11: Jealous

57 2 4
                                    

May palagay akong di-ma-drawing ang mukha ko ngayon.

Mabigat ang mga hakbang na pumunta ako sa classroom ko.

Padabog akong umupo sa upuan ko. Wala pa si Sheryl kaya matalim ang tingin ko sa kawalan.

Totoo kaya yon?

Pero nakita daw eh.

Kinuha ko ang phone ko nang may naisip. I searched an article in google.

I typed 'latest charity event McClehoux attended in the Philippines' in the search bar.

Napatingin ako sa resulta at meron nga!

'Hades McClehoux represent the McClehoux clan for Safe and Serene Charity Foundation Convention'

Meron ding mga candid photos na nakikipag-usap ito. Clad in 3-piece suit, he looks astonishing and regal.

Most of the pictures, nakaside view ito or nakatalikod. Wala akong nakitang picture na kasama niya parents niya. Dahil kung kasama niya dapat na-picture-ran ang magulang nito.

Nanliit ang mga mata ko nang may mahagip ang mga mata ko sa isa sa mga stolen pictures. Nakatagilid si Sir Rui sa camera at busy sa pagkausap sa isang matandang lalaki habang may hawak silang kopita ng wine. Then,  I saw a familiar woman wearing silver dress beside him.

Based on that familiar side angle, I'm sure it's Miss Candice.

Gusto kong sunugin ng mga mata ko ang litratong nakikita ko sa phone.

Magkasama nga sila...

He was lying about his parents joining him in that event?!

Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko nang may mag-beep ang phone ko para sa isang text na natanggap.

From: Suitor

'Viv, you're at school now, right? Did you eat breakfast?'

You lied to me!

Liar!

Another text from him came.

From: Suitor

'Don't forget your breakfast. Have a good day ahead,baby.'

Pa-fall!

Di ko siya ni-reply-yan.

Bad trip na shinut-down ko ang phone ko.

.

.

.

.

Buong araw na dala ko ang pagka-bad mood ko.

Buong araw din naka-off ang phone para di ko mabasa mga messages o tawag ni Sir.

"Kanina pa kita napapansin na parang masama ang timpla. May problem ba, bes?" - Sheryl asked na mukhang kanina pa ako inoobserbahan.

I shook my head.

"Nope. Don't mind me. Medyo masakit lang ulo ko." -palusot ko.

Mukhang nagdududa pa siya base sa reaksyon niya.

"Pasok na ako sa kwarto ko, bes. Maagang akong matutulog."- agad na pagdadahilan ko.

I went to my room to escape from her scrutining gaze before she can talk.

Nilingon ko ang phone ko na naka-charge. Kanina pa yon naka-patay. Nangangati ang mga kamay kong hawakan iyon at buksan pero kinakabahan ako baka tumawag si Sir. Ayoko muna siyang kausapin.

RESTRAINED HEARTS (Mx Series #1) HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon