Chapter 10

3.1K 50 0
                                    


PAGBUKAS ng suite ni Brad ay nasa receiving room sina Trace at Ivan, kasama sina Nayumi at Jessica. The girls hugged and kissed each other.

"Kanina pa kayo?" tanong ni Kurt.

"An hour ago," said a worried Ivan. "Nagkamalay siya sandali. Nakita niya kami but I am not sure if he recognized us. He said 'go away' and went back to sleep."

Nagkatinginan sina Kurt at Cameron. Alam nilang nakilala ni Brad ang dalawa. Lamang ay hindi gusto ni Brad na makita nina Ivan at Trace ang kalagayan nito.

"P-pupunta muna ako sa silid niya." Hindi niya hinintay na sumagot ang mga ito, tumalikod at lumabas siya.

ALAM niya ang pinsalang tinamo nito dahil nakita niya nang ilabas ito mula sa nasusunog na cottage ni Xander kasunod si Abel na karga si Dax. Still, she wasn't prepared at the sight of him.

Puno ito ng bandages habang kung ano-anong tubo ang nakakabit sa katawan nito. There were wires, too. May bahagi ng buhok nito ang naapyasan ng apoy. Cuts and abrasions sliced through his skin. May mga marka ng sunog at paso siyang nakikita sa braso nito.

Mariin niyang tinakpan ang bibig niya upang hindi makaalpas ang pagnanais niyang umiyak nang malakas. Then she walked toward his bed. Sa isang matagal na sandali ay tinitigan niya ito, tears running down her face. Then she bent and kissed him softly on his temple.

"You'll be fine, warrior," she whispered brokenly. "You have to. For me. For Dax."

Ginagap niya ang kamay nito at ikinulong sa mga palad niya. Ni hindi siya nakatitiyak kung ano ang kahihinatnan nito; kung sakali mang mangyari ang kinatatakutan nila, makakaya kaya nitong tanggapin sa sarili na isa na itong paralisado at mananatili sa wheelchair?

"Kahit na ano'ng mangyari, hindi ako aalis sa tabi mo, Brad," patuloy niya, sniffing. "I love you. I don't care if you don't want to marry me. Hindi mo pa naman ako pinagsasawaan, 'di ba?" Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na siyang humagulhol. Ilang sandali muna niyang binigyang- laya ang mga luha bago muling nagsasalita.

"So, I'd stick with you like a glue, warrior. Kung iniisip mong kaya mo akong itaboy, then you will have to fight me."

"Touch me..."

Napaangat ang katawan niya at tinitigan ito. His eyes were opened. They were the same sapphire-blue, maliban sa malamlam iyon.

"Y-you're awake."

"Kanina pa, pagpasok mo pa lang." His voice was hoarse. Cameron thought it must be painful for him to talk. "I thought you'd leave if I pretended sleep."

She stiffened. Her chin went up. "Kung iniisip mong maitataboy mo ako ay mag-isip ka uli. Mananatili ako rito hanggang sa bigyan ka nila ng discharge slip."

"Stubborn are we?" He grimaced and touched his neck.

"Are you all right? What do you want?" kinakabahan niyang tanong.

"My throat ache but it isn't important. What I want is for you to touch me."

Kumunot ang noo niya. "What are you saying?"

Ginagap nito ang kamay niya at dinala sa ibabang bahagi ng katawan nito. Napasinghap si Cameron at marahas na binawi ang kamay. "Hey, are you mad?"

"Cameron, just by looking at you before I get an erection. Now, I do not know what will happen to me, ngayong may trauma sa spinal ko. Those damn doctors won't tell me. And I want to know if I can still function. So, touch me."

Another time she would have laughed. She bent and kissed him. A tongue kiss. He gasped and took her tongue and suckled it. Pagkuwa'y inilayo nito ang mukha niya.

Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de LeonesWhere stories live. Discover now