PROLOGUE

177 3 0
                                    

"Saan na kayo? Umaambon na." - tanong ko.

[Bakit ka ba kasi nauna palabas ng mall? May bibilhin pa kasi kami dito sa watson sandali.]
sabi ni Katrina.

"Eh ang bagal niyo. Alam niyo naman bilang nalang oras para sa paggawa ng booth natin." yamot kong sabi.

Gamit ang dalawang kamay ay bitbit ko ang isang malaking paper bag na may lamang mga decorations para sa booth ay naglakad sa boardwalk sa labas ng mall.

[Ikaw naman, Ms. president. Balik ka nalang dito sa loob ng mall. Maraming naka-sale ngayon.]

" Papagastusin niyo pa ako alam niyo namang wala akong budget para sa mga ganyan. Bahala nga kayo."- sabi ko at pinatay ang tawag.

Halos napamura ako nang maramdaman ang biglang pagbuhos ng malalakas na patak ng ulan.

Lakad-takbo ang ginawa ko palapit sa isang waiting shed.

Nabunggo pa ako ng ilang tumatakbong mga taong takot na mabasa ng ulan.

Nang makarating sa waiting shed ay akmang uupo na ako sa bleachers nang bungguin ako sa braso ng isang lalaking mukhang highschool palang tsaka ako inunahan sa pwestong uupuan ko sana.

"Ako nauna dyan, boy."- Sabi ko pero nginisihan niya lang ako at nagheadset para di ako pansinin.

Gusto ko tuloy siyang bigwasan.

"Di man lang nag-excuse. Di pa gentleman. 'Lang modo, tsk."- komento ko.

Gosh, gusto kong umupo. Medyo masakit na ankle ko dahil nakasuot pa ako ng uniporme ng university namin at naka-3 inches square heels black shoes pa. I know 2 inches ang usual na shoe heels pero bigay lang kasi to ng pinsan ko. Ayaw ko namang bumili pa kasi sayang din pera. Di naman bawal ang ganitong heel size. Ang bawal siguro killer heels.

Nilinga ko ang bleachers at puno na ito. Pero may nakita akong isang lalaking naka-blue hoodie sa dulo na may inuukupa ng bag nito ang tabing espasyo.

Lumapit ako don. Naka-krus ang mga braso at nakatungo ang ulo ng lalaki.

Tumikhim ako para tawagin ang pansin niya pero di niya inangat ang ulo niya.

"Ahm...excuse me..."- tawag pansin ko uli pero di uli ito gumalaw.

Yumuko ako at sinilip ang mukha ng lalaki pero di ko pa rin makita.

Tulog ba sya?

Kaya ang ginawa ko binaba ko muna sa sahig ang paper bag saka mahinang kinulbit ang braso ng lalaki.

Bahagya itong gumalaw pero nanatiling nakayuko. Hala sya, mukhang tulog nga yata.

Nilakasan ko ang pagkulbit sa balikat niya at inulit-ulit po.

Don sya tuluyang gumising yata tsaka sya biglang nag-angat ng ulo na di ko napaghandaan kaya kinagulat ko ang sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

"Excuse m---"

My eyes widen in surprise and my mouth hanged open in slow motion when I raked my eyes on his features even with his hood on.

HALLELUJAH!

SOBRANG GWAPO!

(Credits to the original source: EA7)

He looks foreign...

Patrician forehead, thick brows, perfect narrow nose, sexy shaped lips, perfect strong jawline, and deep set of magnetic hazel brown orbs.

Just his hard and ruthless eyes, I can say he screamed vigor and hostility that intimidated and scared my being.

RESTRAINED HEARTS (Mx Series #1) HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon