"ONLY you would notice, Mama," aniya. "Dahil ganoon na lang ang obsesyon mong gantihan silang mag-anak." Sinikap niyang itago ang dismaya sa tinig niya.Napapagod na siya sa obsesyong ito ng ina.
Twenty-three years ago, hindi biro ang salaping ginasta ni Hestercita para lamang matangay si Alessandro. He was six years old when her mother brought the young Alessandro home.
The young boy looked very tired and shocked. His eyes were red and swollen. Marahil ay mula sa mahabang pag-iyak. Namumula ang mga pisngi nito at may dugo sa mga labi na palatandaang sinaktan ito. He used to wonder who could have hurt him.
Ilang linggo pa ang lumipas at nahulaan na niya kung sino ang may kagagawan ng pananakit na iyon kay Alessandro. Her mother had never hurt Maurice physically but having witnessed how Hestercita abused the boy was enough for him to fear his own mother. Nakita niya kung paano nito saktan si Alessandro sa bawat munting pagkakamali.
Subalit mula nang idating si Alessandro sa inuupahang bahay nila sa isang maliit na baryo dito sa San Juan ay wala siyang natatandaang umiyak ito sa bawat parusa ni Hestercita. He had to admire Alessandro for that.
Dalawang buwang pagkakakulong sa munting silid ay pumusyaw ang kulay ni Alessandro. At ang dating may kahabaang buhok nito ay humaba pa nang bahagya. Ipinakulot iyon ni Hestercita at pinakulayan nang mamula-mula upang walang maghihinalang hindi ito kapatid si Maurice na ang pagiging mestiso ay minana sa amang Amerikano.
Muling ginamit ni Hestercita ang salapi ng asawa at napakuhanan si Alessandro ng mga kinakailangang dokumento sa pangalang babae- Alexandra Grayson. Odd, because it was almost the English version of the boy's true name.
Sa nakalipas na mga taon ay natiyak ni Maurice na kung hindi sa naisip na iyon ni Hestercita para sa batang Alessandro ay hindi nito mailalabas ng bansa ang panganay na anak nina Zandro at Jennifer Navarro-Fortalejo. Sinuyod ng mga alagad ng batas at ng mga private detective ang lahat ng exit sa bansa.
Sa America, ipinalabas nito sa asawa na anak si Alessandro ng isa nitong kapatid na namatay habang nasa Pilipinas sila. Mariing iminungkahi ni Gen. Grayson na ampunin nila ang bata sa kabila ng pagtanggi ni Hestercita.
Gayon na lamang ang pagkamangha ni Gen. Grayson nang matuklasang hindi babae ang iniuwing bata ni Hestercita. At kahit si Hestercita ay nagkunwang ganoon na lamang ang pagkamangha.
Sa pamamagitan ng papa ni Maurice ay unti-unting nawala sa tila shell na kinakukulungan si Alessandro. He had learned to smile whenever he was with Gen. Grayson. Nasaksihan ni Maurice ang kasiyahang idinulot ni Alessandro sa ama niya.
Maurice's father had really learned to like... and as the years had passed and until his death, had loved Alessandro like a son.
"Nagdusa ako, Maurice!" Hestercita cut into his thoughts.
"Pinagtawanan ako ng buong baryo nang malaman nilang hindi ako ang babaeng pakakasalan ni Zandro. Nilait ako ng mga kasamahan ko sa hotel...
"Pinagtatawanan ako dahil masyado raw akong ambisyosa para asaming maging asawa ng isang Fortalejo. Na ako lang naman daw ang walang kahihiyan na nagsiksik ng sarili ko kay Zandro. That Zandro was only too polite para prangkahin ako..."
Ang poot at pagkahabag sa sarili ay sama-samang nauulinigan ni Maurice mula sa ina. Sometimes, he was torn between hating and pitying her. Mula nang magkaisip siya ay napag- alaman niyang ginamit lamang ng ina ang kayamanan at koneksiyon ng kanyang ama para sa paghihiganti nito. Hestercita had never really loved Maurice's father.
May mga pagkakataong nahuhuli niya ang ina na hawak ang larawan ni Zandro Fortalejo na iniingat-ingatan nito. Hinahaplos-haplos iyon at hinahagkan-hagkan.
YOU ARE READING
Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de Leones
RomanceHis identity has been erased. Wala siyang pamilya. Wala siyang nakaraan. Brad Santa de Leones did not exist. The agency had also erased the scar on the left side of his face to complete the new identity that was to be Gabriel Stone. He resented the...