Chapter 1 - Book 2

2.7K 38 0
                                    


NASA labas na siya ng bar at nagmamadaling lumakad patungo sa parking lot. Ilang hakbang na lang siya mula sa sports car nang kumunot ang noo niya. Hindi niya matanaw sa loob si Yelena. Naiiritang nilinga niya ang buong paligid.

The whole parking lot was dark and deserted and Yelena was nowhere in sight. Tumingin siya sa pinanggalingan. Nasa bar pa ba ito? Sa ladies' room kaya?

Isang naiiritang buntong-hininga ang pina-kawalan niya at akmang tatalikod na upang bumalik sa sports car. Subalit ni hindi niya nagawang makaikot man lang nang kahit bahagya. Mula sa likuran niya'y dalawang kamay ang biglang sumalikop sa kanya.

Ang isang kamay ay pigil ang dalawang mga braso niya at ang isa ay tumakip sa bibig niya.

"Don't make a wrong move, La Tigra."

AUTOMATICALLY her brain reacted to the situation. Ang kanang kamay niya, sa kabila ng mahigpit nitong hawak, ay gumalaw upang bigyan ito ng malakas na siko. Kasabay niyon ay kumilos ang kanang binti niya para sa pagsipa rito.

Subalit utak lang niya ang gumana at hindi ang katawan niya dahil ni hindi niya nagawang pakawalan ang sarili mula sa mahigpit na pagkakapigil sa kanya.

"Tumigil ka!" he hissed behind her. "Hindi kita gustong saktan!"

Idinidikta ng utak niyang nanganganib siya at kailangan niyang manlaban. She tried to wiggle free with all her strength. At dahil nanlalaban siya at hindi biro ang ipinakikita niyang lakas, sa isang iglap ay ibinalandra siya ng kung sino mang may hawak sa kanya padapa sa hood ng kotse niya. Her hands twisted on her back. She groaned.

"I don't believe in not hurting my enemy," he rasped angrily. "Be it a woman or otherwise! Especially if that woman happens to have deadly skills!"

Hindi siya makahinga sa mariing pagkakatakip ng kamay nito sa bibig niya. Her chest ached as he pressed her into the hood of her car. The corner of her eyes stung from unwanted tears. Suddenly, she was afraid. Not of herself but of her parents, of her family. Kinatatakutan niya ang maaaring maging resulta sa pamilya niya kung mapapahamak siya.

Lalo na ang ama't ina na alam niyang hinihintay siya sa mga sandaling ito sa Monica Hotel. They'd be worried to death if she didn't arrive in a couple of hours. Hindi kakayanin ng mga magulang niya ang kapahamakan niya. Ang panibagong trahedya. This would probably cause Franco's death. He was in his eighties and though still strong, his heart could only take so much.

For the first time in her life, she was rendered helpless by a man. This was no ordinary man. Dahil ang kaalaman niya na pinag-aralan niya, nilang magpipinsang babae nang ilang buwan... mula sa isang Chinese monk sa Tibet ay nawalan ng silbi sa isang iglap.

Muli, ang kayamanan ng mga Fortalejo at Navarro ay walang magagawa sa mga ganitong uri ng sitwasyon. Only this time, it was her fault. Sadya niyang tinanggihan ang pagkakaroon ng mga bodyguard, lyon ay dahil naniniwala siyang walang nakakaalam sa tunay niyang pagkatao. Higit sa lahat, buo ang tiwala niya sa sarili na ang kaalaman at kakayahan niya ay mapangangalagaan siya sa ganitong pagkakataon.

She bitterly realized now how wrong she was. And it was too late for regret. Ang anyo ng mga magulang ay unti-unting nagkakahugis sa isip niya; ang panghihilakbot at sindak sa mukha ng mga ito.

Muli siyang nagpilit na manlaban. The iron-hard hand moved from her mouth to her throat. In a fraction of a second, Cameron was immobilized. Naramdaman niya ang kamay nitong bumaba sa binti niya at mula roon ay hinugot nito ang baril niya.

"The knife stays since you can't use that in close range without me killing you first." He spoke in a cool and deadly voice.

Her heart pounded on her chest painfully. Kahit gustuhin niyang magsalita ay hindi niya magawa dahil humihigpit ang mga daliri nito sa leeg niya. Hindi niya ipagtataka kung bukas lang ay nakatatak na sa leeg niya ang mga daliri nito.

Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de LeonesWhere stories live. Discover now