi nila ako pinapansin hanggang sa maka rating kami sa isang room na walang ka gamit gamit at malawak..
Ano bang gagawin nila bakit nila ako dito dinala..
" Wag nyong bibitawan yan hanggat hindi ko sinasabi understand?"- masungit na sabe ni Carmina
" Yess boss"- walang emosyong sabe naman ng mga tauhan nya..
Imbis na mag tanong o mag salita pa nga ay nanahimik nalang ako at inaantay kung ano ang susunod nilang gagawin..
Wala ren naman kase akong magagawa pa, hindi ako makakawala sa mga malalaking katawang lalakeng naka hawak saken...
Habang naka tayo nga lang ako at hawak hawak ng mga tauhan nya nakita kong kumuha sya ng cp at tyaka may tinawagan na kung sino..
" Hello, nagawa mona ba ang pinapagawa ko"- sabe neto " yes boss, don't worry"- rinig kong sabe ng kausap nya...
Parang familiar saken ang boses nayun, tama yun yung boses ni Ramon, yung tunay na asawa ni Bruhang Hazel..
Bigla na naman akong nakaramdam ng galit, ano ba talagang binabalak nila...
After nga ng pag uusap nila ng tinawagan nya ay inutusan nya ang mga tauhan nya na igapos ako ..
Agad din naman nila tong sinunod kaya hindi na ako naka pag piglas pa, itinali nila ang nga kamay ko ng mahigpit..
Pate naren ang mga paa ko, pero nanatili lang akong naka tayo, niligyan din nila ng tape ang bibig ko dahil sa kakasigaw ko na tigilan nila ang ginagawa nila..
Hindi ko alam kung anong pakana na naman ng demonyong Carmina to pero natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi para kay Justine...
What if may ginawa na silang hindi maganda dito..
(FAST FORWARD)
(CHARLES PO'V)
I'm here now sa place ng kinakamuhian kong magulang, i don't know bakit nila ako pinatawag...
Ayoko sanang pumunta pa pero pinilit lng ako ni Jus.. hindi ko alam kung sino sya at anong karapatan nyang utusan ako
Pero hinayaan ko nalang dahil nasa kamay nya kung pano maililigtas si Samantha..
Tyaka kona sya babawian kapag nakita kong maayos na ang kalagayan ni sam..
" Bakit nyo ko pinatawag"- walang emosyong sabe ko dito..
" Anak may favor kase sanang hihingin sayo ang Daddy mo"- nakangiting sabe ni mom saken...
" Ano naman yun"- wala pareng emosyong sabe ko, wala naman kase akong ganang makipag usap pa sakanila...
" May mahalagang bagay kase sakeng pinapagawa ang boss ko"- pag sisimula ni Dad..
Ano naman kaya ang kinalaman ko dun at kelangan nya pa akong idamay dyan.. hindi ako pwede sa kung ano man ang ipapagawa nya.
May mahalagang bagay na dapat kung pag tuunan ng pansin ngayong araw, ngayon kase namin binabalak ang plano namin...
" Pasensya na pero hindi ako pede ngayon, maybe next time nalang"- sabe ko at akmang tatalikod na pero pinigilan ako ni mom..
" It's very important, malaking pera ang makukuha naten dito"- Seryosong sabe nya na nag pakulo ng dugo ko..
Pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil ano mang oras ay para tong sasabog..
Mag pupumilit pa sana ako na sa susunod na araw nalang ng biglang mag ring ang Phone ko..
Si Jus tumawag, " excuse me"- tipid na sabe ko at lumabas ng pinto..
" Hello?, anong balita? "- agad na tanong ko " wala pa, papunta palang ako now sa mansion nila, but i feel something strange"- Seryosong sabe nya ..
" Something strange like what?"- takang tanong ko dito " basta, kapag hindi pako naka tawag sa inyo sa Tamang oras, alam nyo na ang dapat gawin"- sabe nya...
Mukang hindi nga talaga maganda ang kutob nya, maski naman ako ay hindi, kelangan naming mag ingat...
" Fine, don't worry i will do my best, we we're do our Best"- sabe ko dito sabay hinga ng malalim...
" That's good to hear, anyway if i am not mistaken kaya ka pinapatawag ng Dad mo dahil may ipapagawa sya sayo"- sabe neto..
" Pano mo nalaman? Kilala mo ba ang Dad ko?"- takang tanong ko " it's not important right now, kung ano man ang iutos nya sundin mo"- sabe nya na ikinagulat ko..
" What? Pero hindi pwede ngayong araw naten gagawin ang plano, ngayong araw din may ipapagawa si Dad"- inis na sabe ko...
" May kinalaman yun kay Sam, i know na wala na syang ibang mapagkakatiwalaan kundi ikaw, that's why inutos ko sayong kunin ang tiwala nya"- paliwanag nya...
" Ano bang pinag sasabi mo"- nalilitong tanong ko...
" Basta do what i said, bago mo gawin ang pinapagawa sayo ng Dad mo, make sure na naka ready na ang task na pinagawa ko sayo, and make sure na sabihan mo sila Gabriel "- Seryosong sabe nya..
" Fine, i understand "- sabe ko dito..
Pag tapos nga naming mag usap ay bumuntong hininga ako na pumasok sa loob, kung saan nandun si Dad at Mom....
Ayoko sana pumayag sa utos ni Jus, dahil gusto kong ako ang unang makita ni Sam, gusto kong ako ang mag ligtas sa kanya....
But i don't have a choice kundi gawin kung ano ang sinasabe saken, lalo nat para naman to sa ikakabuti ni Samantha...
Para sa pinaka mamahal kong babae...
(FAST FORWARD)
(SAMANTHA PO'V)
Mahigit isang oras na nga akong naka tayo habang nakatali dito, at tuyot na tuyot naden ang lalamunan ko dahil sa tape na naka lagay sa bibig ko...
Umalis saglit si Carmina at hanggang ngayon hindi pato nakakabalik, kahit naman maka wala ako sa pag kakatali hindi ren ako basta basta makakalabas dahil sa mga tauhan nyang naka bantay saken....
Ilang minuto pa nga at pumasok na sa loob si Carmina, at.....
At hindi lang sya kasama din nya si Justine..
Halatang nagulat sya ng makita nya ang kalagayan ko, pero hindi nya yun pinahalata, shittt ano bang binabalak ng Caminang to...
" Are you surprised?"- nakangiting sabe ni Carmina ng makalapit sya malapit sa tabe ko..
Habang si Justine ay naka tayo sa harap ko na hindi ren naman kalayuan...
" What are you planning to do, i don't have time for this"- hindi naka tinging sabe ni Justine kay Carmina...
I know na kaya nya yun sinabi para protektahan ako...