10: Candice

54 3 0
                                    

"Ano ng meron sa inyo ni Sir Hades, ha?"- bigla niyang intriga.

Halos masamid ako sa iniinom sa gulat Tumulo ang tubig pababa sa panga ko.

Nanlalaki ang mga matang tinignan ko si Sheryl.

"Ano ba, She?!"- bulalas ko tsaka ibinaba ang baso.

Her eyes directed towards me with full of suspicion.

"Wag kang magmaang-maangan, Zea Viviana Jera. Maaring di mapapansin ng iba pero ibahin mo ako. Akala mo di ko nahuhuli ang mga malagkit niyong titig sa isa't-isa tsaka iyong mga makahulugang tinginan na para bang kayo lang nakakaintindi. Yong pasimpleng harutan niyo sa classroom. Tsaka yong ke-harot na mga pick-up lines niyo. Others may see it as a joke, pero alam kong may laman yon. " - She aced.

Napakagat ako ng labi dahil guilty ako don.

Di ko naman napapansin na malagkit pala tinginan namin ni Sir?

"Don't ever forget to mention about sa mga exchange calls or messages nyo. Sabay kumakain, di lang pala lunch, baka pati breakfast and dinner. Akala mo di ko malalaman ang pagpupunta ni Sir Hades diyan sa tapat ng apartment natin every late night? Ilang beses akong nagising na binubuksan mo ang maindoor tsaka mo siya pinupuntahan sa labas. Nong minsan tinanong ko si Beth kung lumabas ka ba nitong weekend..." She added that made me gulped.

Beth is 14 years old girl na anak ng isang tenant dito apartment na pinsan ni Sheryl. Pamangkin niya sa Beth.

Kinabahan ako kasi di ko alam kung napapansin ba ni Beth ang pinaggagawa ko.

"Sagot niya, dito ka lang daw sa loob pero may napakagwapong lalaki daw ang pumunta dito. Mind you ha? Sabi niya EVERY WEEKENDS. Tas minsan nakikita ka daw niyang sumasakay sa kotse at umaalis kayo. Wow ha! Ngayon ka magmaang-maangan, bes." pagpapatuloy niya.

I looked down nervously and didn't have time to deny with her series of throwing her suspicions.

"I'll never judge you whatever you both have, bes. You know I'm always on your side. I just want you to be honest with me coz that we swore to each other. So tell me, are you dating Sir Hades, Z?"- Kalmado niyang tanong.

I know I can trust, Sheryl. We're sisters by heart. Daig pa namin ang magkapatid kung ituring ang isa't-isa.

Hinawakan niya ang kamay ko at nginitian ako.

"Fine, if di ka pa ready magsabi, I'll respect that. Pero tandaan mong andito lang ako, you can tell me anything. Di kita huhusgahan, I'll even protect you."- pag-iintindi niya sa akin.

Nakita niya siguro ang pag-alinlangan at kaba ko.

I guess it would be better to be honest with her kasi atleast may mapagsasabihan ako ng tungkol sa amin ni Sir.
Nakokonsensya din akong naglilihim at nagsisinungaling sa kanya.

Lakas-loob na tinitigan ko si Sheryl.

"Y-you're right, She. Parang ganon nga na we're dating and seeing each other."- I confessed.

Natigagal siya at nanigas.

Akala ko ba ini-expect niya na may something kami ni Sir? Eh bakit siya gulat na gulat?

"Kayo na?!"- nanlalaki ang mga matang bulalas niya.

I blushed and shook my head.

"Di pa!"- Mabilis kong sagot.

Napasinghap siya at napatakip ng bibig.

"Di pa?! You mean, nililigawan ka niya?!"- sabik niyang tanong.

Pigil ang ngiting tumango ako.

Nabigla ako nang tumayo siya at kinikilig na tumili.

"Oh my gosh! Oh my gosh! Did he confess?! Kailan?!" nagwawala niyang reaksyon.

RESTRAINED HEARTS (Mx Series #1) HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon