BIGLANG bumukas ang silid niya at sumungaw ang humihingal na si Dax. "What? Andiyan na si Brad?"He took another breath. "May... mga taong parating dito."
"Tao?"
"Tatlo. Hindi ko kilala, Cameron. Pero kinakabahan ako sa kanila. May nakasuksok na baril sa baywang ang mga lalaki."
"Gaano pa sila kalayo? Hindi ba tayo makakatakbo sa gubat?"
Umiling si Dax. "Nakita kong umikot sa likod ng bahay ang isa. Ikinandado ko ang pinto. Ano ang gagawin natin, Cameron?" nahihintakutang tanong nito.
"Huwag kang lalabas dito sa silid, Dax. Kahit na ano ang mangyari, naiintindihan mo?"
"Pero, Cam-"
"Inuutusan kita!" Humakbang siya patungo sa bag niya na nasa lumang tokador. Kinuha sa loob niyon ang Smith & Wesson niya. This gun was bigger than her handgun.
Kinuha niya iyon mula sa footwell ng kotse niya kaninang umaga bago sila inihatid dito ni Brad.
"K-kaya... mong ipaputok iyan?" manghang tanong ng bata na naupo sa gilid ng kama.
"Kung kinakailangan. Sundin mo ang utos ko, Dax. Dito ka lang." Ikinasa niya ang baril at lumabas.
Tuloy-tuloy siya sa sala. Pagsungaw niya sa malaking bintana ay hustong palapit na ang dalawang lalaki at nakita siya. Mabilis siyang nagtago sa dingding. Isa sa mga lalaki ay ang kasama ng limang unang tumugis sa kanya.
"Halo!" nakakalokong sigaw ng lalaki na nasa tapat ng bintana. Ang isa'y alam niyang patungo sa front door. At ang isa, kung totoo ang sinasabi ni Dax ay malamang na nasa kusina.
"Pagbuksan mo kami ng pinto, Miss. Makikiinom kami."
She wasn't a killer. But these men were dangerous and armed. At magkakalayo at hindi niya magagamit ang kaalaman niya sa mga ito. And there was Dax to consider. Hindi bubuhayin ng mga ito ang bata. Nakita niyang inuuga ng nasa labas ang pinto ng sala. Napakarupok niyon at ilang sandali pa'y bibigay iyon. Narinig din niya ang biglang pagbalandra ng pinto sa kusina, na marahil ay tinadyakan lang.
Itinaas niya ang baril sa pintuan. Hustong bumukas iyon ay nagpaputok siya. Ibinaling niya iyon sa may kusina at isang putok pa uli ang ginawa niya. Pagkatapos ay sumungaw siya at itinuon ang baril sa nabiglang lalaki na marahil ay inakalang sa mga kasamahan galing ang mga putok.
"Ibaba mo ang baril mo kung ayaw mong matulad sa dalawa mong kasama!" Tumaas ang kamay ng lalaki at nagpaputok si Cameron. The man screamed. Humagis ang baril nito. Isang putok pa uli ang ginawa niya at muling humiyaw ang lalaki. "Dax! Lumabas ka na!"
Parang torong tumakbo palabas si Dax, nanginginig sa takot at tumakbo kay Cameron at yumakap dito. "Akala ko'y... akala ko'y ikaw na ang..."
"I'm okay, Dax," she said gently, her eyes never leaving the man below. Sapo nito ang kamay na pinatamaan niya at ganoon din ang paa nito. "Kung kaya mong damputin ang baril na humagis sa ibaba ay damputin mo. Bilis!"
Kumawala si Dax mula sa kanya, huminto sandali sa lalaking nakahandusay sa sahig, ang tama ng baril ay sa gitna ng mga mata. Napahugot ito ng hininga at nilinga ang nasa entrada sa pagitan ng dining room at sala. Tumakbo ito pababa at dinampot ang baril ng lalaki at ipinanhik. Saka pa lang bumaba si Cameron.
"Humanap ka ng tali at itatali natin ang lalaking ito hanggang sa pagdating ni Brad."
"Kung iniisip mong makakatakas ka ay nagkakamali ka! Ang lalaking kasama mo'y tiyak na patay na ngayon!"
Nagkatinginan sina Cameron at Dax. "Nagsisinungaling iyan," ani Dax. "Kung sa iyo nga lang hindi ka nila nakaya, si Brad pa." She smiled at the boy.
YOU ARE READING
Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de Leones
RomanceHis identity has been erased. Wala siyang pamilya. Wala siyang nakaraan. Brad Santa de Leones did not exist. The agency had also erased the scar on the left side of his face to complete the new identity that was to be Gabriel Stone. He resented the...