1: It's him

99 1 0
                                    


"Hi, pres!"- bati sakin ng ilang kaklase pagpasok ko ng classroom.

Tinanguan ko sila at nginitian.

Umupo ako sa 2nd row sa middle column na upuan kung saan ang fixed seat ko.

"Kamusta ang umaga, kaibigan? Singganda ko ba?"-pabirong bati ni Sheryl, ang baliw kong kaibigan.

"Hithit ka pa, friend. Nagiging delulu ka na."- ganti ko.

Sumimangot siya.

"Hoy! Daming nagagandahan kaya sakin."- pikong sabi niya na kinatawa ko tsaka ako umupo sa tabi niya.

"Nandyan na si Sir!"- anunsyo ng isang kaklase namin. Agad na nagsiupuan ang mga kaklase ko.

Pumasok ang nasa late 50's naming professor namin sa Calculus na si Engr. Lopez. He's our first subject in the morning.

"Good morning class."- Mahinahong bati nya na sa sobrang hinahon ay nakakaantok.

Sa totoo lang maraming nabo-boring-ngan sa kanyang magturo kaya sa first subject palang ay halos makatulog na lahat ng kaklase ko sa kanya. Siguro dulot na ng katandaan kaya medyo ganon na siya magturo.

Maraming inaantok sa klase niya dahil walang maintindihan amg mga classmates ko. Madalas kasing nakakalimot na ito. Pero laging maraming kape iniinom ko tuwing umaga para gising na gising kaya mulat ang mata at laging ako nakikinig sa klase niya. Or minsan nagsi-search ako at nagrereview kada gabi para maintindihan ko talaga ang dinidiscuss niya sa klase.

"Good morning, Sir."- parang walang ganang bati ng mga classmates ko

"Ba't parang walang energy?"- birong tanong ni Sir Lopez.

"Kasi aantukin na naman kami, Sir." bulong ni Sheryl sa tabi ko kaya siniko ko sya.

"Good morning, Sir!"- mas malakas na bati namin.

Natawa si Sir.

Halata ang sobrang katandaan nito dahil sa makapal at malaking gradong salamin habang halos idikit na sa mukha ang binabasang textbook.

"San nga ulit topic natin last week?"- Sir Lopez.

Napakamot sa ulo ang mga kaklase ko. Malamang di yan sila nakikinig.

"You, Mr. Reyes."- Tanong nito sa bwenas kong kaklase na si Jeff.

Napatingin pa sa itaas si Jeff habang nakalagay ang daliri sa baba na para bang nag-iisip.

"Ahm..Last week, Sir, topic natin is... Ano nga ba yon?" parang lutang na tugon ni Jeff.

Nagtawanan ang lahat.

Dahil nga sa kabaitan ni Sir ay napailing lang ito imbes na mainis.
Sanay na sanay siya sa mga estudyante na walang interes.

"Halatang di nakikinig lagi. Tsk-tsk-tsk."- Sir Lopez.

"Palaging tulog po yan, Sir eh." -Isa pa naming kaklase na si Roan.

"Nagsalita ang gising na gising ah."- ganti ni Jeff.

"Hay naku, parehas lang kayo. Third year college na pa naman kayo,dapat responsable na kayo. Di kayo ga-graduate ng ganyan. That would taint College of Engineering and our university prestigious reputation." Sermon ni Sir Lopez.

Napabuntong hininga si Sir.

"Alam kong karamihan sa mga students, same ang reklamo, kesyo nakakaantok daw ako magturo." He said

"Di Sir ah! Fave ka namin!"- Pambobola ni Risa, tomboy naming kaklase.

Napahagikhik ang lahat nang ikutan siya ng mata ni Sir.

RESTRAINED HEARTS (Mx Series #1) HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon