13: McClehoux 37

56 2 12
                                    

After ng lunch namin ni Sir Rui ay nagpaalam ako na aalis muna kahit gusto ko pa siyang makasama dahil need kong magfacilitate ng soccer game this time. Besides, may gagawin din daw siya. Di ko na siya natanong pa kung ano yon dahil nagmamadaling pumunta ako dito sa grass oval field. Kinokontak na kasi ako ng ilang kasamahan kong officer.

He just told me that we'll just see each other later. Naiintindihan niya namang magiging busy ako this week

"Fel, bakit wala pa yong mga gatorade and mineral water dito? Di ba ikaw ang nag-order?." -tanong ko kay Felicimon a.k.a Felicia, a gay officer na taga-Music and Arts siya.

Kasama ko siyang naka-assign ngayon dito.

"Kakatanggap ko lang ng text. Sabi malapit na, meme." - Sagot niya.

"Sige, paki-rush lang kasi malapit ng magsimula ang game." - Paalala ko.

"Okay, don na ako babantay sa Tourism side, daming poging audience don." - kinikilig na saad niya.

"Heh! Mga boylet lang ba babantayan mo?"- naniningkit ang mga matang tanong ko.

He laughed like a maniac.

"Sshh...Pagbigyan mo na ako, Z." Sagot nito.

I rolled my eyes jokingly.

"Fine. Don ka na. Hintayin na lang natin ang mga players." natatawa kong sagot.

Nagagalak na tumawid naman siya papunta sa Turismo at talagang sa gitna ng field dumaan. Papansing nag-lava walk siya sa gitna at nag-slow turn sabay kaway.

Napahagalpak sa tawa ang mga nakakita sa kanyang agaw-eksenang pagrampa. I shook my head as I laughed, too. Baklang to, loka-loka!

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Napapaligiran ang oval field ng mga estudyanteng manonood kung saan nakaupo sila sa parang hagdanan na mga bleachers at meron ding mga nakatayo. Mostly mga taga-Engineering at Tourism kasi yon ang maglalaro ngayon.

Ang mga scorer at judges naman ay nasa harap ng mga students' bleachers. Sa kabilang side ay mga taga-Tourism na nakasuot ng red shirts habang dito sa side namin ay mga taga-Engineering na naka-white shirts naman. Nakita ko rin sa ikatlo at ikadalawang palapag ng bleachers ang karamihan sa mga classmates ko kabilang si Sheryl na ngayong nakangiting kumaway-kaway sa akin.

"Bes! Yahoo!"- tawag niya sa akin kaya napatingin din ang ilang mga kaklase na katabi niya.

"Hi, Z!" bati din sa akin ng mga classmates.

I just waved my hand at them with a  smile.

Most of the students ay nakabandana at may bitbit na mga hotdog balloons at banner bilang suporta sa kanilang mga pambato.

Wearing their camouflage uniforms and combat shoes, few ROTC officers are scattered to guard and control the crowd.

On the otherhand, us, officers, are wearing black polo sleeveless shirt for ladies while black polo short-sleeves for men. May likod namin may nakatatak na 'SIU-Student Council' then sa harap ay naka-print ang first name kada officer. On my shirt, nakasulat 'Zea' lang. That's why, madali kaming ma-identify. Pinaresan ko ng white high waist flared jeans.

The referees were already in the middle of the grounds just beside the goal net.

Halos lahat ng estudyante ay napatakip sa tenga nang marinig ang matinis na tunog mula sa pag-echo ng mikropono.

We all looked at the announcers' direction.

"Stellarians, are you ready to see the soccer players for today's game?!" - Sir Cartez asked using the mic.

RESTRAINED HEARTS (Mx Series #1) HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon