PAIMPIT na umungol ang rottweiler. For a long moment Brad was quiet and alert. Gayundin ang aso na tila hindi mapalagay."W-why?"
"Sshh," babala niya kasabay ng pagtingkayad sa tabi nito. "May mga tao sa paligid ng bahay ko."
"How... do you know?" she whispered. "And where exactly is your house?"
"Twenty yards, three o'clock," he told her in a whisper, expecting her to understand the military term.
Hinawi niya ang malagong damo sa harap ni Cameron upang masilip nito ang itinuturo niya. Dalawang kislap ng liwanag ang natanaw niya na natiyak niyang nagmumula sa sigarilyo.
"Kahit ang anino ng bahay mo'y hindi ko maani-Oh!" Napahugot ito ng hininga nang mapuna rin ang kislap ng mga sigarilyo sa dilim.
"Stay here."
"No!"
NAPAKUNOT ang noo ni Brad nang mahimigan ang panic sa tinig ni Cameron. Umangat mula sa dilim ang kamay nito at mahigpit na humawak sa braso niya.
"I... I'll go with you."
"Those men are dangerous, Cameron. Mas makakakilos akong mabuti kung nag-iisa ako."
"A-ayokong maiwang mag-isa rito." Humigpit pang lalo ang kamay nito sa braso niya.
He frowned. Nanginginig ang tinig ng dalaga. At kung hindi siya nagkakamali ng hinala ay takot ang nararamdaman niya mula rito. Nang akma niyang aalisin ang pagkakahawak nito sa braso niya ay bumaon ang mga daliri nito sa balat niya sa pagsisikap na pigilan siya.
"This is so unlike you, Cameron. Hindi mo kailangang matakot. Hindi ka nila makikita rito. Besides, I'd die first before anyone could harm you..." He said the last sentence with conviction that surprised even him.
That would have comforted her. Pero hindi iyon nakabawas sa panginginig nito. "I am not afraid of those men, Gabriel," she said, her voice cracking. "If... if there's a little light and the distance is shorter, I could easily take them one by one... if it comes to the point of shooting and killing them. I am a crack shot. You must know that by now. But I have no intention of killing those men unless I am forced to."
"Kung ganoon ay ano ang dahilan ng takot na nararamdaman ko mula sa iyo?"
Hindi ito sumagot at nauubos ang pasensiya niya. Malabong mangyaring makikita ng mga taong iyon ang daanan patungo sa basement pero hindi niya gugustuhing manatili ang mga ito sa paligid ng bahay. He wouldn't take any chances no matter how remote the possibility of them finding out the basement facility.
"Don't let us waste time, Cameron," aniya at akmang hahakbang nang mabilis itong magsalita.
"I am afraid of the dark!" she hissed the words, sa paraang tila sapilitan iyong inilalabas mula sa bibig nito.
Brad's mouth dropped open. Nakikita niya ang silhouette nito sa dilim. At sa sinabi nito ay halos kaya niyang ipinta sa isip ang anyo nito. Her eyes wide open in fear!
She was a markswoman. That he could believe.
Nasaksihan din niya ang kahusayan nitong gumamit ng patalim, ganoon din ang pakikipaghamok nito sa tatlong lalaki na halos hindi nito ininda.
Pero heto at inaamin ni Cameron na natatakot ito sa dilim. Why, the wench is human after all, he thought with mixed feelings.
It had been years since he felt his heart stop as it had when he'd first seen her. But damn it. She was none of his business. Hindi niya kasalanang sa gubat niya ito tumakbo at hinahabol ng mga kriminal. She could take care of herself anyway.
YOU ARE READING
Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de Leones
RomanceHis identity has been erased. Wala siyang pamilya. Wala siyang nakaraan. Brad Santa de Leones did not exist. The agency had also erased the scar on the left side of his face to complete the new identity that was to be Gabriel Stone. He resented the...