23: Airport

36 0 0
                                    

Finally the stressful week is done. Tapos na rin ang mga exams. Now it's Saturday and do you know what it means?

Rui's coming back!

At the moment, he's probably still in the plane. Ang sabi niya kasi mamayang alas 5:30 ng hapon pa lalapag ang eroplano sa NAIA. May halos 3 oras pa bago yon.

I'm excited to see him again!

What if... sunduin ko kaya siya? pero surpresa?

Nagliwanag ang mukha ko sa naisip. Dali-dali kong hinanap ang name ng mga McClehoux sa phone contacts ko. Oo lahat sila may number ako kasi binigay nila eh. May number din ako sa kanila. Kung sakali daw kinailangan ko silang kontakin o kailangan nila akong kontakin.

Pero teka nga... di ba nakakahiyang tawagan ko sila?

Si Ate Aphrodite nalang kaya ang tawagan ko? pero baka busy naman pati si Kuya Apollo. Habang si Athena naman mahirap disturbuhin dahil nagrereview ng board exam. Si Dion naman masyadong aloof. Eh si Saña kaya? Ay baka di alam. Kung si Tito Caver, di naman ganon kakapal ng mukha. Medyo may hiya pa rin ako sa kanya.

Aha! Si Tita!

Pinakamagaan ang loob kay Tita Liyann. Hmm...okay lang kaya?

Ah bahala na!

I dialled her number. After a few rings, she picked up her phone.

["Hello? Zea, is this you?"]

Napatikhim ako.

"Opo, Tita. This is me speaking."

["Omo! You called."]

"Ah eh, may itanong po sana ako if it's okay." - maingat kong saad.

["Of course, dear. What is it?"]

"Ahm di ba po yong plane kung nasan si Rui ngayon will arrive at past 5 this afternoon... Tanong ko po sana if may susundo sa kanya."- sabi ko.

["I think meron. Susunduin siya ni Loprezo, his assistant. Why, hija?"]

I nodded before I scratched my nose.

"P-Pwede po patulong, Tita?" nahihiyang tanong ko.

["Why? Is there something wrong?--- 'Who is it, love?"] Rinig ko ang pag-aalala sa tono ni Tita at narinig ko din ang pagsabat ni Tito Caver. Magkasama pala sila ngayon.

["Si Zea, love. Naghihingi ng tulong.---Why? What happen?" ] nag-usap sandali ang mag-asawa sa kabilang linya.

I felt moved with the concern that the couple is showing towards me.

["Anong maitutulong namin, Dear? Tell us."] Tita Liyann worriedly asked.

"Nothing serious po, Tita. Don't worry... Tungkol lang po sa pagsundo kay Rui. I want to come along in fetching him at the airport. Pa'no po kaya, Tita?"

Napasinghap siya ng mahina.

["Are you planning to suprise him by fetching him there?"] nanunudyo niyang tanong.

Namula ang mga pisngi ko.

"Y-Yes po. I can't wait to see him."- I shyly confessed.

Napatili ng mahina si Tita sa kabilang linya.

["You're so sweet! I bet my son is also excited to see you. No worries, Dear, we'll help. Wait, hija...  Love, can you contact Loprezo? Tell him na isama si Zea sa pagsundo kay Hade and don't tell Hade about it. She'll surprise him. --- Right away, love. Can you tell Zea to send her address? so Loprezo can fetch her first.--- Zea, did you hear that? Text me nalang your address para masundo ka before kayo pumunta ng airport."]

RESTRAINED HEARTS (Mx Series #1) HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon